bc

The Untold Story Of Alyanda

book_age18+
693
FOLLOW
5.1K
READ
dark
family
brave
bxg
mystery
multi-character
city
like
intro-logo
Blurb

(Under revision)

The deepest downfall is when everyone abandoned you.

But the saddest agony is when your own family seems to forget you. They were there physically, but the truth is they ignore you as if you don't exist.

You sacrificed a lot just for them. You even forget yourself for their sakes. You gave all for them to live and be happy.

But all they returned were pain, suffering, and miseries.

--------------

'Yan ang nakalagay sa unang pahina ng notebook na napulot ko sa loob ng lumang bahay, na katabi ng bahay namin.

At dahil sa notebook na 'yon, malalaman ko ang mga sikreto ng may-ari ng notebook, si Alyanda.

At dahil sa notebook na 'yon, makukulong ako.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Isang payapang gabi sa isang simpleng nayon. Mga panggabing insekto ang siyang maririnig sa ilalim ng liwanag ng buwan. Mga tunog ng damong sumasabay sa ihip ng hangin at mga asong paminsan-minsang tumatahol ang siyang umaalingawngaw. Sa 'di kalayuang dulong bahagi ng nayon ay may isang munting kubo. May dalawang taong tahimik na nag-aaway—si Panyong at ang asawa nitong si Teresa. Kanlong ng huli ang isang buwang sanggol na mahimbing na natutulog at hindi alintana ang mainit na diskusyon ng mga magulang. Si Panyong ay amoy alak, ngunit hindi pa naman gaanong lasing. Si Teresa nama'y hilam na sa luha at hinahabol ang hininga. "Kailan ka pa magtitino, 'Nyong?" May diin sa bawat salita ni Teresa, "May anak na tayo!" "Sabi ko naman sa 'yo, hinihintay ko na lang ang balita galing sa kampo," malumanay na sagot ni Panyong sa asawa. "Isang taon ka nang naghihintay!" Hindi na mapigilan ni Teresa ang pagtaas ng kaniyang boses. Umiwas ng tingin si Panyong, halatang pinipigilan lamang na sabayan ang galit ng asawa. "Imbes na humanap ka ng trabaho habang naghihintay, sa inuman ka naman tumatambay!" panunumbat pa ni Teresa, "Lubog na tayo sa utang!" "Ang hirap sa 'yo, hindi ka makaintindi!" At tuluyan ng naputol ang pasensya ni Panyong. "Ako pa? Ako pa ang hindi makaintindi!" bulyaw ni Teresa kay Panyong, "Nangako ka ng kasal, pero nagkaanak na lang tayo, wala pa rin!" "Bahala ka nga sa buhay mo!" sigaw ulit ni Panyong at tinalikuran si Teresa sabay alis sa kanilang munting tahanan. Hindi na maawat ang mga luha ni Teresa sa pag-agos. Habang tinitingnan ang kanlong na anak, nakabuo siya ng desisyon. Hindi ito ang pinangarap niyang buhay, ngunit dahil sa pagmamahal kay Panyong ay sumama siya kahit walang kasiguraduhan. Kaagad niyang nilagay sa duyan ang anak, kumuha ng papel at ballen saka nagsulat. Sa kabilang dako naman, isang kumpol ng mga kalalakihan ang masayang nag-iinuman. Isa roon si Panyong na nakailang baso kaagad ang nainom. "Oy pare, hindi halatang uhaw, ah!" sabi ni Goyo at nagtawanan silang lahat. "Ang sabihin mo, nag-away na naman sila ni Teresa," kantyaw naman ni Ramil. Tahimik lamang si Panyong habang tumutungga sa basong may laman ng alak. Hindi pinapansin ang tukso ng mga kaibigan. Nahihirapan na rin ako, Teresa! Ang sabi ni Panyong sa kaniyang isipan. Ilang minuto pa ang lumipas nang may nakaunipormeng sundalo ang nagpatahimik sa kanilang lahat. "Guzman, pinapatawag ka na ni Sarj sa kampo bukas. Magsisimula ka na raw sa training," pagbabalita nito at mas lalo pang umingay ang kumpol ng mga kalalakihan. Hindi na maalis-alis ang lapad ng ngiti ni Panyong sa kaniyang mga labi, dahil sa balitang narinig. Sa wakas! Matutupad na ang pangarap natin, Teresa! Pagbubunyi ng isipan ni Panyong. "Oh, inuman pa!" At nagdiwang silang lahat para kay Panyong. Isang sigaw ang gumambala sa kanilang kasiyahan. "Panyong! Ang bahay niyo, nasusunog!" Nabitiwan kaagad ni Panyong ang hawak na baso at kumaripas ng takbo papunta sa kanilang munting kubo. Malayo pa lang, tanaw niya na ang nagliliyab na apoy sa kanang bahagi ng kanilang kubo. May mga tao na rin ang nagtulong-tulong na humakot ng tubig para maapula kaagad ang sunog na hindi pa masyadong kumalat. Walang pagdadalawang-isip niyang sinugod ang kanilang bahay at pumasok roon. Nagsigawan ang lahat ng nakakakita, ngunit hindi na nila naawat pa si Panyong. Kaagad na narinig ni Panyong ang iyak ng kaniyang anak. Hinanap niya ito at natagpuang nakahiga ito sa kanilang maliit na tulugan. Nakita niya rin ang lampara sa paanan ng anak. Kung kaya't naisip niya, marahil natabig iyon ng munting sanggol. Kaagad niya iyong kinarga at niyakap. Inilibot niya ang mga mata sa kabuuan ng kanilang kubo, ngunit hindi niya mahagilap ang asawa. Wala siyang nagawa kung hindi ang lumabas bago pa sila mahagip ng apoy. Kaagad siyang nilapitan ng mga kapitbahay nang makitang bitbit niya ang sanggol. Binigay niya ito sa kapitbahay nilang si Aling Nelia at akmang susugod muli sa kanilang kubo upang hanapin ang asawa roon. Ngunit matigil siya dahil sa sinabi ni Aling Nelia. "Huwag ka nang mag-abala pang hanapin sa loob si Teresa," ani nito habang niyuyugyog ang sanggol upang patahanin, "Nakita ko siyang umalis, may dalang bag." Nanlambot ang mga tuhod ni Panyong at napasalampak sa lupa. Paano mo ito nagawa, Teresa! Hinaing ng isipan ni Panyong. Walang ibang nagawa si Panyong kung hindi ang umiyak at sumbatan si Teresa. Ang kaninang payapang gabi, ngayon ay bulung-bulungan ang maririnig. Ang malamig na gabi ay nabahiran ng init, hindi lamang galing sa apoy nang nasusunog na bahay nina Panyong, kung hindi pati na rin sa nag-aalab niyang damdamin. Puno siya ng galit hindi para sa asawang nang-iwan, kung hindi para sa sarili. Kung sana naging responsable siyang asawa, hindi ito mangyayari. "May sulat sa damit ng bata, 'Nyong!" gulat na nasabi ni Aling Nelia kay Panyong. Kaagad naman iyong kinuha ni Panyong nang iabot ni Aling Nelia sa kaniya ang sulat. Binuklat niya ang papel at nakitang sulat-kamay nga iyon ng kaniyang asawang si Teresa. Panyong,         Hindi ko na kaya ang buhay na mayroon tayo. Hindi ito ang pinangarap ko. Magsisikap ako. Maghahanap ng trabaho. Ikaw na muna ang bahala ka Alyanda. Alagaan mo siya. Babalikan ko kayo.                                        Teresa Bumuhos ang masaganang luha sa mga pisngi ni Panyong. Sinisisi niya ang sarili sa mga kamalasang nangyari sa kanila. Tumayo si Panyong at kaagad na kinuha ang bata kay Aling Nelia. "Pahiramin niyo po ako ng pamasahe, iluluwas ko ang bata sa bayan," pagmamakaawa ni Panyong kay Aling Nelia, "Kailangan ko pong pumunta ng kampo bukas." "Kung puwede ko lamang sanang kupkupin ang bata, 'Nyong," malungkot na tugon ni Aling Nelia, "Pero, alam mo namang matanda na rin ako at nag-iisa na rin sa buhay." "Ayos lang po iyon, Aling Nelia," sagot naman ni Panyong. Iniabot ni Aling Nelia ang pamasaheng hihiramin ni Panyong, "Mag-ingat kayo, 'Nyong. Bumili ka na rin ng gatas at biberon ng bata." "Maraming salamat po, Aling Nelia." Pumunta si Panyong sa likod ng kanilang kubo at hinanap ang basket na may laman ng mga damit ng bata. Naalala niyang kakalaba lamang ni Teresa kanina. Nang makita iyon, kaagad din siyang naghanap ng plastik. May nakita siyang plastik na nakaipit sa dingding ng kanilang bahay na hindi pa naabot ng apoy. Kaagad niya iyong kinuha at nilagay roon ang ilang damit at lampin ng bata. Binalot niya rin ng lampin ang batang mahimbing na natutulog, walang kamalay-malay sa kanilang sinapit. Kaagad niyang tinahak ang daan patungong terminal ng mga bus. Bitbit ang anak at ang panalangin, na sana ay kupkupin ang kaniyang anak. ︎︎︎︎︎︎︎︎︎︎︎︎ "Naku 'Nyong, alam mo namang may pito akong anak, at kakapanganak ko pa lang kay Mylene," malungkot na sambit ni Matilda, pinsang buo ni Panyong. Malungkot na tiningnan ni Panyong ang anak. Kung walang kukupkop sa bata, paano na ang pagiging sundalo niya? Paano niya mabubuhay ang anak kung hindi siya pupunta ng kampo bukas? "Pero, si Adolfo, wala silang naging anak ni Karidad, baka gusto nilang ampunin si Alyanda," puno ng pag-asang sabi ni Helen na ang tinutukoy ay ang kapatid na lalake. Nakapangasawa ito ng balo at may tatlong anak na lalake sa una nitong asawa. Nabuhayan ng pag-asa si Panyong, "Talaga! Pero, hindi ba at nasa kabilang isla sila?" "Oo, dalawang araw na byahe sa karagatan," sagot naman ni Helen. "Kailangan ko na kasing pumunta sa kampo bukas," nanghihinang sabi ni Panyong. "Susulatan ko sila Adolfo. At habang naghihintay ng sagot nila, ako na muna ang bahala kay Alyanda," sabi ni Matilda na ikinatuwa naman ni Panyong. "Maraming salamat talaga, Manang!" Kaagad na niyakap ni Panyong ang anak sa huling pagkakataon, "Kung maaari lamang, 'Nang, huwag nilang papalitan ang pangalan ni Alyanda, para mabilis ko siyang mahanap." "Sasabihin ko sa kanila," tugon naman ni Matilda. At iyon na ang magiging simula ng miserableng buhay ni Alyanda.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
70.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
106.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
162.2K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
131.3K
bc

His Obsession

read
76.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook