ANGELO "PADREEEEE!" Sigaw ko nang makita kong madapa ang pinakamamahal kong padre. Agad ko siyang inakay at nang mahagip ko siya ay agad kong isinabit sa balikat ko ang kanyang braso. "Tinamaan ka ba?" tanong ko sa kanya na ngayon ay hingal na hingal pa rin. "Tulungan mo ako bata, kaya ko pa." Hirap na hirap na niyang wika habang sinusubukan niyang humakbang. Ngayon ay napagtanto kong tinamaan nga siya dahil iika-ika na ang kanan niyang binti. "Mga walang hiya sila. Magbabayad sila sa ginawa nila," naiiyak kong wika. Ngayon, kahit na alam kong mayroong sugat si Padre Tiago ay mas lalo kong binilisan. Akay-akay ko siya at sinubukan kong maghanap ng mapagtataguan, sa talahiban. Madilim ang lugar. Dalawa ang pwedeng pumatay sa amin ngayon. Ang mga tauhan ni Sir Bastian o ang alinmang

