CHAPTER FOURTEEN ISANG BAGAY ang na-realize niya nang gabi ring iyon. Kung naramdaman man niya na sawa na siya sa buhay niya, iyon ay hindi dahil sa kailangan niyang sumubok ng bagong bagay kundi ay dahil sa hindi niya alam kung ano ba talaga ang sense ng mga ginagawa niyang iyon. Hindi dapat niya ginawa ang lahat ng mga bagay-bagay para lang may mapatunayan sa ibang tao. Dapat ginawa niya iyon para sa sarili at sa pamilya niya nang walang anumang kinikimkim na negatibong bagay. That's it! I wasn't able to make sense with all the hardships. Ang ginusto ko lang ay patunayan ang sarili ko kahit hindi naman kinakailangan. Dapat ginawa ko ang mga iyon out of passion. Ako ang nagpahirap sa sarili ko. Silly me! Imbes na ma-disappoint sa sarili ay lihim na lang siyang natawa. Ano pang magagaw

