Chapter Five “Tiger meets Giraffe”

2467 Words
If there's somebody calling me on She's the one, yeah she's the one -She’s the One by Robbie Williams Masakit ang ulo ni Miya nang magising siya sa sinag ng araw na humaplos sa mukha niya. She remember that she was drunk last night at naalala niyang nasukahan niya si B. Pero mas masakit ang puso niya talo pa nito ang sakit sa ulo niya gawa ng hang over niya sa whiskey. Sinikap niyang maupo mula sa malambot niyang kama. May kumatok sa pintuan at ito ay si Yaya Merlie ang kanilang personal cook. May dala itong soup panlaban daw ito sa hang over. Sa lahat ng katulong sa bahay nila kay Yaya Merlie siya pinakaclose. Ito din ang tumulong sa kanya para makatakas kagabi at makapunta sa exclusive party ni Pat. “Humigop ka muna, pampatanggal amats yan”. Sabi pa nito na nilagay ang soup sa breakfast table nito. Humigop siya. Mainit ito sa lalamunan at tyan niya. “Sino ba kasing nagsabi na maginom ka, wala ka pa sa legal age”. Sabi nito sa kanya. “They broke their promise again”. Malungkot na sabi ni Miya at humigop ulit ng soup na ginawa ni Merlie. Malungkot ang mga mata nito at nakikisimpatya sa nararamdaman ni Miya. “Pagnatapos mo yan lalabas tayo at magshoshopping”. Sabi pa nito. Nawala ang malungkot na mukha ni Miya at sumaya ang mukha nito ng marinig na magshoshopping. “Teka paano?”. Sabi ni Miya na nagtataka alam niyang grounded siya paano sila makakapunta sa mall. “Sa tindahan lang tayo ni Aling Bebang”. Sabi nito sa kanya. Ngumiti si Miya naalala niya nung bata pa siya madalas silang maglaro ni Yaya Merlie ng tindahan ni Aling Bebang. “Malaki na ko para doon Yaya, I’m 14”. Sabi pa ni Miya. “Naku, alam kong paborito mo yun e.” Sabi pa nito. Ngumiti si Miya at mabilis niyang tinapos ang kinakain nito. Gaya ng dati nilang ginagawa kunwari si Aling Bebang si Yaya Merlie. Tapos nakatalikod ito sa kanya. Ang mechanics ng game ng tindahan ni Aling Bebang: 1.     Nakatalikod ang taya na si Aling Bebang pagnagbukas na siya ng tindahan. Ang taong bibili ay dapat magtanong kung anong tinitinda ni Aling Bebang. 2.     Kapag wala sa nabanggit mo ang tinitinda niya kailangan makaadvance ka ng pagpunta sa kanya upang mahawakan ang kanyang balikat at mataya siya. 3.     Pero everytime na magsasabi siya ng wala lilingon siya at kailangan may expression ang mukha mo ayun sa gusto mo sanang bilhin habang nakafreeze ka example: Toyo, magprepretend kang may toyong expression. 4.     Pagnahuli ka niyang gumalaw ka ikaw na ang taya. 5.     Its either mahuli ka niya o mahuli mo siya. 6.     Note: depende sa laman ng tindahan mo ang taya ang bahala sa laman ng kanyang tindahan. “Ako si Aling Bebeng, Welcome sa aking tindahan may bibilhin ka ba?”. Sabi nito. “Aling Bebang may suka ka ba?”. Sabi ni Miya na nasa malayo bago ito humakbang. “Wala akong suka, wala akong suka?”. Sabay lingon ito kay Miya at nakita niyang mukhaqng asim ito. “May bibilhin ka ba?”. Tanong ulit ni Yaya Merlie “Aling Bebang may pancit canton ka po ba?”. Sabi ni Miya. “Meron, anong flavor classic, sweet and spicy o Toyomansi?”. Sabi Yaya Merlie. “Sweet and Spicy”. Sabi ni Miya mabilis na nagstep papunta kay Yaya Merlie. Pero nahagip siya ni Merlie ng tingin at nakitang gumalaw siya. “Huli ka”. Sabi pa nito sa kanya. Nagtatawanan silang dalawa. Samantala… rinig na rinig mula sa kwarto ni Miya hanggang sa sala ang hagikgikan nila “Lakas makasipsip”. Sabi Yaya Seta. “Truly”. Pagsang-ayon naman ni Yaya Chesa. “Grabe naman kayo” Tugon sa kanila ni Yaya Perlie. Siya pinaka bata sa dalawa. Inarapan siya nito. “Naku, alam niyo ba?”. Sabi ni Yaya Chesa. “Ano yun?”. Halos humaba ang tenga ni Yaya Chesa sobrang interesado siya sa chismis na sasabihin ni Yaya Seta. “Yang si Merlie, naanak yan nung kadalagahan pa niya”. Sabi ni Yaya Seta. “Hoy paano mo nasabi?”. Sabi naman ni Yaya Perlie. Pinalapit niya ang dalawa. “Narape yan si Merlie”. Bulong nito sa kanila. Nagulat ang dalawa. “Asan na yung anak niya?”. Tanong ni Yaya Perlie. “Yun ang palaisipan kung nasaan yung anak niya, parang mga kasing edad daw ni Lady Miya yung anak niya”. Sabi ni Yaya Seta. Natigil sila sa pagtsisismisan ng makita nila si Yaya Esang. Samantala sa site kung saan nagtatrabaho as a construction worker ang Ama ni Al. “So the Boss clearly told us that we have to finish this project for about 2 months”. Sabi pa ni Engineer Valdez. Kasalukuyan silang binibriefing para sa project na gagawin nila for 2 months it is a commercial building. “Mr. Asahani is expecting na matatapos natin ito before the deadline, maaasahan ko ba kayo?”. Ayon pa kay Engineer Valdez. “Yes Boss”. Chorus na sabi ng lahat ng trabahador. Parang pamilyar kay Manuel Adriatico ang apelyido ng Big Boss nila. Hindi niya lang matukoy kung saan niya eksaktong narinig ang pangalan nito? Asahani? “Manuel, tara kain na tayo” Sabi ni Norberto kasamahan niya. “May pabaon si Misis”. Sabi pa nito. “Wow sarap naman Don Romantiko”. Sabi naman ni Jigo. “Mag-asawa ka na din kasi”. Sabi naman ni Norberto. “Mukha mo! masaya na kong single sakit sa ulo lang yan”. Nagtawanan silang tatlo. Monday.. Ito ang araw, ang araw kung kelan magsisimula ng magtutor si Al kay Miya. Ito na ata ang pinakamalapit niyang encounter sa babaeng ito. He can’t believe it pero andyan na siya wala ng atrasan ito. Sinundo siya sa school after class. May dala siyang damit at nakapagpalit naman siya bago tuluyan ng pumunta sa bahay ng mga Moto. Namangha siya sa laki at ganda ng bahay ng mga ito natatanaw niya mula sa mahabang daanan papasok sa bahay nila Miya malayo ito sa bahay nila na napakaliit. Napakayaman talaga ng mga Moto, kaya siguro itong si Miya nasanay sa luho sa buhay. Yung sinasabi nilang pinanganak with silver spoon. Kaya bagay talaga dito yung anak ng mayaman. Nakita niya na may Guard pa sa bandang gate nila at papasok pa sila mismo sa mansion. Pagbaba niya ay sumalubong agad sa kanya ang Mayordoma na si Yaya Esang. Wala ang parents ni Miya dahil nasa business trip sa Greenland. “Magandang tanghali sayo Iho, welcome sa bahay ng mga Moto”. Tumungo pa ito at nagbigay pugay.   Medyo awkward dahil hindi sanay si Al sa ganitong set-up. “Nakaarrange na po ang lahat sa study area pakihintay na lang po si Lady Miya”. Sabi pa nito sa akin. Bago ginaguide siya nito sa study area ni Miya. AL’s POVs Natawa pa ko dahil ganoon pala tingin sa kanya a lady pero kahit tigre naman talaga siya. That mukhang 11 year old girl? Maya-maya ay sinamahan ako ni Yaya Esang para pumunta sa study room ni Miya. Men its so big, bigger than our house. Napakamodern ng style ng study room niya at spacious na pwede kang humilata na lang. Binaba ko ang mga libro at learning materials na dala-dala ko. Then nagbukas ang pintuan napatingin ako Nakita ko ang isang babae na kakaiba ang itsura compared  pagnakikita ko sa siya sa school. She is wearing a cute pink dress na hanggang tuhod ang haba. Nakababa ang buhok niya na ang haba ay hanggang lbewang it was totally a deep black and shiny hair akala mo model ng pantene shampoo. She had a clip on the right side of her hair malapit sa kanyang temple. She’s amazingly beautiful. I stop for a moment hinubad ko ang eye glass ko at pinunasan making sure na hindi ako namamali Nagulat siya ng makita ako. Nagkagulatan kami. Mahilig pa naman ako sa kape, magugulatin. “Ikaw?” tanong niya di makapaniwala. Para siyang nakakita ng multo. Yes, I have a pale skin pero hindi naman ako ganoon ka ghost. I mean I can be compared to a vampire. Nabubully din ako jan noon actually hanggang ngayon. I’m just wearing a white polo shirt at naka tuck in with sinturon. Wala naman akong ibang damit since hindi naman kami sing yaman nito. Sabi nga nila ang tanda ko daw pumorma kahit 14 pa lang ako, madalas akong mapagkamalang mas matanda sa edad ko dahil na rin sa tangkad ko. Hindi ko alam pero ang tadhana talaga ang naglalapit sa aming dalawa iniiwasan ko na siya pero palagi naming natatagpuan ang isa’t isa sa ganitong pagkakataon. “Hello?”. Awkward kong sabi sa kanya. Bago nabalot kami ng ilang minutong katahimikan. Nabasag lang ang katahimikan ng magsalita na si Miya. “Bakit ikaw? May utang na loob na naman ako sayo? Maktol niya. Nagcross arm pa siya and was about to make a tantrums. “Hindi ko din naman gustong maging tutor mo”. Medyo natakot kong sabihin pero nasabi ko na. “Pero ditto na ko sa ayaw ko o sa ayaw mo saka huwag kang mag-alala 10 days lang itong tutorial na ito after this di mo na ko makikita”. Sabi ko pa. “Promise”. Tiningnan ko siyang lumapit sa akin. Malapit na malapit, hindi kaya niya alam na dalawa lang kami dito. I mean hindi ko naman sinasabing manyak ako pero nakakalimutan niyang babaee siya. “Huwag mong sasabihin sa iba na ikaw tutor ko”. Sabi pa niya. Medyo lumayo ako sa kanya. “Huwag kang mag-alala wala din akong balak”. Sabi ko sa kanya. Hindi ko alam pero ang lakas lang ng loob ko magsalita sa kanya. Wala kami sa school at tutor niya ko. So I should be strict. “Shhh”. Akma niya sana akong susuntukin pero nanakot lang siya. Hindi niya alam.. .ehehe Takot na ko Duwag ka talaga Al?! “Ano ba yan kung di lang na cut lahat ng allowance ko hindi na ko aabot sa ganito. Nakagat pa niya ang kanyang ibabang labi. “Kung nag-aral ka kasi ng mabuti edi sana di mo na kailangan ng tutor at di na cut yung allowances mo.” Sabi ko pa sa kanya na kalamo tatay niya ko. “Ano may sinasabi ka?” Hinihingi ko ba opinion mo?”. Pagtataray niya. “Shall we start? Madami pa kong gagawin”. I smirk. Mukhang naasar na siya sa akin.    Kinuha niya ang kanyang cellphone. Pero binawi ko sa kanya nagulat siya. “How dare you!”. Sabi niya pa sa akin ng magulat siyang kinuha ko ang cellphone niya. “No phone while studying yan ang first rule”. Binababa ko na ang unang house rule. At inilagay sa box ang cellphone niya. “Sino ka? To boss me around!”. Nagcross arms pa siya at tumaas ang kilay niya. “I’m your tutor, TU-Tor gusto mong spell ko pa?”. Sabi ko sa kanya. “Enough!”. Sabi niya sa akin. Ewan ko pero tuwang tuwa ako na naasar ko siya. Iba na katatayuan natin ngayon. Kung sa school hari-harian ka ditto sa inyo estudyante kita. “First rule pa lang yun may 9 rules pa”. Paalala ko pa sa kanya. “Ano ka Diyos makasampung utos?”. Pagmamaktol at katwiran niya. Gusto ko ng matawa mukha talaga siyang 11 year old. Ang cute, what cute? Anong sinasabi mo dyang cute saan banda? “Ay parang ayaw mo atang mabalik sayo allowance mo ah?”. Sabi ko pa sa kanya. Para matrigger pa siya. Nabigla siya. “Mr. Who you are? Are you trying to black mail me?”. Mataray niyang tugon. “Nope, I’m just telling a FACT (diniin ko talaga yung salitang fact para marinig talaga niya ang pinupunto ko) and by the I’m Al not Mr. who you are”. Bigla akong ngumiti sa kanya. Natigilan siya nakita ko siyang namula. May sakit ba siya? “Oy, ok kalang?”. Tanong ko sa kanya. “Bwisit ka!”. Sabi nito bago tumalikod sa akin at may inayos saglit. Hindi ko siya pinansin nagproceed ako sa pagiimbestiga ko sa academic performance niya. “I have checked your math, medyo hindi mo magets mukhang malubha ang away niyo ni math, while yung English mo is good naman may konting error pero kaya naman maitama, tapos sa science may alam kaso tamad lang”. Pagiinterogate ko sa kanya. You are maybe tough pero sa larangan ng akademya kaya kitang lagpasan. Medyo amusing ang tinapon kong tingin sa kanya. “Pwede ba huwag mo nang elaborate alam ko kung saan ako mahina” Sinarado niya ang folder na hawak ko. Bigla siyang sumimangot. “Pero mataas ka naman sa P.E”. Compliment ko sa kanya. “Favorite subject ko ang P.E., Okay stop it, sabi na nito. Mukha atang nasosobrahan na ko ng pang-aasar sa kanya. Medyo na guilty ako hindi naman ako bully.  “Okay, natawa ko ng kaunti. So ano gusto mong unahin nating pagaralan?.” “Sa totoo lang di ko alam lahat naman yan boring”. Sabi pa nito na napahiga pa sa sahig. Tingnan ko siya. Even though nakapalda siya siga pa din ito makaslampa lang sa sahig? Hindi ko sana makikita pero nahagip ng mata ko, ano bay un panty o diaper? Medyo namula ko I mean pinipigilan kong matawa. Tumingin siya sa akin. “Am Miya”. Sabi ko pa sa kanya. Hindi na ko nakatiis. “Ano yun?”. Wala nitong ganang tugon sa akin. “Umayos ka nga” Sabi ko sa kanya ako na nahiya. “Wala kang pake”. Sabi pa niya. “Nakikita po kasi ang panty niyo po”. Sabi ko pa sa kanya. Namula siya at biglang tumayo. “Bastos!”. Sabi niya. “Rule number 2 wag magpapetiks o mahiga higa lalo na pagnagaaral. Hindi ko naman sasabihin sa kanila na ang panty mo ay tulad ng kay grandma.” Bigla akong napatawa hindi ko na kinaya. 14 pa lang siya pero bakit ganoon? Maya -maya ay may sumipa sa likuran ko at nagblack out na ang paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD