Part 9

2200 Words

PAPASOK sa salon ay magandang-maganda pa rin ang ngiti ni Audrey. Pansamantala ay nakalimutan niyang naiinis siya kay Rico. Dati, kapag nainis siya rito nang nagdaang araw, hindi aabot ang magdamag at lilipas din iyon. Pero ngayon, basta tungkol sa pagkakaroon nito ng interes sa ibang babae ang nagtulak sa kanya na mainis dito, dala pa rin niya hanggang kinabukasan ang inis na iyon.       Pero magaan ang pakiramdam niya ngayon. Peke man o hindi ang baklang talent scout na kumausap sa kanya, nakakagaan pa rin ng pakiramdam ang sinabi nito.       “Wow! Mukhang blooming si Madame Audrey,” bati sa kanya ng receptionist na naka-schedule sa opening.       “Siyempre. Kailangan sa mukha pa lang natin, bilib na ang customer na kaya rin natin silang pagandahin sa salon na ito.”       “Siyempre n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD