bc

Alejandro's Empire: His Lovely Driver [Tagalog]

book_age12+
14.4K
FOLLOW
147.9K
READ
opposites attract
goodgirl
powerful
boss
heir/heiress
comedy
sweet
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

I am twenty-five-year old Radelyn Tingson. Katulad ng mga ordinaryong babae, gusto ko rin ng stable na trabaho, magandang sweldo at sariling kotse. Hindi naging hadlang ang masalimuot kong pinanggalingan para matupad ang mga iyon. I planned all those goals. Ang akala ko, magiging kontento na ako sa buhay kapag nakuha ko na ang mga iyon. And then one day, nagising na lang akong nagsasawa na sa araw-araw kong ginagawa; iyong gigising, papasok ng opisina at uuwi at the end of the day. I'm not even sure if this is the life that I have always wanted!

Have I lost myself dahil lang sa gusto kong nakaplano ang buhay ko? Ginagawa ko naman ang lahat ng ito dahil ayoko nang bumalik sa dati kong buhay. Dapat ay maging masaya na ako. Pero bakit nararamdaman kong may kulang pa rin?

chap-preview
Free preview
I
CHAPTER ONE I am twenty-five-year old Radelyn Tingson. Katulad ng mga ordinaryong babae, gusto ko rin ng stable na trabaho, magandang sweldo at sariling kotse. Hindi naging hadlang ang masalimuot kong pinanggalingan para matupad ang mga iyon. I planned all those goals. Ang akala ko, magiging kontento na ako sa buhay kapag nakuha ko na ang mga iyon. And then one day, nagising na lang akong nagsasawa na sa araw-araw kong ginagawa; iyong gigising, papasok ng opisina at uuwi at the end of the day. I'm not even sure if this is the life that I have always wanted! Have I lost myself dahil lang sa gusto kong nakaplano ang buhay ko? Ginagawa ko naman ang lahat ng ito dahil ayoko nang bumalik sa dati kong buhay. Dapat ay maging masaya na ako. Pero bakit nararamdaman kong may kulang pa rin? *** "SAWA na 'ko sa buhay ko." Mula sa steno pad ay salubong ang kilay na nalipat ang tingin sa kanya ni Camya. "Come again, my dear Radee," sabi nito habang may pakumpas-kumpas pa ng kamay na nalalaman. Sumandal siya sa swivel chair at pinagkrus ang kanyang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib. "Ang sabi ko sawa na 'ko sa buhay ko." Iwinasiwas ni Camya ang ballpen. "Oh, no, Radee, don't you say that!" Pumalatak ito. "Alam mo namang mga buhay niyo ang pinagkakakitaan ko kaya hindi pwedeng magsawa ka sa buhay mo." Kagaya ng dati ay nasa opisina na naman niya sila nagkukwentuhan. Camya is her friend. Actually, si Jingke talaga ang kaibigan niya but since pinsan ito ni Camya ay naging kaibigan na rin niya ang isa. And Camya happened to be a romance novelist, a cynical one, kaya hayon at lagi na lang itong may dalang steno pad at ballpen. Madalas ay kinukulit siya nito tungkol sa mga pasikot-sikot sa trabaho niya. She told her that she's fascinated with her job pero taliwas naman ang nararamdaman niya. "Pero totoo. Sawa na talaga ako sa buhay ko. Walang bago, puro na lang routine ang nangyayari araw-araw, and I don't even have a lovelife!" She sighed in frustration sa huling sinabi. "Ako rin naman walang lovelife, eh. Hindi kaya big deal 'yon," Camya said dismissively. Umingos siya. "Magkaiba naman tayo, Camya. Ikaw, sumumpa ka nang tatandang dalaga dahil diyan sa pride mo. Ako naman, ayoko ng gano'n. I want to have a family of my own. Gusto kong maging nanay at asawa!" Camya wrinkled her nose. "Okay. Ano'ng nakain mo at nagsawa ka na sa buhay mo?" Tumingala siya sa kisame. "Hindi ko alam. Ang akala ko kapag nakahanap na ako ng stable na trabaho magiging okay na 'ko. Pero isang umaga nagising na lang ako na hindi na ako ganado sa mga nakagawian ko. If only I could take a break with my job just for the mean time." Pero nahihiya naman siyang magpaalam sa Tita niya na may ari nitong restaurant na mina-manage niya. Wala naman siyang maipipintas kung tutuusin. Maganda ang sahod niya and her Tita Anecita is very considerate. Parang tunay na anak na ang turing nito sa kanya simula noong araw na dumating siya sa pamamahay ng mga ito. Her aunt had only one daughter at siya ang tinrato nitong pangalawa. "Radelyn, walang masama kung kakausapin mo si Ma'am," ani Camya. Ganoon ang tawag nito sa Tita niya dahil naging English teacher nito ang Tita niya noong nasa high school pa sila. Ahead lang ito sa kanila ni Jingke ng isang taon. Napanguso siya. "Pero nakakahiya naman kay Tita. Sino ang papalit sa'kin dito sa restaurant?" "Marami naman diyang iba, eh. Si Jingke, pwedeng-pwede. Kulang lang ng push ang isang 'yon, eh." "Hey, guys! Narinig ko ba ang pangalan ko?" Pareho silang napatingin ni Camya sa pintuan ng opisina niya. Pumasok si Jingke at may bitbit itong isang malaking supot na may logo ng isang sikat na department store. "Bakit ngayon ka lang, Chai?" tanong ni Camya sa pinsan. "Ang akala ko binili mo na ang buong department store, eh." Ipinatong ni Jingke ang plastic sa mesa niya. "Sorry, guys. Nalibang lang ako sa pagtingin-tingin sa mga paninda. Ano, alis na ba tayo?" Nagkatinginan sila ni Camya. "Siguro," anito. "Ikaw na lang naman ang hinihintay namin, eh." "Right. Hindi na nga ako makapaghintay na makaalis dito sa opisina, eh," sabi naman niya at tumayo na. Mayroon nga pala silang movie marathon s***h sleep over ngayong gabi. All Jingke's idea. Si Camya naman ay gustong panoorin ang last two installment ng Rorouni Kenshin na bagong download daw nito sa Torrent. Si Takeru na naman kasi ang bida. Kaya siguro nasikmura nito ang madugong fight scenes. Kagaya ng dati, doon na naman sila sa apartment niya which is a ten minute-drive from the restaurant. Kahit paano ay nababawasan ang stress niya kapag kasama niya ang dalawa. "Hindi ko alam kung bakit nasabi mong sawa ka na sa buhay mo," sabi ni Camya habang nagmamaneho na siya. Katabi niya si Jingke sa front seat at ito naman ay nasa backseat. "Halos lahat ng mga babaeng kaedad mo gusto ng sariling kotse at stable na trabaho." "'Yon nga lang wala namang lovelife si Radee," sabat ni Jingke sabay lingon sa pinsan. "Well, gano'n talaga. You can't have it all daw, eh." Nakita niya ang pagkibit ng balikat ni Camya mula sa rearview mirror. "Ang kaso nga hindi ko naa-appreciate," aniya. "Kaunti na lang iisipin ko nang may mid-life crisis ka, eh." Iningusan lang niya ito sa salamin. Humagikhik naman si Camya. "Gusto mong subukang magsulat ng romance, Radee?" tanong pa nito. "Nah. Matagal ko nang alam na wala akong talent pagdating sa ganyan." "How about i-set up ka namin ng isang blind date?" Jingke asked giggling. She rolled her eyeballs. "Seriously?" Nagtawanan na lang silang tatlo. MULA SA pagkakaharap sa bintana, iniikot ng kanyang lolo ang wheelchair nito at humarap sa kanya. "Kamusta na, Alejandro?" tanong nito. "Kung hindi pa ako atakehin sa puso, hindi pa kita mapipilit na umuwi." Nagkibit-balikat lang siya. He didn't know what to say. Tama naman kasi ito. Kung hindi pa tumawag ang kanyang Granny Selina tungkol sa naging kalagayan ng kanilang abuelo ay hindi pa siya mapipilitang umuwi mula Amerika. After fifteen years. Hindi siya makapaniwalang gano'n na siya katagal na hindi umuuwi. Madalas kasi ay ang grandparents niya ang dumadalaw sa kanya sa LA. Mabuti na lamang at hindi na nagtagal pa sa ospital ang kanyang Lolo Alejandro. Sobra siyang nag-alala para rito. Hindi niya alam ang gagawin sakali mang may malala pang nangyari rito. "Stay here for good, Thirdy. Please," sabi pa nito. Lihim siyang natigilan. Gone is his grandfather's authoritative voice. "What has cardiac arrest done to you, Lolo?" tanong niya. Alejandro chuckled. "It's just that ayokong mamatay na hindi ko man lang nakasama ang mga apo ko. Aapat lang kayo, Thirdy. I want to experience what real happiness meant." "Does that mean na okay na kayo nina Auntie Amanda?" "Matagal ko nang nakalimutan ang mga nangyari. She's my only daughter. Hindi ko siya matitiis habang-buhay." Tumango-tango siya. "Kung gano'n masaya ako para sa inyo." Mas matanda pa sa kanya ang isyung nangyaring pagsuway ng kanyang Auntie Amanda sa lolo nila. Ang akala nga niya, dahil sa pagiging ma-pride nito ay hindi na iyon matutuldukan pa. Mabuti na lang. "Hanggang kailan mo naman titiisin ang ama mo, Thirdy?" tanong pa nito. Natigilan na naman siya. Sinasabi na nga ba niya namababanggit at mabanggit ang issue sa kanila ng ama niya kahit anong iwas niya. "Lolo, magkaiba naman ang kaso namin ni Dad sa inyo ni Auntie," sabi na lang niya. "Hihintayin mo pa bang maging huli ang lahat? Gusto mo bang magsisi ka sa huli?" Bumuntong-hininga siya at nagbaba ng tingin. "Hindi pa 'ko handa." "But it's been fifteen years!" bulalas nito. "Nasanay na 'kong mabuhay nang wala siya. Hindi ko na iniisip na parte pa siya ng buhay ko." Ang abuelo naman niya ang nagbuntong-hininga. "I believe it's not too late, Alejandro," sabi nito. "Huwag mo sanang isara ang puso mo sa ama mo. Ipinangalan ko kayong dalawa sa 'kin." "I'll try but I can't promise." Tumango-tango ito. Pagkatapos ay ibinuka nito ang mga kamay. "Welcome home, grandson." Humakbang naman siya palapit dito at niyakap ang kanyang lolo. Tama ang kanyang Granny Selina. Nagbago na nga ito. "May girlfriend ka na ba, apo?" tanong pa nito. He chuckled. "We just broke up." Tinapik-tapik nito ang kanyang likod. "Too bad for you. Unlike Cedfrey, he already has a wonderful wife." Ito ang pinakabata sa kanilang magpipinsan pero ito pa ang pinakaunang nakapag-asawa. "Nabanggit nga sa akin ni Granny."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Husband's Secretary (TAGALOG)

read
1.4M
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.9K
bc

Billionaire's Twins

read
263.8K
bc

The Runaway Mrs dela Merced

read
507.3K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
187.0K
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
330.2K
bc

Just Another Bitch in Love

read
28.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook