Part 7

2216 Words

  “BAKIT sampung piraso iyang mukha mo?” bati ni Art kay Rico nang makita siya nito. Nasa opisina na siya nang mga sandaling iyon       “Wala,” sagot niya pero iba naman ang sinasabi ng ekspresyon niya.       Tumawa lang ito. “Huhulaan ko, pare. Babae?”       “Si Audrey.”       Nauwi sa halakhak ang tawa nito. “Ano naman ang problema sa best friend mo?”       “Hindi ko nga alam, eh. Kahapon, nagkasabay kaming mag-jogging. Nagkukuwentuhan lang kami, `tapos bigla na lang nagalit. Noong isang araw din, ganoon, bigla na lang napikon. Nakakapanibago nga, eh,” daing niya rito.       Hindi nabura ang ngiti nito. “Alam mo, pare, kung mag-asawa lang kayo ni Audrey, sasabihin kong naglilihi na siguro iyon.”       Tinitigan niya ito. Nasa mga mata niya ang pagtutol, at natanto niyang mas mati

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD