The Beginning
Pau's Point of View
"Macc eto nga pala nagluto ako." Saad ko sa kanya.
"Wala akong ganang kumain." Sagot naman nya sa akin na hindi man tumitingin sa akin.
Hindi ako nagrereklamo sa coldness nya sa akin. Kasalanan ko naman kasi. Kung hindi ko ginawa ang bagay na yun. Masaya pa rin sila ngayon. Pero ginusto ko tong lahat pinili ko to. Hindi ko dapat pinagsisihan kung anong naging desisyon ko noon.
It's been what since then.
It's been 6 months, I'm 7 months pregnant now. 2 months more and I'm gonna see my baby. Soon.
I don't know the gender of our baby because I want to be a surprise for me and for him.
I can wait for him. Maybe, just maybe when my child, our child is born. He can forgive me and accept his child. Sana kahit ang anak nya matanggap nya man lang. Kahit anak lang nya.
Kahit hindi na ako.
"Anak?" My mom called me. She's here. She's always here, checking on me, on us.
I just glanced at her without saying anything. I look her in the eyes asking what she wants to tell me. I'm just here listening to her.
She smiled at me.
"I miss you, my daughter!" She hugged me tightly.
"I miss you too, mom!" I hugged her back.
"Kamusta ka anak?" She said.
"No mom, I'm fine. Wala pa to sa mga nangyayari sa akin mom. Kahit naman na hindi ako pinapansin ni Macc, okay naman po kami. Hindi nya ako pinapahirapan." Sagot ko dito.
"Siguro anak, mas maganda magpapadala ako ng maid dito. Mahirap para sayo ang magkikilos dahil 7 months ka ng buntis. Baka kung ano pang mangyari sa inyo ng apo ko. Ako nang bahala magsabi kay Macc." Sabi nya sa akin.
Andito kami sa bahay na niregalo nya sa amin ni Macc. Dinadalaw nya ako ngayon ng madalas dahil malapit lapit na ang panganganak ko.
"Macc andito ka pala." Bigla naman ako napalingon kay mommy na nakatingin sa kanan ko kaya sinundan ko rin ang tingin nya.
Pagtingin ko sa kanan ko andun si Macc. Bahagya lang nakatingin sa kay mom hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
"May nakalimutan lang po ako. Alis na rin po ako mom." Nagbless lang sya kay mom at umalis na rin sya. Okay sila ni Mommy ko at ibang relatives ko pero pagdating sa akin. Ibang usapan na yun. Hindi kami okay. Hindi ko naman kelangan itanggi yun alam ko naman kung bakit eh.
"Okay lang yan anak. Malay mo paglabas ng anak nyo maging okay na rin kayo. Wag kang masyado maging stress ngayon malapit ka nang manganak. Alam mong bawal kang mastress." Panggagaan nya ng loob sa akin.
2 months passed
Yes two months na agad ang nakakalipas
Parang iba etong nararamdaman ko ngaun. Siguro dahil malapit na akong manganak malapit ko ng makita ang anak ko. Ang anak namin ni macc.
Naghahanda na ako para matulog sa kwarto ko. Yes, kwarto ko dahil ayaw ni macc na magkasama kami sa kwarto.
Ng makahiga ako parang basa yung hinihigaan ko. Tapos ang sakit.
"Ahhhhh." Napasigaw ako sa sakit. Manganganak na ako.
"Bakit anong nangyari? Bakit ka sumigaw?" Si Macc na kakapasok lang ng kwarto ko.
"Manganganak na ako!"
Tapos bigla nya akong binuhat. At dinala sa kotse. Habang nagmamaneho sya may tinatawagan sya. Wala sa kanya ang atensyo ko. Nagpopokus lang ako sa nararamdaman ko.
"Aaaaahhhhh!!!!!" Sigaw ko
Relax lang Pau. Kasama mo si Macc wala kang dapat ipanggamba. He's with you.
Breath in
Breath out
Yun lang ginawa ko. inulit ulit ko yun. Hindi ko pinapansin si Macc kung sino ba ang tinatawagan nya.
Ang sakit sobra. Parang di ko kaya pero kinakaya ko para sa akin at sa aking anak. Para na din kay macc.
Dahil baka sakaling mahalin nya ako dahil sa anak namin. Sa paglabas ng batang ito sa sinapupunan ko baka dito na magsimula ang kwento namin.