Nakita ko ang isang babae na kakaiba ang itsura sa pagkakakita ko sa kanya pag nasa school siya. She is wearing a cute dress na kulay pink.
Nakababa ang buhok niya na ang haba ay hanggang lagpas ng bewang. She had a clip on the right side of her hair malapit sa kanyang temple. She's amazingly beautiful.
Nagulat siya ng makita ako. Nagkagulatan kami. Mahilig pa naman ako sa kape, magugulatin.
"Ikaw?" tanong niya di makapaniwala.
Para siyang nakakita ng multo.
Yes, I have a pale skin pero hindi naman ako ganun ka ghost.
I'm just wearing a white polo shirt at naka tuck in with sinturon.
Sabi nga nila ang tanda ko daw pumorma kahit 14 pa lang ako, madalas akong mapagkamalang mas matanda sa edad ko dahil na rin sa tangkad ko.
Hindi ko alam pero ang tadhana talaga ang naglalapit sa aming dalawa iniiwasan ko na siya pero palagi naming natatagpuan ang isa't isa sa ganitong pagkakataon.
Kakaiba siyang babae malayo sa pinapangarap at ginugusto kong babae.
There is something about her
I sense fear and courage at the same time.
Kung pwede sanang hindi na nagtagpo talaga ang aming landas pero ito na nga mukhang makikita ko pa siyang madalas because I will be his personal tutor.