Pinakiramdaman ni Magdalene ang sarili. Napagtanto niyang nakahiga siya ng maayos sa malambot na higaan. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata. Matingkad na liwanag ang sumalubong sa kanya. Nasusulo siya sa liwanag na kanyang nakikita. Nahihilo pa rin siya sa mga oras na iyon kaya parang may nagrarambulang kung ano sa kanyang ulo. Ipinikit niyang mula ang mga mata. Lalo na at masakit sa mata ang kanyang nakikita. Humugot siya ng hangin para kalmahin ang sarili. Hanggang sa kahit papaano ay gumaan ang kanyang pakiramdam. Nagawa na niyang imulat muli ang mga mata at malinaw na niyang nakita ang kinalalagyan niya. "Ospital." Bigla siyang napabangon ng mapagtantong nasa ospital nga siya. "By," sambit pa niya. Napahiga siyang muli at nakaramdam na naman ng pagkahilo. Pinilit niyang kalmahin

