Inihatid niya lang ako sa unit namin, wala na siyang ibang sinabi. Hindi na rin ako nagsalita pa. Para saan? Baka magulo ko lang lalo ang isip niya. Wala na si kuya nang dumating ako, alas-otso na rin kasi. Pero nag-iwan siya ng note sa fridge, mag-oovertime siya sa trabaho. Napabuntong-hininga nalang ako, ako nanamang mag-isa. Kumain ako ng breakfast at naligo. Medyo mahapdi pa ang mga sugat ko. Iniisip ko nga kung paano ko ito ipapaliwanag kay kuya. Biglang nag-ring ang cellphone ko. Unregistered number calling.. "Hello?" "Miss Ayesha Alcantara?" "Yes, speaking. Sino po sila?" "Good morning po. I'm Vanessa Dela Cruz, I just need confirmation for your start on Monday, Hotel La Terraza." Napatango ako. "Yes." "7 am po ang in, 12 noon ang break, 5 pm po ang out. Sa chef's side po k

