Chapter 2

1658 Words
Tinitigan ko siya sa mukha niya at bumaling siya ng tingin sa akin at ngumiti ng labas ang dalawa niyang dimples, alam ko kung saan ko siya kita. Siya nga ba? “Wait.. ikaw- ikaw ba si Sam?.. Ay! Ano nga ba ang pangalan mo?” tanong ko sakanya Tumawa siya at humiga ulit sa kama ko bago siya magpakilala sa akin. “I thought you know who I am.” He said “Ano nga? Ano nga ulit pangalan mo?” I asked again Tumingin siya sa akin at kinindatan ako bago niya sambitin ang pangalan niya “I’m Sawyer, Sawyer Scott” I gasped way too hard to the point na naubo ako bigla. “Ikaw nga! Ikaw nga si Sawyer!” medyo tumaas ang boses ko dahil sa gulat na rin na nandito ‘yung lalaki na idolong idolo ng kaibigan ko na si maxinne “Ugh, kakasabi ko lang na wag kang sisigaw” “Ah, sorry sorry” pasensya ko sa kanya at inabot ko ang cellphone ko Bago pa man ako makapagtext sa kaibigan kong si maxinne ay hinablot agad ni sawyer ang cellphone ko mula sa akin. “What do you think you’re doing?” tanong niya sa akin. “Ano… kasi…” “what?” “Idol na idol ka kasi ng kaibigan ko s***h katrabaho ko” sabi ko “Kung may balak kang tawagan ‘yang kaibigan na sinasabi mo well news flash, hindi pwede” “Ha? Bakit?” tanong ko sa kanya “Well, let’s say na ang mga fans ko ay maaasahan ko pero.. you know? Some of my fans are crazy! Iyong sinasabi nila na nagpapadala sila ng mga letters nila with something weird? That’s true! Lagi akong nakakatanggap ng may buhok nila or dugo nila sa letter. Pero karamihan naman sa kanila ay okay naman, they support me” paliwanag niya sa akin “Hindi, mabait naman si Maxinne! Maasahan na ‘tin siya kasi gusto ko lang na-“ “Wait.. Ganito ‘yan, kung sasabihin mo dyan sa kaibigan mo na si Maxinne hindi naman imposible na hindi niya kokontakin iyong iba pang fan girls na kaibigan niya! At kapag nalaman ng media na nandito ako sa bahay mo malalagot ka!” “H-Ha? Bakit ano?” bigla naman akong kinabahan “kanino ba itong apartment na ‘to? Sayo ito hindi ba? Media are sick as hell! Kaya kung ayaw mo mabalita or madyaryo na kinidnap mo ako, you should zip your mouth.” Sabi niya Ibinigay niya sa akin ang cellphone ko at tinitigan nalang ito at napabuntong hininga nalang. Pasensya na max, babawi nalang ako sayo. “Ano ba kasi ‘tong pinasok ko….” Buntong hininga ko at ipinatong ko nalang ang cellphone ko sa sahig at tinitigan ko siya at saka nagtanong ako ulit, “sino ba kasi ‘yung humahabol sayo kanina?” “I’ve already told you, mga bodyguard ko sila you’re lucky na hindi nila nakita ang mukha mo kasi madilim sa street na ‘yun” “Tch, tumigil ka nga kakatakot sa akin kung gusto mong hindi kita ipahuli doon.” Sabi ko at inirapan ko siya “Ha Ha! I’m just messing with you” “Eh, bakit ka nga ba tumatakas sa kanila? Baka makulong pa ako sa ginawa kong ito na dinala kita dito sa apartment ko.” Sabi ko “Don’t worry! Di na nila ako makikita dito” “Teka nga! Teka nga muna..” tinitigan ko siya sa mata at nakahalukipkip “What?” “Bakit marunong ka pala magtagalog? At dirediretso pa!” “Oh that.. I learned tagalog dahil may nanny ako na pinay, she taught me and speak tagalog with me kaya I know how to speak your own language” paliwanag niya “Ahh.. kaya pala” I nodded as I understood why he speaks tagalog fluently “By the way” sabi niya at umupo ulit siya sa higaan at tumitig sa akin, “why don’t we make a deal?” sabi niya “Ha? Anong deal na naman ‘yan?” tanong ko sa kanya, kinakabahan naman ako the way he looked at me parang hindi ko magugustuhan “Ang boring kasi kaya ako tumakas sa mga bodyguard ko kaya naman…” “Ano? Ano nga?” “Ayaw kasi nila ako ilibot dito kaya naman ikaw ang magiging tour guide ko!” offer niya “What?! No way! Ayoko!” disagree ko “Don’t worry! We will be really careful!” sabi niya sa akin “Alam mo, baka mapahamak pa ako at makulong dahil dyan sa mga careless mong mga decision” sabi ko naman at tumayo sa kinauupuan ko Naglakad ako papunta sa maliit kong kusina para magkape. “Sige na! Please?” pilit niya sa akin “No way! Alam mo magkape ka nalang baka maiba pa ihip ng hangin sa utak mo” sabi ko at kumuha ng mga coffee mug “No, I don’t want coffee. Give me your phone” demand niya “Nasa couch, kunin mo kaya! Ano bang gagawin mo?” Tanong habang nagiinit ng tubig “Magoorder ako ng pagkain! Nagugutom na ako” “Hoy! Wala akong pera tumigil ka dyan” “Ha Ha Ha! Don’t worry I have my credit card with me kaya my treat kasi pinatuloy mo ako ditto sa apartment mo” “Wag na, kape nalang ako.” Sabi ko kahit alam kong hindi pa ako kumakain kanina pang lunch “Wag ka na tumanggi, ako naman magbabayad!” kulit niya Wala na rin akong nagawa kasi nasa kanya na rin ang cellphone at alam ko naman na hindi ako nabubusog sa pa-kape kape lang “Bahala ka dyan” Natawa lang siya at nag order na siya online ng pagkain, di na rin ako mamimili kung ano ang oorderin niya. *Knock knock* “Can you please get the door for me?” pakiusap niya sa akin “UGHHHH…” daing ko Naglakad ako papunta sa pintuan at binuksan ko ito. “kasi gabing gabi na eh” bulong ko “Hello! Ito po ba si Mister Sawyer Scott?” tanong ng delivery man Tumingin ako sa kanya at nginitian lang niya ako, tumingin ako ulit sa delivery man at nginitian siya saka tumango. “Heto na po ang order nila from jollydo, 2 Jolly Burger, 3 orders of 6 pieces chicken nuggets and 2 Large coke. Padouble check nalang po” “Ah, sige po! Bayad na po ba ito?” “Yes ma’am!” “Sige po, salamat” sabi ko at nginitian siya ng awkward “You’re very welcome ma’am!” “ah.. sige” “Pssst!” tawag sa akin ni sawyer Nilingon ko naman siya at inaabutan ako ng 500 pesos. “Para saan yan?” senyas ng bibig ko sa kanya Itinuro niya ang pinto, alam ko ng para iyon sa delivery man. “Oh!” ibinaba ko ang mga order niya sa lapag malapit kay sawyer at kinuha ang pera mula sa kanya, “Kuyaaaa! Teka!” Sigaw ko “Yes ma’am?” tumigil iyong delivery man bago pa man siya makababa mula sa hagdanan “Heto po, salamat po” inabot ko ang tip sa kanya “Ay! Ang laki po nito ma’am! Maraming salamat po!” “Salamat din po!” Bago pa man ako maglakad papunta sa apartment ko ay nakita ko ang pagbukas ng pintuan ng isa kong kapitbahay na si Ate Michelle. “Eli, gabing gabi na sumisigaw ka pa dyan? Natutulog na kami dito” medyo irita na suway sa akin ni Ate Michelle “Ay! Sorry po Ate Mich” pasensya ko at binilisan ko ang paglalakad papasok sa apartment ko saka ko sinara ito. “Who’s that?” tanong ni sawyer sa akin habang ngumunguya ng kinakain niyang burger “Wala, kumain ka nalang dyan.” Sabi ko at umupo ulit ako sa sahig at kinuha ang isang nuggets “Akala ko ba hindi ka gutom?” Tumingin ako sa kanya at tinitigan ko siya ng masama habang binubuksan ko ng paunti onti ang box ng nuggets. “Ah, Ha Ha! I’m just kidding.” Kumain kaming dalawa habang siya ay nanonood ng youtube sa cellphone ko, mga videos niya from his tours and meet and greet sa iba’t ibang panig ng mundo. “By the way, nakapagdecide ka na ba sa offer ko sayo kanina?” “Psh, wag mo na ako guluhin iba nalang! At saka may trabaho pa ako mamaya, anong oras na nga oh! Di pa ako natutulog” sabi ko sa kanya “Oh come on! I’ll give 12 thousand pesos para lang sa isang araw na i-totour mo ako kung saang lugar ko gusto pumunta” kulit na naman niya sa akin “Wag mo na nga ako kulitin may work nga ako bukas!” “Fine, edi isama mo nalang ako sa work mo bukas whether you like it or not” “WHA-“ kinover ko ang bibig ko bago pa man ako magulat na naman ng malakas at mabulabog ang mga kapitbahay ko, “What?” bulong ko “You heard me, matutulog na ako” sabi niya at humiga sa higaan ko at niyakap ang unan “Huy! Wag na kasi!” “Hindi kita naririnig” Hays! Pagiisipan ko na muna siguro, kasi saying din iyong 12k na offer niya isang araw lang naman ‘yun. Bahala na siguro bukas, gigising nalang ako bukas ng maaga at iiwan siya. Bahala na.... (Little did they know, may mangyayari bukas na hindi nila inaakala.. dahil lang sa pagorder ni Sawyer ng pagkain online)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD