"Ginabi na tayo." Napaayos ako sa pagkakaupo at nahihiyang tumingin sa kaniya. Bigla akong nagsisi dahil nagpasama pa ako sa kaniya dito, nakita niya nanaman tuloy ako sa ganung kalagayan. "Gusto mo na bang umuwi? Medyo malamok dito." Alanganin akong tumango. Nauna itong tumayo at inalalayan niya naman ako. Nahihiya nanaman ako, nakakahiya ang ginawa ko. Bakit nanaman ba ako nag-iiyak sa harap niya? Hayy. "Okay kana ba?" Tumango ako at nag-iwas ng tingin. Mabuti nalang at madilim na, hindi na niya makikita ng malinaw kung paano mamugto ang mga mata ko. Ang tagal ko kasing umiyak sa kaniya, kung hindi pa ako natauhan baka hindi pa ako tumigil. Pinagbuksan niya ako ng pintuan, bago ako sumakay ay nilingon ko muna ulit ang libingan ng daddy at ate ko. I smiled at them. Daddy, Ate Aly..I

