Hindi ko alam kung paano ako ngingiti kay Ice gayong ramdam ko ang titig ni Ken sa akin. Sa huli ay napilit ko pa rin ang sarili kong ngumiti. Umupo si Ice sa high chair sa tapat ko, ganun din ang ginawa nila Gelo, Yuge at Axl. Habang dumiretso naman si Ken sa loob mismo ng counter. Naamoy ko pa ang pamilyar na pabango nito nang dumaan siya sa likod ko para lumapit sa pinsan niya sa kabilang side ng counter. Hindi ko na pinakinggan ang usapan nila at bumaling nalang ako kay Ice. "Drinks?" Ngumiti ito. "I can compromise with this vodka for the moment. Tutugtog pa kasi kami eh." Kumuha ito ng isang shot ng vodka at diretsong ininom iyon habang nanlalaki naman ang mga mata ko sa kaniya. "Tutugtog kayo?" Tanong ko nang maibaba niya ang shotglass. "Yeah, once or twice a week kami tumutug

