Habang nasa kabilang sasakyan sina Patrick at Patricia kasama ang walang malay na si Magdalene ay alam din naman ng mag-asawa ang nangyayari sa anak sa loob ng ambulansya. May naka on na monitor sa loob ng ambulansya at nakakonekta naman ang kuha noon sa cellphone ni Patrick. Hindi naman makasama ang isa sa isa dahil walang aalalay kay Magdalene. Kaya kahit sobra ang pag-aalala nila sa anak ay hindi naman nila mapabayaan ang walang malay na dalaga. Alam naman nilang mag-asawa na hindi pababayaan ng mga doktor si Byron. May tiwala sila sa kakayahan ng mga ito. "Sir, kahit po papaano ay nasuri ko na pasyente," panimula ng doktor. Habang patuloy lang sa pag-andar ang kanilang sasakyan na nakasunod sa ambulansya. Nakikinig sila sa sasabihin ng doktor. Habang patuloy sa pagmamaneho si Patrick

