Chapter Four “Taming the tiger”

1945 Words
Don't go chasing waterfalls Please stick to the rivers and the lakes that you're used to -        Waterfalls by TLC While running papunta sa pinaka malapit na CR dahil baka magkalat ako nakita ko ang poster ng Snow White. Naalala ko tinitingnan ito ni Nadine one time for sure siya ang lead star nito. Hoy! Al, din naman sigurong masama na magstep up ka ng level mo as nobody to somebody malay mo eto nahinihintay mong break. Sabi ng tao sa salamin natapos ko na din ilabas ang etchas ko. Buti na lang walang tao ginawa ko yun. Naghugas na din ako ng kamay. “Pero Al, hindi ka sanay sa ganito. Ayaw mong ikaw yung nakikita o napupuna?”.Sagot ko sa taong nasa salamin. Biglang may pumasok na estudyante sa loob ng CR, at nagulat ako. Kaya napasipol na lang ako. Hindi ko nga alam kung anong kanta nung sipol ko basta gawa gawa na lang ako. “Brad, may kausap ka? Tanong nito sa akin. “Wala, nagpapractice lang ako magaaudition kasi ako sa Snow white”. Alibi ko sa kanya. “Good luck brad, manunuod ako pag natanggap ka”. Biro pa nito. Kakamayan niya ko at kinamayan ko siya. Buti na lang nahugasan ko nay un kindi baka maamoy pa niya. Naku Al nakakadiri ka talaga. Pero wala naman talaga akong balak sumali, knowing how shy I’am, saka wala akong kaarti-artista sa katawan. Sinabi ko lang para hindi niya mahalatang mukha akong sira na kinakausap ko ang sarili ko Paglabas ko ay nakita ko si Nadine, My Nadine such a sweet heart. Yung sad vibes ko napalitan ng butterflies in my stomach. Lumapit ito sa akin. For the first time napansin niya na ko. But on my dismay nasa likod ko pala si Fred akala ko ako na yung dahilan ng paglapit niya. You wish Al, you wish! Akala ko umuwi na siya. Kaya pala “Bro, sabi ni Ms. Balderama ikaw daw yung tutulong sa amin sa pag gawa ng props?”. Sabi nito na hindi man lang tumingin sa akin. “Yeah, actually kaming dalawa ng bestfriend ko”. Sabi pa niya. Tumingin si Nadine sa akin at ngumiti. I was stoned just like that hindi ako makagalaw sa sobrang saya ng puso ko. Baka mapasarap ang tulog ko mamayang gabi. “Thank you”. Sabi pa niya. Ok na sana kaso may pa epal. Here comes Bryan, ang feeling gwapo na lakas makaaligid kay Nadine. Siya yung typical teenager na sobrang bilib sa sarili. Hndi naman siya ugly infact isa siya sa napiling Mr. Popular since freshmen kami. 5 foot and 6 inches ito pero feeling sa kanya si Nadine. Isa din ito sa fanboy ni Nadine. Halatado naman pero siya ang gaganap na Prince Ferdinand. “Nads, let’s go and practice our script?”. Sabi nito at hinawakan ang kamay ni Nadine. I see his eyes looking at me, parang nang-iingit na nahahawakan niya ang kamay ni Nadine. And boy that works, umiinit na ulo ko sa kanya. I wanna punch his face right now. Pero syempre kinalma ko sarili ko. “Ehem, bakit may pag hawak ng kamay?”. Narinig ko si Fred na nagsalita. Gusto kong bigyan ng award itong si Fred sa ginawa niya. “Bro, huwag ka ngang rude”. Sabi ni Nadine. “It’s ok Nads, I get your brotther’s point of view his just being protective. Huwag kang magalala tol aalagaan ko si Nads”. Sabi pa nito. Tumingin si Fred sa akin at alam niyang parehas kami ng gustong gawin suntukin sa mukha ang feeling gwapong taong nasa harap namin. Pero nagpigil kami. Pumasok na sila sa theater ng school at nagsimulang magpractice. Nagpunta naman kami sa backstage at pahapyaw kong pinagmamasdan si Nadine. “Alam kong crush mo kapatid ko pero madami pa tayong gagawin, magfocus ka muna. Para matapos tayo?”. Sabi ni Fred pero hindi lang naman kami ni Fred ang gumagawa doon may mga kasama din kaming ibang section. Over all we are 10 people sa props team. Fred was really good in drawing ako naman nadamay lang to get close to Nadine. Like nagsmile siya sa akin one step closer nay un. Meanwhile… Sa bahay ng mga Moto. Nakikiusyo din ang ibang mga maid Malaki ang bahay nila Miya at napakarami nilang tauhan. Yaya Esang ang Mayordoma bata pa lang si Miya ay nasa mga Moto na ito. Yaya Merlie ang cook sa kanila. Yaya Seta, Yaya Chesa and Yaya Perlie mga nakatoka sa paglilinis. Dalawa din ang driver nila si Mang George as personal driver ni Miya Mang Tom naman ang personal driver ng mga magulang ni Miya lagi itong kasama kahit saan sila magpunta. Meron din silang 5 buddy guards, Si Anton, Benj, Tonyo Pad and Song. May dalawa ding guard sa gate ng bahay nila. Si Rey at Moy na mga stay in din. May hardinero din sila si Mang Bento. Malaki ang bahay nila Miya, Meron silang dalawang sala yung isa pag may bisita iyon yung lounge area nila. Yung isang sala ay for entertainment purpose doon nakalagay ang Malaki nilang TV na exclusive na bili nila sa Japan. Iba din ang kitchen nila may Hot and Cold kitchen sila. Hiwalay din ang dining table na meron pang chandelier sa ceiling. Napakahaba din ng table nila. Kasya ang 24 people sa haba nito. Meron din silang 3 guest rooms. Malaki din ang master bedroom nila at meroon ding walking closet. Miya’s room is also quite spacious. May quarters din para sa mga katulong. May study room din siya. Pero hindi madalas magamit. She’s always out partying with her friends. Half-Japanese si Miya. Pure blood ang Papa niya samantalang Half-Filipino, Half-Japanese ang Mama niya. Nasa gitna ng diskusyon ang pamilya ni Miya. Mrs. Moto: I’ve heard pinapabayaan mo na pagaaral mo? Hindi naman pwede iyon? Inis nitong sabi sa anak. Mr. Moto: Besides we’ve heard na may gang ka daw hindi ka namin pinalaki ng ganyan para umasta kang gangster? Sabi pa nito. Miya: I just don’t like school. Matibay na sabi ni Miya. Mrs. Moto: Ano tama ba itong naririnig ko? Kausapin mo yan Papa naku.. Galit na si Mrs. Moto. Nakikinig sila Yaya Seta and Yaya Chesa. “Hoy anong ginagawa niyo?”. Tanong ni Yaya Perlie. “Huwag kang maingay pinagagalitan na naman si Lady Miya”. Bulong ni Yaya Seta. “Ano yan?”. Sabi ni Yaya Esang. “Huwag kang maingay” Sabi naman ni Yaya Chesa. Napalingon si Yaya Perlie. “Guys, Eagle”. Code name nila iyon kay Yaya Esang. Eagle (matang lawin daw) Nataranta ang tatlo. “Anong ginagawa niyo dito?”. Mataray na sabi ni Yaya Esang. “May aayusin pa pala ko sa taas”. Sabi ni Yaya Seta. Kanya kanya sila ng alibi para makaalis na doon at hindi na marinig ang sermon ni Yaya Esang. Mr. Moto: Look at your grades? 2nd ka sa pinaka last ng klase niyo ano ba naman yan?. Hawak ang report card ni Miya. Miya: I still got 95. Proud pa niyang sabi. Mr. Moto: 95 sa P.E. paano yung iba puro palakol na? I’m gonna cut all your allowances and even your credit card. Sabi pa nito. Miya: No, Papa! Don’t ruin my life!. Pagdadrama ni Miya. Mr. Moto: hindi ko ibabalik eto hangga’t di ka mag-aaral ng matino sa Monday ay darating dito sa house ang tutor from your school. Sabi pa nito sa anak. Miya: hindi ko kailangan ng tutor, I’m not that Dumb?! Sabi niya making her stand na hindi siya bobo. She’s making a mess para umuwi ang mga magulang niya. Para bigyan siya ng time. Subsob kasi sa trabaho ang mga ito. Mr. Moto: but you need help, hindi porket 60% ang share natin sa school magbabanjing banjing ka lang. Walang moto na patapon.Pagreremind nito sa kanya. Miya mimic his dad saying “Walang Moto na patapon”. Mr.Moto: please lang anak, magtino ka na. Pakiusap nito. Miya can’t believe na she will lose all her financial support dahil hindi lang siya nagtino sa pagaaral. She make a call with her friends. “I’m grounded”. Sabi pa niya “Paano yan birthday ni Pat bukas?”. Sabi naman ni Rach. “Gagawa ako ng paraan, maybe you can sundo me?”. Suggestion ni Miya. “Ako sunduin kita”. Sabi ni B. “Make sure lang Miya na makakapunta ikaw pa naman ang leader sa grupo, it’s sad kung di ka makakapunta birthday ko yun”. Medyo sarcastic na sabi ni Pat. “Don’t worry you will see me tomorrow”. Sabi pa ni Miya. Miya gets what she wants, she’s living a life that she wanted. Pero hindi naman siya masaya dahil palaging walang time sa kanya ang kanyang mga magulang. Now she’s grounded? At bibigyan pa siya ng sariling tutor. Nabuo sa isip niyang papahirapan niya ang tutor niya. Kinabukasan… Nakatakas si Miya mula sa kanilang mansion at nakasama sa birthday party ni Pat. Exclusive Birthday Party ni Pat. They invited few people from their school. Nasa business meeting ang mga magulang nito. Yung grupo ni B kasama nila, pati ang kuya ni Pat na si Lance. “Guys, let’s begin?”. Sabi ni Pat pinakita ang hawak nitong whiskey. “Yun”. Sabi ng iba. “Pat are we allowed to drink were just minors?”. Sabi ni Miya. “Wala namang magsasabi di ba?”. Sabi ni Pat. “Besides its my birthday”. Sabi pa nito. Nagtawanan silang lahat. Gustong magpass ni Miya dahil hindi naman siya nagiinom. Kaya si B ang sumalo. Nakarecieve ng text si Miya from her parents. Hindi makakauwi ang mga magulang niya sa birthday niya next month magboboracay sana sila. She was pissed off ilang beses na bang hindi tumupad sa usapan ang mga magulang niya. She was hurt and disappointed Iaabot ni Pat ang baso kay B pero kinuha ni Miya at ininom iyon. Masakit ang puso niya. She just wanted the attention of her parents pero wla e. Wala silang time for her. “Miya”. Sabi ni B. Inubos ni Miya ng isang lagukan. Maya-maya ay nalasing na ito. Umiiyak na si Miya. Nakangiti si Pat. “Miya marami ka ng nainom tama na yan , ihahatid na kita sa inyo”. Sabi pa ni B. Ayaw magpapigil ni Miya, kaya binuhat na siya ni B. At dinala sa kotse. May student drivers license ito. Sa kotse.. Umiiyak si Miya. “They broke their promise”. Sabi ni Miya. “Miya tahanan na, kumalma ka”. Sabi ni B. Natataranta na din ito. Well his also a 6 footer at kasama ito sa varsity ng basketball team sa F.A . Kaya hindi mukhang minor de edad kahit 15 years old ito at Junior nila. Niyakap siya ni Miya. Bago tumingin sa kanya at ang lapit na ng mukha nito sa kanya. B always have that special feelings for Miya. Since the day na nakita niya ito it was love at first sight. Konti na lang ay mahahalikan na nila ang isa’t isa. But Miya vomit sa damit ni B. WOW talaga Miya!?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD