Chapter 3

1626 Words
His tight embrace is like a protective barrier that is slowly fading. Nararamdaman ko kung gaano ka-safe ang makulong sa mga braso niya but at the same time, I can also feel his grief. Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming magkayakap. Basta ang alam ko, late na ako sa klase ko. Pero anong gagawin ko? Hindi ko naman siya pwedeng iwan nalang basta dito. Makalipas ang ilan pang segundo ay kusa na siyang bumitiw. "Sorry ..I got--" "Ayos lang, kailangan mo lang talaga siguro yun." I smiled. Saglit siyang napatitig sa akin kaya na-concious ako at napaiwas ng tingin. Bigla nalang nitong naitakip ang kamay sa mukha niya. "A-are you okay?" May nasabi ba akong mali? Agad naman itong umiling. He puts his hand on his nape then brushed his hair with his fingers papunta sa mukha niya. Kumunot ang noo ko sa ginagawa nito. "It's nothing. Tara, ihahatid kita sa klase mo." Napaatras ako nang hawakan nito ang braso ko. "H-ha? Naku hindi na, kaya ko naman .." "I insist Ayesha, I really appreciate that you talked to me. Tama ka, hindi ganun kadali yun but I don't know how you made me feel better. Tama nga si Earl, you're a comfort." Natulala ako sa mukha nito nang makita ko ang maliit na ngiti sa mga labi niya. Hindi ko napigilang mapangiti na rin because for the first time ..napangiti ko siya, his first smile after Kim's death. * "Seriously Ayesha? You're such a lucky girl." Hindi pa rin makapaniwala si Ellyse sa nangyari. Palagay ko nga ay kanina niya pa pinipigilang kausapin ako dahil nasa klase kami at magkalayo ang upuan namin. Hinatid kasi talaga ako ni Ken sa klase ko at humingi pa siya ng paumanhin sa professor ko dahil na-late ako. Mabuti nalang at mabait ang professor ko at hindi iyon nagalit. At dahil sikat si Ken bilang captain ng basketball team ng university at bilang gwapong vocalist ng Golden String ay naging agaw pansin ang paghatid niya sa akin. Hanggang sa matapos ang klase ay panaka-naka silang tumitingin sakin. At kasama na doon si Ellyse na puro kindat at ngiting makahulugan ang ibinibigay. "Ano ka ba naman, wala namang ibig sabihin yun. Hinatid niya lang ako bilang pasasalamat sa pag-comfort ko daw sa kaniya." Although sa palagay ko ay hindi ko naman talaga siya na-comfort. Hindi naman kasi ganun yun eh. Imposibleng maging okay siya agad pagkatapos ko siyang kausapin dahil hindi naman ganun kadali yun. Been there, done that. Siguro narealize niya lang na nadadamay na din yung team nila kaya he acted okay kanina. Naiintindihan ko naman siya, matalinong tao si Ken and I know he's a responsible captain too. Alam kong alam niya kung ano ang talagang dapat gawin. Naunahan lang talaga siya ng sakit at pagdaramdam, hindi naman kasi mawawala iyon. "Hey! My gosh Ayesha, kanina pa ako nagsasalita! Are you even listening?" Napakurap naman ako sa kaniya. I forgot that she's with me. "I'm sorry, ano ba yun?" She rolled her eyes. "As I was saying, napaka- in demand mo ngayon. I still can't believe you really got Ken as soon as that! Ginayuma mo siya sa rooftop ano?" Nanlaki naman ang mata ko sa bintang nito. "Ehl wag ka ngang maingay diyan. Anong gayuma? That is inhuman, at anong in demand? Ano bang pinagsasabi mo?" Hindi ko alam kung saan niya nakuha yung gayuma thing but I don't like that idea, hirap na nga akong magsinungaling, mang-gayuma pa kaya? Minsan talaga nakakabaliw ang mga naiisip ng babaeng 'to. At hindi man lang niya naisip na nasa gitna kami ng hallway at maraming taong pwedeng makarinig. Mamaya ganun nga ang isipin nila. "Don't tell me na hindi mo pa alam?" Kumunot ang noo ko. "Ang alin?" She rolled her eyes na para bang napaka-slow kong kausap. Minsan hindi ko mapigilang mamangha sa kaniya kapag ginagawa niya ang bagay na 'yan. Hindi ko kasi magawa yun. I mean, kaya kong gawin but I just don't like the message it gives. Para kasing kawalan yun ng manners. And it's not like I'm saying that my bestfriend has no manners. Hayy, ang dami kong explanation. Basta I don't use myself doing that eye craze. "Pinag-aagawan ka kasi ng Austin at Angelites para sa OJT natin. Imagine naman, diba dapat ang university ang nag-aasign sa atin kung saan tayo dapat mag-training. Pero dahil sa four consecutive championships mo ay pinag-aagawan kana ng dalawang sikat na hotel! Sure na sure ang work mo niyan." Napatango naman ako. Austin McBride Hotel and The Angelites are one of the leading five star hotels in the country, bukod sa maganda ang services nito ay malaki ang oportunity ng mg employees nito na ma-promote sa mga branches nito outside the country. Hindi ko naman alam na kukunin nila ako bilang trainee dahil limang magkakasunod na pagiging champion ko sa The HRM Battleship. Isa iyong contest kung saan pinapakita ang kakayahan ng mga contestants na mag-manage sa iba't ibang position sa isang hotel. "What was that? Tango lang ang reaction mo? Aren't you happy? Ito na yun diba? You told me before that your sister once dreamed to become one of the pastry chef under The Angelites? That's your chance Ayesha!" Hindi ko naiwasang magbago ng mood nang marinig ko ang tungkol sa bagay na iyon. Yes, Ate Aly told me before na iyon ang pangarap niya, ang maging isang professional chef ng TA. I sighed, mukha namang napansin ni Ellyse ang pagbabago sa mood ko. Alam naman niyang hindi HRM ang gusto kong course. I just took it dahil yun ang gusto ng mommy ko para sa amin noon ni Ate Aly. She wants to have a daughter who resides in culinary industry dahil yun ang pangarap niya talaga. She was just forced to take medicine dahil yun ang gusto ng daddy niya. Ate Aly loves to cook just like my mom kaya walang problema sa kaniya yun. While I was left with no choice dahil gusto ko ring maging proud sa akin si mommy. I guess wala pa akong nagawang ikinatuwa niya because I can't do what she wants. Hindi kasi kami close, lahat ng bagay na gusto niya, hindi applicable sa akin. It's Ate Aly who's compatible with her kaya sila ang close, they always do things together. Sabi noon ni Ate Aly, I can shift to other course dahil hindi niya ako nakikitang masaya. She helped me convince mom and she agreed. I was planning to take Engineering but everything became complicated when Ate Aly died. And I was left to become just like her to fulfill my mom's expectations. "Dammit, I'm sorry Ayesha, I didn't mean to--" "Ano ka ba, wala yun. Sanay na ako, hindi ka pa ba sanay sa kadramahan ko? Alam mo namang may times na bigla ko nalang naiisip yun." "Ofcourse sanay na ako. But I just don't like it when you're sad okay? Tara na nga! Magmerienda muna tayo bago mag-meeting." Nakarating na pala kami sa canteen. Umorder lang kami ng clubhouse at iced tea at pumwesto na sa usual dining area namin. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ino-occupy ng ibang students ang pwesto namin sa cafeteria. Siguro nasanay na sila na ang student council ang laging naka-pwesto rito. "Hi Ehl! Hi miss pres!" Binati kami agad ni Zia, she's our treasurer. "Hello, ikaw lang mag-isa?" "Nope, nagpaiwan lang ako. Umoorder na sila Prince." Sakto namang nagsidatingan na sila. Kinamusta nila agad ang pag-uusap namin ni Ken at kinuwento ko naman sa kanila ang mga nangyari. Ang sabi ni Earl ay bumalik daw ito sa practice at bigla nalang nagyayang mag-start. Ikinatuwa naman namin iyon. Pagkatapos naming kumain ay nag-usap na kami para sa darating na Foundation week. Inisa-isa kong idiniscuss ang tungkol sa mga inaprubahan kong booths para rito. Sandali lang din ang meeting namin at nagsi-uwian na sila. Nakasanayan kasi namin na mag-merienda ng sabay-sabay after classes at bago mag-meeting. Since mukhang settled na rin naman lahat ay pinayagan ko na rin silang umuwi. "Mauna na ako Sha, walang kasama si Elfreym sa bahay." Pagpapaalam ni Ellyse. Tinanguan ko naman siya, Elfreym is her younger brother, 14 years old palang ito at madalas maiwan sa bahay dahil busy ang parents nila. Kasama kong pumunta ng office si Prince dahil hindi pa rin siya tapos sa mga pinapagawa ko sa kaniya. "Marami pa ba yung ginagawa mo Prince? Tulungan na kaya kita?" I offered to help him since pwede ko namang ipagpabukas na yung ibang trabaho ko. Kailangan ko na kasi yung mga attendance bukas. "Wag na Ayesha, trabaho ko 'to. Besides patapos na rin naman, last page nalang." "Ah osige." Inilapag ko muna ang bag ko sa table atsaka ko kinuha yung isang folder na ipapasa ko sa guidance office. Ito lang naman yung kailangan kong gawin ngayon tapos makakauwi na rin ako ng maaga. "Iwan muna kita Prince." "Sige pres." Dumiretso ako agad sa guidance para ibigay yung folder. May pinirmahan akong ilang slip bago ako nakaalis. Pabalik na sana ako sa office nang makarinig ako ng impit na ungol sa brooms station sa ilalim ng hagdan. Nahulaan ko na agad ang nangyayari doon kaya bumaba ako ulit ng hagdan para puntahan ang mga ito. Agad kong kinatok ang pintuan pero bumukas na agad ito hindi pa man ako nakalilikha ng tunog. Hindi man lang nila na-ilock. Napailing nalang ako sa kapusukan ng ilang kabataan ngayon. Inihanda ko na ang sarili ko sa kung anumang makikita ko nang ihakbang ko ang mga paa ko papasok pero mas nagulat ako nang may magtakip ng mga mata ko mula sa likuran. Pinaikot ako nito paharap sa kaniya at laking gulat ko nalang nang makita ko si Ken sa harapan ko. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD