Hindi ba talaga matatapos ang araw na'to na hindi ako masasaktan? Makita ko lang siya ay agad inaatake ng mga salitang sinabi niya ang utak ko. Yumuko ako, sinubukan kong umiwas pero hinarangan niya ang daraanan ko. Nag-angat ako ulit ng tingin. "Ken.." "Ayesha, please talk to me." Umiling ako. Sinubukan ko ulit makidaan pero wala pa ring nangyari, humaharang pa rin siya. Pagod ko siyang tinignan. "Ken please--" "Nagpalipat ka ng shift. Ayesha bakit ka nagpapalit ng schedule?" I knew it. Alam ko talagang makakarating ito agad sa kaniya. Bakit hindi? Binilin niya kay Sofia na i-match ang schedule namin pero ako ngayon ang gustong humiwalay. "Ken--" "If this is about what I've said, please Ayesha..intindihin mo naman ako. Nahihirapan akong magmove-on pero sinusubukan ko mag-isa. Ayo

