Prologue

399 Words
Elizabeth Loisa Cruz, iyan ang aking pangalan. May katangkaran ako at may kaputian rin, Hindi naman ako ganun kaganda at hindi rin naman ako panget. Pero simula ng nabuntis ako ay pumanget ako, dahil na rin siguro sa sinasabi ng mga tao na kapag lalaki ang anak mo ay magiiba ang iyong itsura na katulad ng nangyayari sa akin ngayon. 8 months na akong buntis, mahirap magbuntis at ang pinakamahirap na part ay iyong paglilihi maswerte naman ako dahil hindi ako iniiwanan at pinapabayaan ng aking ina. Pansamantala muna akong umalis sa apartment na aking tinutuluyan dahil na rin sa nangyari na… one night stand na siya rin ang una ko pero ngayon hindi ko alam kung nasaan siya. “Anak, baka nagugutom ka na? kumain na kayo ni baby” alok sa akin ni mama “Hindi po muna, ma. Medyo wala akong gana kumain siguro maya maya na lang ma” sagot ko sa kanya Nakaupo ako sa couch sa living room habang nanonood ng telebisyon. Tumabi sa akin si mama at hinimas ang aking walong buwan na tiyan. “Sa susunod na buwan ay lalabas na aking apo!” magalak niyang sinabi habang patuloy na paghimas ng aking tiyan, “oh!” gulat ni mama ng biglang sumipa si baby “Mukhang excited na siyang Makita ang kanyang lola” sabi ko at tawa “Oo nga eh, nakakakaba lang” “Bakit naman nakakakaba, ma?” “Nakakakaba dahil-“ natigil si mama sa pagsasalita ng biglang bumukas ang main door ng bahay “Hi Guys!” magalak na bati ng taong nasa pintuan “Hoy Protacio! Matuto ka naming kumatok! Hindi iyong basta basta kang pumapasok sa bahay tinatakot mo kami ng anak ko!” Sermon ni Mama kay Papa “Anak ko rin naman yan si Eli” sabi ni papa kay mama “Ang gulo niyong dalawa dyan, nabubulabog apo niyo kahit nasa tiyan ko palang siya” sabi ko naman sa kanilang dalawa “Ay! Pasensya na apo ko, ang pangalan mo ay Isteban” Sabi ni papa at hinimas ang tiyan ko "Anong isteban? Ang pinagkasunduan na natin ay Florensyo ang pangalan niya??" Sabi ni mama kay papa "Hoy! Wala akong sinasabing ganun ah!" Sagot ni papa Nakakatuwa lang dahil kahit matagal na silang magkahiwalay at may kanikaniyang sariling pamilya ay hindi pa rin nila ako nalilimutan lalo na ngayon na buntis ako. Gustong gusto nilang makaluma ang ipangalan sa anak ko, di naman ‘to anak ni Jose Rizal. Alam kong marami na ang curious kung sino nga ba at anong klase siyang tao.. Sino nga ba? Sino ang daddy ng anak ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD