CHAPTER ELEVEN HINDI siya inaantok at naghihikab the next day kahit na nagising siya kalagitnaan ng nagdaang gabi. In fact, naging maganda pa nga ang gising niya. "Good morning, Manang," masiglang bati niya nang datnan ito sa kusina na busy sa coffee maker. "Good morning, hija. Ganda ng mood natin, ah?" Napahagikhik siya. "Nakatulog lang po nang maayos." Tumingkayad siya at nanghagilap ng instant coffee sa cupboard pero wala siyang nakapa. Saka lang niya na-realize na kahapon lang naubos ang huling sachet. "Ito na lang ang inumin mo, masarap 'to." Ipinagkuha siya nito ng tasa at binuhusan ng kape. Napaupo naman siya. Ang bango-bango ng amoy niyon. "Mukhang masarap 'to, Manang," sabi niya at bahagyang hinipan ang tasa. "May dumating kasing padala kahapon mula sa Granny ni Thirdy. T

