ANGELO NAGMULAT na lang ako ng aking mga mata at nakaramdam ako ng hilo. Hindi ko pa masyadong makita ang paligid ko dahil hindi pa rin talaga klaro ang paningin ko. Kumikirot ng bahagya ang ulo ko dahil sa pagkahilo. Hindi nagtagal at nalaman ko kung nasaan ako. Nakatali ang aking mga kamay at ang aking mga paa sa isang kama. Pure white ang kulay ng lahat. Bedsheet, kurtina, at maging ang pintura ng kwarto. Malawak iyon ngunit tanging isang kama lang ang gamit sa loob. "Nasaan ako?" tanong ko sa sarili ko. Bakit kaya ako nakatali? Bakit ako nandito sa hindi pamilyar na lugar? Sino ang nagdala sa akin dito? "Tulooonngggg!" Sigaw ko upang sa ganoon ay mayroong makarinig sa akin habang sinusubukan kong pumiglas. "Tuloooonng. Tulungan ninyo ako!" Sigaw ko sa kung sino man ang nasa la

