“IYAN ang gusto mong carpet? Are you sure?” Nasa tinig ni Rico ang panlalait sa itinuro na design ni Audrey. “Bakit, maganda naman, ah?” depensa niya. “Di, kung ayaw mong bayaran, okay lang naman sa akin. Hindi naman kita pinipilit na bilhan mo ako ng carpet.” Ipinakita niya rito na masama ang loob niya. “Alam mo, Audrey, may carpet sa amin sa San Juan. Nasa bodega lang. Hihingin ko iyon kay Mama. Tiyak na papayag iyon, lalo at sa iyo ko ibibigay.” “Baka naman iyong ang design ay mga aso na may hawak na baraha?” nakaismid niyang sabi. “Thank you na lang. Hindi iyon bagay sa furniture ko.” “Bakit, anong taste ba mayroon ang sala mo?” “Exquisite. Elegant. Classy. Sosy!” eksaheradong sabi niya. Tumawa ito. “Ilusyunada.” “Sige na, Rico, iyan ang

