Chapter 4

1444 Words
Chapter 4 "K-Ken?" Hindi siya nakatingin sa akin pero masama ang tingin niya sa mga taong nasa likuran ko."Get dressed and get out of that room now." I tried to move para lingunin sila pero pinigilan niya ako. "Don't look." He pulled my head towards him at halos maumpog na ako sa dibdib niya. "P-pero--" Kusa akong tumigil nang bumaba na ang tingin niya sakin. Oh God, bakit ganito siya kalapit? "I know it's your responsibility to deliver them to the guidance, but you shouldn't see them like that. It's not good for you, just let this pass." Wala sa sarili nalang akong napatango habang nakatingin sa seryoso niyang mukha. Bahagya niya pa akong hinila palapit sa kaniya nang dumaan sa likuran ko ang dalawang estudyante. Hindi ko sinasadyang malanghap ang amoy na nagmumula sa katawan niya. Oh my God, ang bango niya. He smells so manly kahit na pawisan siya dahil sa practice. Maya maya lang din ay lumuwag na ang pagkakahawak niya sa likod ng ulo ko kaya naman umatras na rin ako ng kaunti. "They're gone." "T-thank you." I bit my lower lip. Bakit ganito? Hindi ako nailang nung niyakap niya ako kanina tapos ngayong nagkalapit lang kami ng konti sobrang lakas na ng kabog sa dibdib ko. "It's okay. Pero next time wag ka basta basta lalapit kapag ganiyan. Who knows kung marami palang lalaki sa loob." Nag-angat ako ng tingin. "Hindi ko kasi ineexpect na ganun pala, first time ko lang naka-encounter ng ganito." He smiled, showing his perfect set of white teeth. Para naman akong nasilaw sa ngiti niyang yun. "Anyway, papunta ka ba sa office niyo?" "Ah oo." "I was looking for Earl, kanina pa kasi siya wala sa practice. Nandun ba siya?" Kumunot ang noo ko. "Magkakasama kami kanina pero wala siya sa office ngayon." He shrugged. "Maybe he went off early." "Ah siguro nga." Sabay kaming napatingin kay Prince na nagmamadaling bumaba ng hagdan. Tumigil naman ito nang makita ako."Pres! Iniwan ko na pala yung attendance sa table mo, kailangan ko na kasing umalis." "Ah osige. Wait, wala ba si Earl doon?" "Oo nga pala, pinapasabi niya na maaga siyang umuwi dahil tinatapos niya pa yung thesis niya. And .." Napakamot pa ito sa ulo niya. "Pinapasabay ka pala niya sakin pauwi." "Ha? Nako okay lang ako. Sige na, mauna kana." Tinanguan ko ito. Sira talaga si Earl, ibinilin pa ako kay Prince. Sabay kasi kaming umuuwi kapag hindi ako nasusundo ni Kuya Bryan dahil sa work. Pero kaya ko namang magcommute. "Sigurado ka ba? Susunduin ka ba ng kuya mo?" Umiling ako. "Hindi, pero kaya ko naman magcommute, kayo talaga." Bigla naman itong napatingin kay Ken na tahimik lang na nakamasid sa amin."Dude, iwan ko muna si pres sayo kung okay lang--" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. "Prince! Hindi na kailangan, ano kaba!" "It's fine with me." Napatingin naman ako kay Ken. "Naku ayos lang talaga ako, kaya ko namang magcommute. Wag niyo nakong intindihin." Panay ang tanggi ko dahil nakakahiya talaga kung sasabay ako sa kaniya. Wala akong lakas ng loob. "Si Ken naman 'to Ayesha. Tsaka ayaw ng kuya mo nagcocommute ka diba? Patay si Earl dun." Nakagat ko na talaga labi ko. Nakakahiya kasi ..hindi naman kami close ni Ken baka mamaya kung ano ng isipin niya. "Okay lang talaga--" "Ayesha, okay lang naman sakin. I'll be glad to drive you home." "Wag na matigas ang ulo pres. Sige na, I have to go. See you tomorrow!" Then he strolled off. Naiwan akong nakayuko at hindi alam kung ano ang sasabihin. "Ano Ken ..paalis na din naman kasi ako, ihahatid ko lang yung attendance sa window three." Alam ko kasi may practice pa sila. Tsaka ayoko talagang sumabay, nahihiya talaga ako sa kaniya. "Tapos na din yung practice namin. Sige, magpapalit lang ako ng t-shirt tapos hintayin kita sa carpark?" "Sure ka bang ..okay lang?" He smiled. Ugh, please naman wag ka ng ngumiti! Sobrang distracted na ako sa presence mo kaya wag mo ng dagdagan ng killer smile mo! Bakit ka ganiyan! "It's my pleasure Ayesha." I sighed. "O-osige." Bumalik ako sa office para kunin yung attendance. Bukas ko na sana 'to ipapass kasi akala ko hindi pa matatapos ngayon pero dahil natapos na ay ipapasa ko na rin agad. Mabilis lang akong kinausap ni Miss Lanie, siya yung madalas na naka-assign sa window three kung saan nagpapass ng mga attendance lahat ng mother at minor organizations sa school. Pagkatapos naming mag-usap ay dumiretso na rin ako sa carpark at nakita ko naman agad si Ken na nakasandal sa Hummer niya. He even smiled at me when he saw me, I returned a small smile. "Okay na?" Tumango ako. Pinagbuksan niya naman ako ng pintuan."Uhm ..wala ka bang klase?" Tanong ko, ang alam ko kasi ay night shift ang engineers. "Nilipat na ng morning yung institute namin ngayong second sem." Tumango naman ako at naglagay ng seatbelt. He managed to pull off the carpark. Medyo tensed pa rin naman ako, naiilang kasi ako. Lahat naman yata ganun ang mararamdaman kapag ihahatid ka ng taong gusto mo. Isa pa, hindi naman ako sanay sa ganito. Kay kuya Bryan at kay Earl lang naman talaga ako kumportableng sumabay. "Where's your place?" "Uhm ..Casts village. Kahit sa--" His chuckle made me stop. "Ihahatid kita hanggang sa bahay niyo. Why are you so shy?" Pinamulahan naman ako ng pisngi. Halata bang naiilang ako sa kaniya? Ugh, eh kasi naman eh."N-naiilang kasi ako sayo." "I just want to return the favor you did. Besides, we're friends right?" Napatingin ako sa kaniya. "Friends?" "Yup." Friends? Friends na kami? Talaga ba? Hindi ko napigilang mapangiti kaya tumingin nalang ako sa labas ng bintana. God, is this my lucky day? Bakit ang swerte ko ngayong araw? "Ikaw pala yung kapatid ni Aaron Bryan?" Tumango ako. "Kilala mo pala siya." He smiled. "Nakasama ko siya sa basketball pero hindi kami close." Saglit niya akong sinulyapan. I sighed. "Pasensya kana ah, siguro busy talaga si kuya kaya hindi ako nasundo. Nakalimutan din siguro ako ni Earl." "They're friends?" "Yes, childhood friends actually." "Oh." Mabilis lang kaming nakarating sa bahay namin. Nag-park siya sa tapat ng bahay and to show hospitality ay ininvite ko naman siyang pumasok muna sa loob. "Senyorita, nandiyan po ang mommy niyo." Salubong sa akin ng guard nang pagbuksan niya ako. Napatango naman ako at bahagyang ngumiti sa kaniya. Nakasunod lang sa akin si Ken habang binabati naman ako ng ibang maids na nasa garden. Papasok na kami sa bahay nang marinig kong nagtitilian ang mga katulong namin. Natigilan ako at napatingin kay Ken. "What's wrong?" I felt his hand on my back. Hindi na ako nakasagot dahil lumabas si mommy at nakita niya agad ako. "Mom?" Nalukot ang kilay ko nang maglabasan din ang mga maids namin kasunod niya. God, lasing siya. Lasing nanaman siya? "Maam Angela--" Natigilan din yung mga katulong nang makita nila ako.Bihira lang kasi talaga akong umuwi dito since dun ako sa condo ni kuya tumutuloy. There are just some problems between me and my mom at mukhang wrong timing ang pag-uwi ko ngayon. "Look who's here .." Naglakad palapit sa akin si mommy. Tila hindi nito napansin si Ken na nasa likuran ko. "Mom ..lasing ka. You know you shouldn't be drinking." "And why do you care?" "Mom--" Nagtangka akong lapitan ito pero natigil ako nang salubungin ako nito ng isang sampal. I heard everyone gasped, including Ken. Napahawak ako sa pisngi ko at napatingin sa kaniya."Ang kapal ng mukha mong bumalik dito? Ikaw!" She pushed me. "Ikaw ang dahilan kaya wala nang natira sa akin! Ikaw ang dahilan kaya ako nalang mag-isa!" And then it all started. Ang alam ko nalang ay inaawat na siya ng mga katulong while Ken is trying to cover me. Inihaharang nito ang katawan niya sa bawat hampas ni mommy. "Lumayas ka! Lumayas ka sa pamamahay ko!" "Hijo, anak umalis muna kayo ni Ayesha. Ilayo mo muna siya dito. Sige na, tawagan mo ang kuya niya." Iniabot ni Manang Lourdes ang calling card ni kuya kay Ken. Tumango siya at inakay ako pabalik sa sasakyan. "Are you okay?" Tanong niya nang maisakay niya ako ulit sa kotse. Tumingin ako sa mga kamay ko at tumango. Sinikap kong huwag umiyak. Okay lang ako, sanay na ako. Sanay na akong masaktan ni mommy. She blames me for everything at hindi ako nagagalit because I blame myself too. Nagulat nalang ako nang kabigin ako ni Ken at yakapin before he whispered something on my ear. "You can cry." And it's amazing how my tears flowed when he said those words. ** Vote. Comment. Follow :'>
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD