CHAPTER NINE MAY sariling cafeteria ang building ng mga Montreal. Nasa third floor lang iyon at halos mapuno iyon ng mga empleyado na nanananghalian. Habang papasok sila kanina ay nai-spot-an pa niya sa isang sulok ang tatlong babaeng nakasabay niya sa elevator. Nakasunod ang tingin ng mga ito sa kanya pero hindi na siya nag-bother hulaan kung ano ang mga iniisip nito. Hindi siya makapag-concentrate sa pagkain niya dahil aliw na aliw siyang panoorin si Sir AJ na ganadong-ganado sa pagkain ng eskabeche. Nalaman niya mula rito na President for Finance ito ng kompanya. "Nakaka-distract ba ang pagkain ko, hija? Pasensiya ka na. Sabi ko naman sa'yo, gutom ako." Natawa siya. "Hindi po gano'n, Sir. Nai-imagine ko lang po si Sir Thirdy kapag naging kasing edad na ninyo siya." Bahagyang kumuno

