Chapter 2

1522 Words
Ayesha's POV "I can't believe that their circle of friends are all hotties." "Tumigil ka nga Ellyse! Yan pa rin iniisip mo? Nakita mo na ngang namatayan sila? My God, hindi ako sanay na makitang ganiyan kadilim yung atmosphere sa table na yan." Nilingon ko rin yung table na tinutukoy nila at katulad ni Zia ay naninibago rin ako. Nakakapanibago lang kasi palaging maingay yung table na yan. Palagi kong naririnig yung asaran nila pero ngayon, kahit yata yung mga kubyertos nila ayaw gumawa ng ingay. It's been almost three weeks since Kim died. Siya yung kaibigan nila Naomi na may leukemia. And it's very ..it's very heartbreaking how she died, na nakasuot sa kaniya yung wedding gown at yakap yakap siya ng lalaking iniwan niya, si Xian. I was there, I saw how everyone cried nung hindi na siya makasagot ng I do. I saw how her friends cried, how her family shattered. Kung paano umiyak si Xian habang yakap siya. I suddenly felt that familiar pain on my chest. Naaalala ko lang kasi, kung paano kami iniwan ni ate Aly nung mga oras na yun. "Shaa?Okay ka lang ba?" Natauhan ako nang hawakan ni Zia ang kamay ko.I reached out for a smile bago tumingin ulit doon sa kabilang table, kina Naomi at sa mga kaibigan niya na walang kabuhay buhay habang kumakain. I sighed. Hindi nila kasama si Ken. Alam kong isa siya sa mga pinaka-apektado sa pagkawala ni Kim. He's inlove with her, alam ko yun. I've been so dedicated about knowing him kaya alam ko na halos ang lahat ng bagay tungkol sa kaniya. And I hope he's okay. "Hi guys! Sorry na-late, may problema sa team eh." Earl came at humahangos pa nga ito. Mukhang hindi rin siya magtatagal dahil puspusan din ang practice nila para sa nalalapit na game. Inabot ko sa kaniya ang bottled water ko since hindi ko pa naman nakakalahati, mukha kasing pagod na pagod pa siya. "Thanks Ai." Tumango lang ako. "Anong problema sa team niyo Earl?" tanong ni Fire sa kaniya. Uminom muna ito ng tubig bago sumagot. "Nagloloko si captain, puro fail ang shoots. Nagagalit na si coach kaso hindi naman namin masisi." Bahagya itong sumulyap sa kabilang table. "Si Ken? You can't do anything about him right now." Ellyse looked at me afterwards, I just gave her a sad expression. Apektado kaming lahat because it's the last game for our basketball team. Kailangan nilang matalo yung kabilang school to be able to join the tournament next month. Pero paano sila mananalo kung nagkakaganun ang captain nila? At wala naman silang magawa dahil hindi naman biro yung pinagdadaanan ni Ken. "You should talk to him, Ayesha." Nagulat ako sa suggestion ni Fire. Naituro ko ang sarili ko. "Bakit ako? I'm not related to him." "You're our walking words of wisdom, baka sakaling makausap mo siya ng maayos right?" Parang gusto ko namang tumutol sa walking words of wisdom na iyon. They call me that way kasi kapag sobrang problemado na kami, I usually do or say things to keep them up dahil ayokong may problema kaming magkakasama. When they have personal problems sa akin din sila lumalapit to ask for advice. Hindi ko rin alam paano ako nagiging vocal at helpful for their side pero pagdating sa sarili ko, there's no one to help me through. Hindi ko maiapply yung mga words of wisdom na sinasabi ko sa kanila sa sarili ko. "Pero hindi naman kami magkakilala. I mean, we're good civils but I know nothing about him. Anong sasabihin ko sa kaniya?" I'm aware na nakatingin sa akin si Ellyse nang sabihin kong wala akong alam tungkol kay Ken. Siya lang naman ang may alam na may gusto ako sa kaniya. Pero iba naman kasi ang sitwasyon ngayon. I can't use this problem para lang lumapit sa kaniya at kausapin siya. Wala akong lakas ng loob gawin yun. "Atleast try,Ai? Sige na, nahihirapan din kasi si coach. Wala ni isa sa amin ang makapag-comfort sa kaniya .I know you can do that, your presence is already a comfort for everybody." Earl is almost begging at nakikita ko talagang worried din siya.Pero kasi.. "And you can do it as our SC President. Lahat ng nangyayari sa school pwede mong pakialaman Ayesha." Napapikit nalang ako, tama sila eh. Hindi naman ako dapat magdalawang isip na gawin yung makabubuti kung para naman sa school. Maybe I should set aside what I'm feeling. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. "Osige, I'll try to talk to him pero hindi ko maipapangakong magiging okay nga siya. Nasaan ba siya?" I asked Earl. Napangiti ito sa sinabi ko kaya gumanti rin ako ng ngiti sa kanila. "Nag-usap na kami kanina, I told him that maybe I can send you there. Nasa rooftop siya, doon siya madalas tumambay this past few days." Tumango ako, inilapag ko ang mga folders na naglalaman ng agenda namin for next week. Binuksan ko ang main folder at ibinigay kay Ellyse. Naintindihan niya naman agad na pinagkakatiwala ko muna sa kaniya ang short meeting namin ngayon para mapuntahan ko agad si Ken. Tinaguan niya nalang ako. "I already arranged everything, Ellyse will distribute your works para sa foundation week. She will give you the folders, nandoon ang layout of work at ang budget. You have to sign on the main sheets. Ellyse will discuss further, I'll see you later after school." Kinuha ko na ang mga gamit ko at nagpaalam na sa kanila. Huminga muna ako ng malalim bago ko tinungo ang rooftop. You can do this Ayesha, you can always do this. * Parang ayoko nang tumuloy nang makita ko siya. Nakaupo siya sa isang sirang upuan at malayo ang tingin. Mula sa kinauupuan ko ay tanaw na tanaw ko ang kalungkutan sa mga mata niya. I sighed. Gusto kong maiyak para sa kaniya. Alam ko kasi kung anong pakiramdam na mawala sayo yung taong mahal mo. Painful is an understatement. Hindi na ako nagdalawang isip na lapitan siya, something's telling me to comfort him. Ewan ko ba, ganito naman palagi yung nararamdaman ko sa ganitong mga sitwasyon. I can't help but try to ease their burden kahit na hindi ko naman alam kung papaano. Mukhang napansin niya agad ako dahil agad siyang lumingon sa akin. Nakagat ko nalang ang labi ko dahil hindi ko alam kung paano ako magsisimula. "Ikaw pala .." "Uhm .." "Siguro pinapunta ka ni Earl dito, he told me he'll ask for your help." Kumunot ang noo ko. "Ha?" "I'm sorry." Nag-iwas ito ng tingin. "The upcoming game is important for us, lalo na sa school pero ..alam kong sinisira ko yung chance naming manalo." He smiled, but that smile is different from all the smiles I've seen from him. God, bakit ako naiiyak? "The truth is .. I want to quit. Ayoko nang maglaro, ayoko nang mag-aral. Every part of the university reminds me of her. Parang gusto kong magwala at manisi para mailabas 'tong nararamdaman ko pero wala namang dapat sisihin." I stared at him, akala ko may sasabihin pa siya but he remained silent for the past ten minutes. I watch as his eyes flew to the horizon, kung paano unti-unting nagiging malinaw sa akin na nasasaktan siya, sobrang nasasaktan siya. I sighed deeply, lumapit ako sa kaniya at tumayo sa tabi niya. "Kung nasaan man si Kim, dapat siyang maging masaya." Naramdaman kong tumingin ito sa akin. "We're not close but I know she deserves to be happy. Pero paano siya magiging masaya kung yung mga taong iniwan niya ay nahihirapang tanggapin na wala na siya. Alam kong sobrang nasasaktan kayo, pero naniniwala akong mas nasasaktan siya at nahihirapan. At nadodoble yung sakit at paghihirap niya habang hindi niyo pa natatanggap na wala na siya." Tumingin ako sa kalangitan at pinagmasdan ang hugis ng mga ulap. Naalala ko nung mga oras na nahihirapan din akong tanggapin ang pagkawala ng kakambal ko, Kuya Bryan helped me get through everything, hindi niya ako iniwan. "Minsan kailangan lang natin ng magpapalakas ng loob natin." Humarap ako ulit sa kaniya. "Isipin mo nalang yung pamilya mo at mga kaibigan mo. Ayokong sabihin sayo na kalimutan mo na si Kim kasi hindi ganoon ang proseso nun. Kapag natutunan mong i-appreciate pa yung ibang taong nandiyan para sayo, doon mo unti-unting makakalimutan yung sakit, doon mo marerealize na hindi na masakit." I smiled at him habang nanatili siyang nakatitig sa mga mata ko. Pero nagulat ako sa ginawa niya, he pulled me into his arms and cradled me tight na hindi man lang ako nakakurap. "Ken.." "Please ..just let me hug you. I just need someone to lean on right now." Wala sa sarili akong napatango, and I silently prayed na sana hindi niya nararamdaman kung gaano kalakas ang pintig ng puso ko. Hindi ako makapagsalita. Ano bang dapat kong sabihin? I didn't say those words para yakapin niya ako. Pero siguro nga kailangan niya lang ng taong mayayakap ngayon, I calmed myself and close my eyes. Dahan dahan kong ini-angat ang mga kamay ko upang yakapin din siya.Then I caressed his back. Go on.. *
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD