Chapter 1

1604 Words
Sino nga ba ang tatay ng dinadala ko at ano nga bang klase siyang tao? Miski ako hindi ako makapaniwala, parang ang bilis ng lahat. Pogi siya, pero hindi ko sinasabi na porket gwapo siya ay nagpabuntis na ako agad sa kanya. Madami muna kaming pinagdaanan na naging memories na pala naming together, at ang isa doon sa mga memories na iyon ay iyong gabi na hindi ko malilimutan…                                                                                     Elizabeth’s POV                                                                                                 --- "Eli! Yung sikat na Korean-American singer s***h actor sa korea nasa pilipinas!!!! Si Sawyer Scott!" Galak na galak na ibinalita sa akin ng kaibigan ko na si Maxinne, super fan siya nito dahil pagmula sa merch ay bibilhin niya kahit mahal pa yan. "Ano naman?" Medyo irita kong sabi sa kanya ng makita ko ang mukha nung Sawyer Scott "Grabe ka naman! Ang taray mo talaga! Hmp!” Max Tinitigan ko lang siya at umuling tsaka nag-ayos ulit ng gamit sa shelf, hindi ko maintindihan kung bakit iniidolo nila ang mga taong ganya eh pare-parehas lang naman tayo dumudumi sa inidoro. Nagtatrabaho ako sa isang shop sa loob ng isang sikat na mall, unisex ang binebenta naming mga damit, pabango at iba pa. "Max, kawawa ka" sabi ko sa kanya tsaka ako tumayo tsaka umupo sa may upuan ng cashier at tinitigan siya "Anong nakakaawa ka diyan? Mahal niya kaya kaming mga Fans niya” Pilit niya Tinawanan ko lang siya at binato ko siya ng ballpen ng pabiro "Nababaliw ka na, Max! Wag mong pagaksayahan ng panahon ang mga taong ganyan." “Nakakainis ka talaga! Makaalis nga muna” “Hoy! Saan ka pupunta, ito naman hindi mabiro” “Magpupunta lang ako ng comfort room” “Sige na, pahiram muna ako ng cellphone mo tignan ko nga ‘yang Sawyer mo” sabi ko at kinuha ko kay Max ang cellphone niya “Wag mo masyadong i-stalk akin lang siya” “Oo na! HA HA HA” Umalis na siya at ako naman ay naiwan sa store habang nakatutok sa cellphone at tinititigan at lubos na kinikilala itong si Sawyer Scott na kinababaliwan nila. “Aba, kilala pala siya sa buong mundo” bulong ko sa sarili ko Magkakasing edad lang din kaming tatlo, Singer siya at Actor pero mas sikat siya sa US at Korea. Nakapanood na rin siguro ako movies niya or mga drama niya pero di ko lang matandaan. Ilang oras na rin ang nakalipas at ngayon ay closing na. Habang nasa locker room kami ng mall ay kinausap ako ni Maxinne. “Eli, mago-off pala ako bukas, bale si ate myca ang makakasama mo kasi may importante akong kailangang puntahan bukas.” “Let me guess-“ “Maggroup date kami ng mga friends ko na fan din ni Sawyer Scott” “Tch. Group date nga ba or istalk mo lang iyang Sawyer Scott mo” “H-Ha?! Hoy! Hindi ah.. Basta! Ikaw nalang bukas bahala kasama mo naman si Ate Myca” “Oo na, sige na! Kunwari nalang naniniwala akong maggroup date kayo ng mga makakasama mo bukas” “Babawi nalang ako sayo! Promise!” “Hay nako! Kahit hindi na, tara na nga!” sabi ko at kinuha ko ang shoulder bag ko sa locker ko at umalis na kaming dalawa ni Maxinne doon. Halos onti na lamang ang tao sa labas at wala na gaanong kotse sa kalsada dahil alas onse na rin kami nakaalis. "Eli, dito nalang ako ah? Ingat ka!" Paalala ni maxinne sa akin habang nakapila na siya sa sakayan ng UV "Osige, maglalakad na ako. Magiingat ka ah! At saka bukas” paalala ko sa kanya at kinawayan siya Since malapit lang naman ang bahay ko dito sa mall, sa likod lang ng mall ang bahay ko walking distance nga lang. Nagtitipid din ako kaya naglalakad ako papauwi at nangungupahan lang din naman ako kaya wala akong karapatan na iluho ng sobra ang sarili ko, call me cheap pero ayos naman ako kahit ilang araw o gabi ako naglalakad ng gabi. Since ninang ko naman ang may-ari ng apartment na tinutuluyan ko, nakadiscount naman din ako kahit na papaano. Malaking bagay na rin ‘yun lalo na sa isang tulad ko na 22 years old na dalaga. “Ito na naman tayo” bulong ko sa sarili ko Dadaan na kasi ako sa iskininta na short cut papunta sa apartment ko. Habang naglalakad ako sa iskinita, hindi pwedeng sa isang gabi na dadaan ako dito e walang sisitsit sa akin o tatawag ng "miss" sa akin. In short, madalas akong i-cat calling dito Pero I don’t mind naman and I always Thank God kasi wala pang nagtatangkang mangmanyak sa akin ditto.. "Hi miss!" "Miss, anong pangalan mo?" "Miss!" "Pst!" "Ganda" "Sexy" "Witwiw!" Disente naman ako manamit? Tsaka hindi naman kabastos bastos ang uniform namin. Tsktsk. Libog lang talaga mga lalaki ngayon! Hindi ko nalang sila pinapansin kasi kung papatulan ko pa sila ay baka ako pa ang mapahamak hindi ba? Wala din poste ng ilaw dito kaya lakas lang din talaga ng loob kung dadaan ka dito ng ikaw lang magisa at wala kang kasama. "Pst! Hey!"  Nanlaki ang mga mata ko ng may marinig ako na may sumusitsit sa akin.. Pero baka naman hindi ako iyon? Hindi ko nalang papansinin at maglalakad nalang ako ng mabilis. "Miss! Wait up!"  “Miss!” “Hey!” Parang ako talaga ang tinatawag niya dahil naririnig ko rin ang pagbilis ng paglalakad niya ng binilisan ko rin ang paglalakad ko kaya naman wala na akong ibang choice kung hindi tumakbo nalang. Ngunit narinig ko rin ang bilis ng yapak ng lalaki "Wala akong peraaaaa!!!" Sigaw ko habang tumatakbo ako na hawak hawak ang bag ko dahil marami ako ditong mga importanteng gamit na hindi dapat mawala. Pero bigla akong nakaramdam ng paghawak sa braso ko *Grab* “Miss, Please help me..” Pakiusap ng lalaking nakahawak sa braso ko Tinignan ko siya, matangkad siya ngunit hindi ko makita ang mukha niya dahil sa hoodie at cap na suot niya at nakaface mask pa siya kaya lalong hindi ko madescribe ang itsura niya. Takot na takot ako dahil sa medyo mahigpit niyang kapit sa braso ko. “W-wala kang makukuha sa akin, pakiusap wala akong pera” “Wala pa akong sweldo, kuya” “Wag mo akong patayin, marami pa akong gustong gawin sa buhay ko, kuya! Mahirap lang po kami. Pakiusap.” Makaawa ko sa lalaki pero bigla nalang kami naglakad ulit. “I won’t kill you or take your money, basta tulungan mo ako o kaya naman ay itago mo nalang ako, please I’m begging you” sabi niya sa akin habang patuloy kaming naglalakad Pero napatigil ako sa paglalakad sa sinabi niya “Ayoko! Baka mapahamak pa ako dahil sayo!” “Please! Babayaran kita!” pinipilit niya ako at hinihila niya rin ako. “Omo! They’re coming! Let’s go!” Napatingin ako sa likod naming at may nakita akong mga lalaking nakablacksuit at mukhang may hinahanap, mukhang siya ang hinahanap. Wala naman din akong nagawa kung hindi sumunod nalang din sa kanya at hinawakan ko siya sa kamay at nagsimula kaming tumakbo papunta sa apartment ko, bahala na kung anong mangyari sa akin mukhang di naman siya magnanakaw dahil mas mukha pang delikado ‘yung tatlong lalaki na naghahanap sa kanya. Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa apartment ko mabuti na lang ay pwede naman ako magdala ng bisita doon dahil hindi naman strict sa apartment ko. Umakyat kaming dalawa sa 3rd floor dahil nandoon ang apartment ko na studio type lang Nakita ko na nasa labas si Hilda, yung kapit kwarto ko lang. Madalas silang magaway ng boyfriend niya paano kasi 17 years old palang siya at 20 na ‘yung boyfriend niya na puro barkada ang inaatupag. "Ate Loisa! Pahingi ako ng ulam mo" "Ay, ang ganda naman ng bati mo sa akin ulam agad! Wala be hindi ako nakabili ng ulam, hindi ka pa ba nakakakain?" sabi ko "Nakakain naman na, pero nagugutom na naman ako eh. Haha” Hilda “Nako hilda ah! Baka buntis ka?” “Nako Ate, imposible! Baka mga tropa pa niya mauna niyang buntisin eh…Oh! Sino yan?" Tanong niya sabay turo sa lalaking nasa likod ko Nilingon ko siya at narealize na kasama ko parin pala siya, kamuntikan ko na siyang kalimutan. “Ah! Oo nga pala kamuntikan ko na makalimutan, Classmate ko siya nung High School makikituloy lang kasi ginabi na siya” Sagot ko “Weh? Baka naman Boyfriend mo ‘yan?” “HA HA HA!” nerbyos at awkward kong tawa, “Sige na hilda papasok na kami sa loob” “Ah..He he he.. Sige Ate Loisa punta lang ako sa 7/11” “Osige magiingat ka” Nagpaalam na kami kay hilda at hinila papasok iyong lalaki sa apartment ko. Tumingin tingin siya sa paligid at bago ko isara ang pintuan ng apartment ko ay tumingin muna ako sa hallway kung may iba pangtao pagtapos ko magcheck ay isinara ko na rin agad ang pintuan ng apartment at tinignan ko ‘yung misteryosong lalaki. Aba! Nakahiga na agad sa kama ko. “Ugh.. I’m so tired” sabi niya at niyakap ang unan ko. “Uhm, excuse me? Tanggalin mo man lang yung sapatos mo at hindi ka dyan matutulog dahil aalis ka din kinabukasan.” “What a bummer, ang comfortable ko pa naman ditto with you.” “Teka nga! Sino ka ba? Ha? At sino yung mga humahabol sayo doon kanina sa iskinita?” “iskinita?” “Oo, iskinita. Kanto. Street.” “Oh, well those are my bodyguards! Thank you for helping me out!” sabi niya habang tinatanggal niya ang sapatos niya at ang kanyang medyas. Umupo ako sa sahig na malapit lang sa kama ko at tinitigan ko siyang mabuti dahil hanggang ngayon ay hindi pa niya tinatanggal ang suot suot niya na nakatakip sa mukha niya. “Eh, sino ka nga ba talaga?” tanong ko sa kanya “Well, I know you know me already pero before anything else please don’t shout or scream” “Bakit naman aber?? Di na ako makakaantay pa, at kung wala kang balak na tanggalin yan ay papaalisin kita at ipapahuli kita doon sa mga bodyguard mo!” “Alright! Alright! Just don’t freak out” sabi niya “Dalian mo na! dami mo pang hanash eh!” Tinanggal niya ang cap niya atsaka at hoodie niya. Kitang kita ko na agad ang mga mata niyang magaganda, tinitigan niya ako, nagkatitigan kaming dalawa bago niya tanggaling ang facemask na nagcocover sa mukha niya. Nanlaki ang aking mga mata.. Si.. Si………
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD