❣︎ ALYANDA ❣︎ Grade five. Isang taon simula nang iwan ako nina Papa Adolfo at Mama Karidad kina Kuya Jerome at Ate Kristy. Isang tao na rin akong patuloy na pinahihirapan ni Ate Kristy. Tuluyan na ring nawalan ng amor si Kuya Jerome sa akin. Sa tuwing tatawag si Mama Karidad ay laging sinasabi ni Ate Kristy na naglalakwatsa ako kaya hindi niya ako mahagilap sa bahay. Sabi niya pa, sinasagot-sagot ko raw siya. Lagi rin akong pinagbubuhatan ng kamay ni Ate Kristy. Lahat yata ng bagay ay dumapo na sa katawan ko. Wire ng charger, walis tambo, dos por dos na kahoy, sinturon, ultimo kaldero ay pinupukpok sa akin ni Ate Kristy. At sa tuwing nagkakapasa ako, ang sinasabi ni Ate Kristy ay nakikipagbasag-ulo raw ako sa eskwelahan. Kaya sa huli, nabubugbog din ako ni Kuya Jerome. Sa totoo lang

