Ayesha's POV Inilapag ko ang binili naming bulaklak sa puntod ni daddy at ni Ate Aly. Nilinis ko rin ito at tinanggal ang mga nalantang bulaklak na dinala ko noong huling dinalaw ko sila. Umupo ako sa ibabaw ng puntod ni daddy at nagsimulang magkwento ng tungkol sa mga nangyari noong nakaraang linggo. Ganito naman lagi ang ginagawa ko, kinukwentuhan ko sila ni Ate Aly tungkol sa mga achievements ko, sa mga hardworks ko at pati sa mga taong nakakasalamuha ko. "Alam niyo po, may bago akong kaibigan ngayon.." Nilingon ko si Ken at nakita ko itong tahimik na nakatayo sa likuran ko. He smiled at me when he saw me looking at him. "Siya po si Ken, mabait po siyang tao kaya wag kayong mag-aalala kasi palagi akong safe sa kaniya." Nilingon ko siya ulit at nginitian. "Siya po ang may-ari ng Hote

