Chapter Six “What’s with the Tiger?”

3346 Words
Beautiful Girl where ever you are -Beautiful Girl by Jose Marichan Miya’s POVs “Ikaw?” tanong ko sa isang taonga yaw ko ng makita pa.  “Hello?”. Awkward niyang sabi. Bago nabalot kami ng ilang minutong katahimikan. Matanda bai tong kasama ko pero iba itsura niya pag walang uniform bakit parang ang broad ng shoulder niya? Sabagay yung uniform kasi ng mga boys ay long sleeves kaya napansin kong makinis siya. Maputi tapos nagputi pa siya mukhang mabango tingnan pero geek pa din ang pormahan. Nabasag lang ang katahimikan ng magsalita na si Miya. “Bakit ikaw? May utang na loob na naman ako sayo? Maktol ko. Siya pa talaga ang tutor ko of all people? Seriously siya talaga? “Hindi ko din naman gustong maging tutor mo”. “Pero nandito na ko sa ayaw ko o sa ayaw mo saka huwag kang mag-alala 10 days lang itong tutorial na ito after this di mo na ko makikita”. Sabi niya. “Promise”. Lumapit ako sa kanya hindi makapaniwala. “Huwag mong sasabihin sa iba na ikaw tutor ko”. Sabi ko sa kanya. Medyo lumayo siya sa akin mabaho ba ko? “Huwag kang mag-alala wala din akong balak”. Sabi niya sa akin na mukhang nakikipagmataasan pa. “Shhh”. Masusuntok ko talaga to, pwedeng kotongan?  “Ano ba yan kung di lang na cut lahat ng allowance ko hindi na ko aabot sa ganito. Totoo kung nag-aral sana ko wala sanang ganitong drama. “Kung nag-aral ka kasi ng mabuti edi sana di mo na kailangan ng tutor at di na cut yung allowances mo.” Sabi niya sa akin akala mo kilala na niya buo kong pagkatao. “Ano may sinasabi ka?” Hinihingi ko ba opinion mo?”. Pagtataray ko sa kanya. Mind your own business!! “Shall we start? Madami pa kong gagawin”. Nakakaloko ang ngiti niya mukhang ngiting aso. Kinuha ko ang cellphone ko and I was about to make sumbong with my parents ng bigla niyang hablutin ang cellphone ko. Halos malalag ang puso ko sa gulat. “How dare you!”. Aba pakilamero ang hinayupak na to? “No phone while studying yan ang first rule”. At inilagay sa box ang cellphone ko. “Sino ka? To boss me around!”. Aba pakilamero talaga ng taon to nagdidilim na ang pangingin ko sasaktan ko na talaga to! “I’m your tutor, TU-Tor gusto mong spell ko pa?”. Sabi pa niya sa akin. “Enough!”. Oo na kailangan pang ulit-ulitin kasing edad ko lang to makaasta matanda sa akin?  “First rule pa lang yun may 9 rules pa”. Paalala niya sa akin. “Ano ka Diyos makasampung utos?”. I can’t believe this kid.  “Ay parang ayaw mo atang mabalik sayo allowance mo ah?”. Sabi niya sa akin. “Mr. Who you are? Are you trying to black mail me?”. Aba sinapsycho pa ko nito ah? Kukutusan ko talaga to!! “Nope, I’m just stating a FACT  and by the I’m Al not Mr. who you are”. Bigla siyang ngumiti. BAkit ang gwapo ng ngiti? Bakit ngayon ko lang nakitang ngumiti ito. Namumula ang pisngi ko hindi pwede to anong pogi ka dyan, yang kapre nay an, yuck!!  “Oy, ok kalang?”. Tanong niya sa aki. “Bwisit ka!”. Huwag ka ng ulit ngingiti baka gusto mo ng mamatay. Ang bili ng t***k ng puso ko. Kalma lang…  “I have checked your math, medyo hindi mo magets mukhang malubha ang away niyo ni math, while yung English mo is good naman may konting error pero kaya naman maitama, tapos sa science may alam kaso tamad lang”. Parang punyal na tumutusok sa tenga ko ang mga sinasabi niya. Medyo amusing yung tingin niya, nababadtrip na ko ditto baka hindi na to abutin ng bukas. “Pwede ba huwag mo nang elaborate alam ko kung saan ako mahina” I just heard so much, di na kailangan paulit ulit. “Pero mataas ka naman sa P.E”. Compliment niya sa akin. “Favorite subject ko ang P.E., Okay stop it,. Nakakasakit na talaga ang taong ito mahahampas ko na talaga to! So ano gusto mong unahin nating pagaralan?.” Tanong niya. Like wala kong kainte-interes. “Sa totoo lang di ko alam lahat naman yan boring”. Humiga na lang ako sa sahig I felt I’m not doing anything today. Tiningnan niya ko at nakita kong namula siya. Tumingin siya sa akin. “Am Miya”. Mahinahon niyang sabi. “Ano yun?”. Walang kagana gana kong tanong sa kanya. “Umayos ka nga” Sabi kpa niya. Like bakit ako aayos? “Wala kang pake”. Sabi ko sa kanya. “Nakikita po kasi ang panty niyo po”. Sabi niya sa akin. Agad akong tumayo at pwede kayang lamunin na ko ng lupa ngayon din sobrang nakakahiya. “Bastos!”. I was off guard anong part ng panty ko ang nakita niya. Gosh!!! Wala pang nakakaita ng panty ko tapos siya pa makakauna. Bulagin ko kaya ito para wala ng pruweba. “Rule number 2 wag magpapetiks o mahiga higa lalo na pagnagaaral. Hindi ko naman sasabihin sa kanila na ang panty mo ay tulad ng kay grandma.” Bigla siyang natawa. Hindi na ko nakapagpigil at sinipa ko siya. Bigla siyang nahimatay. Ngayon ko lang napagmasdan ang mukha nito. Mapayat siya pero Malaki ang shoulders niya. Matangos din ang ilong niya at may cliff chin siya. His brows are also thick and ang haba ng mga pilikmata niya. Knowing na singkit siya. Ang unfair naman ☹ Wait Miya bakit tintingnan mo yang gungong na lampayatot na yan? Maya-maya ay nagising na ito. Mabilis na umupo sa gilid si Miya at nagcross arms at nagtaray. “Aray”. Sabi nito. “First day pa lang natulog ka na?”. Sabi pa ni Miya. “Hindi ako pinanganak kahapon, sinipa mo ko no?” Sabi nito kay Miya. “Hoy, Sir wag kang mambibintang”. Tanggi pa din ni Miya. Tumayo ito. Akala ni Miya ay aalis na ito pero mali siya ng akala. “Okay let’s start with mathematics”. Mahirap agad ang pinili ni Al na ituro. Nakita niyang nagrolled eye itong si Miya. Nakita nito ang Algebra 2. “Evaluate: 30 - 12÷3×2 =” Sabi ni Al. Tumingin siya kay Miya na hinihipan nito ang mga baby bangs niya at hindi siya nakikinig. “Ms. Moto”. Sabi pa niya. Tumingin ito sa kanya. “What?”. “Nakikinig ka ba?”. Tanong ni Al sa kanya. Ngumiti ito ng bahagya ngiting pinapahiwatig na  HINDI AKO INTERESADO DYAN Napailing na lang si Al. Bago nagpatuloy sa pageexplain. “According to order of operations, 12÷3×2 makikita mo it’s a division and multiplication so this should be done first from left to right”. Sabi pa ni Al medyo nilakasan niya ang boses niya para makuha ang atensyon ni Miya. Tumalab naman ito at tiningnan ang ginagawa niya. Lumapit ito ng kaunti sa kanya. Nagpatuloy siya sa pagsasalita. “(12÷3)×2 =”. Tumingin ito kay Miya. “Oy 12/3 ano sagot?”. Nagisip ito. “Teka lang na pepressure ako”. Sabi pa nito. “Five….Four…Th-three”. Nagsimula ng magcountdown si Al. “3?”. Sabi ni Miya. “Is that your final answer?” Sabi pa ni Al “Wait, 4?”. Pagbabago ni Miya ng sagot. “Sure ka na?”. Sabi pa ni Al. “Slight”. Sabi ni Miya. “Tama”. Sabi ni Al medyo pinipigilan nitong matawa ng nakita niyang pinagpawisan si Miya ng malala. “ So (12÷3)×2 = 4 x 2. Bale ano ang sagot sa 4 x 2?”. Tanong ni Al kay Miya. “8”. Confident niyang sabi. Tumungo si Al dahil tumama ang sagot ni Miya. “So 30-8=?”. Tanong ulit nito kay Miya. “22”. Sagot nito. Mukhang simple subtraction at multiplication alam nito. “ Very good, 30 - 12÷3×2 = 30-8 = 22”. Ngayon saan galing yung 30? Saan galing yung 8?”. Pagchecheck ni Al kung natutunan ni Miya ang tinuturo niya. Tumingin si Miya at tumaas ang kilay nito. “Yung 30 ay given na as a problem while yung 8 mula yung answer sa 12÷3×2 sabi mo unahin yung division at multiplication”. Sabi niya at nagulat siya na naintindihan niya. “Wow, so your listening naman pala”. Sabi pa ni Al. “ Because I’m not bobo”. Sabi pa nito. “Ahh kaya pala 3..”. Mahinang sabi nito. “Ano yun may sinasabi ka?” Mataray na sabi ni Miya. “Okay so ready ka ng sagutan ang iba pa?”. Pinakita nito ang iba pang isosolve ni Miya. “What? Give me a break”. Nagrolled eyes na naman ito. “Rule no. 3 huwag magreklamo para naman ito sa iyong pagkatuto”. Masiglang sabi ni Al. Tumingin si Miya sa paligid may kausap ba to? “Tigil-tigilan mo nga ko sa kakarule rule mo dyan”. Iritang sabi nito kay Al. “Ano ka ba si kuya kim?”. “Matang-lawin!”. Sabay nilang sabi at nagtawanan sila. Unang tumigil si Miya sa pag tawa like ang gusto niyang ipahiwatig kay Al sa mga oras na yun NAKAKATAWA BA YUN, CLOSE BA TAYO? At tumigil din si Al ng pagtawa na para bang OK TAWANG TAWA KA NAMAN DYAN Wala pa kaming ilang minuto ay nakita ko na siyang inaantok. “So!”. Nilakasan bigla ni Al ang pagsasalita. Na ikinagulat naman ni Miya. “Ay palakang malandi” “Hindi pa tayo tapos, paano ka matututo niyan? Paalala ni Al kay Miya. “Pwedeng magbreak muna, sakit na ulo ko ei”. Sabi pa niya paawa effect Pero hindi naman tumalab iyon kay Al. “Rule no. 4 Kahit mahirap never say never”. Natapos nila ang session ng math at sabay na silang gumawa ng mga assignment, reaction paper and book review. With the help of al mas naging madali kay Miya ang lahat. Hindi naman mahina ang utak ni Miya in fact di lang talaga siya nagfofocus sa pag aaral niya pero she has that potential. Buti nga siya di niya kailangan problemahin ang pera lalo na sa pagaaral niya. Hindi katulad ko na kailangan ko pang maging scholar para lang maitawid ang pagaaral sa magandang school. Natapos na ang session namin. Yung tigre na pwede palang maging kuting. “Let’s call it a day”. Sabi pa ni Al. Bago inarrange na lahat ng mga libro at learning materials na dala-dala niya. Pumasok si Yaya Merlie at inilapag sa table ang meryenda nila. “Lady Miya and Mr.?”.  Magmeryenda na po kayo. “Al po”. Matipid na tugon ni Al. Al’s POVs Grabe meryenda lang ito akala ko pistahan pinuntahan ko? 2 Slices of blueberry cheese cake, 6 pieces of chocolate chip cookies, Fruit platter (grapes, orange and watermelon) tapos Strawberry milkshake. Samantalang sa bahay namin ang meryenda turon, bananacue o tinapay sa bakery. Taray naman pala ng mayaman. Ilang beses na din akong nagmeryenda sa bahay nila Fred pero hindi naman ganito yung madalas naming kainin. Nag mamcdo delivery lang kami solve na yung cheese burger nun. “Basta tandaan mo hindi tayo magkakilala pag dating sa school”. Paalala ni Miya sa akin bago kumuha ng cookies. “Areglado hindi ko naman sasabihin sa kanila, wala naman akong ganoon ka daming kaibigan sa pagkakatanda ko?”. Medyo na hihiya akong kumuha ng pagkain pero kumain na ko ng blueberry cheese cake. Ang sarap, parang sumabog sa bibig ko ang flavor nito. Lasang mayaman… Maya-maya ay tumayo na ko. Nagpaalam na din ako kay Miya. Inihatid ako sa labas ni Yaya Esang. “Para sa araw na ito”. Sabay abot ng sobre. “Bawat natatapos na session ay may bayad na iaabot sayo. Maraming Salamat sa matiyagang pag tuturo kay Lady Miya”. Nagbigay pugay ulit ito sa kanya. “Hindi niyo naman po kailangan maging pormal kasing edad ko lang po si Miya schoolmate po kami”. Pagpapaliwanag ko. Nabakas dito ang pagkagulat at bago pa ito nagsalita. “Marami pong Salamat”.  Umalis na ko at hinatid ako sa labasan. Gagamitin ko na kasi yung perang naibigay sa akin mula pa din doon sa binigay sa akin ni Prinsipal Mabagsik. Naisip kong bumili ng mga kailangan sa bahay. Nagpunta muna ko sa isang maliit na grocery store sa may amin. Kumuha ako ng basket at inilabas ang mga nailista kong grocery items. Turo ito ni Mom sa amin ilista ang mga bibilhin ang hindi nakalista ay huwag bibilhin. Inuna ko munang puntahan ang laundry section. Mga sabong panlaba wala naman kaming waqshing machine kaya sanay kami sa palo-palo. Mga bareta at brush, pati zonrox at fabric conditioner pinili ko. Yung malalaki na para makapagstock sa bahay. Tapos pumunta ako sa mga de lata. 3 Corn beef, 3 pork and beans, 5 sardinas, 3 Tuna flakes, 1 Luncheon meat 1 tray ng itlog, 1 bote ng Toyo, Suka at Cooking Oil. ½ kilo ng asukal na puti, ½ asin at 12 pcs na instant coffee. Sa may talipapa na lang ako bibili ng mga gulay, meat at prutas. Since wala naman din kaming ref sa bahay. Medyo mahal na talaga bilihin ngayon naka 3000 na lahat iyon. Binigay ko ang pera sa cashier, may apat na libo pa naman natira. Pinabox ko na lang yung binili ko para isang bagsakan na buhatan. Maingat kong binitbit ang 1 tray ng itlog na para bang nakadepende dito ang buhay ko. Masaya akong sumakay ng tricycle papuntang bahay namin. Nakita kong lumabas ang Kambal at nagulat sa mga dala ko. “Kuya saan ka niyan?”. Sabi pa ni Pj. “May blessings na dumating”. Tugon ko sa kanya. “Tulungan ka na namin kuya”. Sabi naman ni Cj. Kinuha nila ang mga dala ko. “Mom si kuya nag groceries”. Masayang balita ng kambal na halos sabay na nagsalita. “Anak, saan ka niyan?”. Sabi pa ni Mom bago nagmano ako sa kanya. “Nak, huwag mong sabihing? “Meron po kasi akong tinutor ngayon medyo malaki po ang pasahod. Saka desente po akong tao Mom hindi ko ibebenta ang sarili ko”. Sabi ko pa. “Akala ko ninenok mo”. Pagbibiro pa ni Mom. Mukhang mali ang interpretasyon ko ng sinabi niya mukhang pagagalitan ako kaya nag salita agad ako. “Mom, ito dalawang libo ikaw na pong bahala sa pagbubudget sa iba pong kailangan dito sa bahay.” Bago binigay ko sa kanya ang pera. “Salamat Anak”. Sabi pa nito sa akin. Lalo na kapag nakapagtapos na ko ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Maiaalis ko na po kayo sa ganitong klaseng buhay. “Mom, meron po pala kaming babayaran na 60 para sa texto na binibenta sa school”. Sabi naman ni Cj. Tumango din si Pj pagsang-ayon sa sinabi ng kambal niya. “Ito oh”. Ako na nagbigay sa kanila. “Salamat kuya”. Sabay nilang sabi. Lumapit si Hope at binuksan ang box. “Wala dyang chichirya at pancit canton, Kailangan mo ng magdiet”. Paalala ko kay Hope. Sumimangot pa siya. Pero tumulong na ito sa pagliligpit sa mga pinamili ko. “Mom si Dad, makakauwi ba siya ngayon?”. Tanong ko kay mom. Hindi naman kasi ginagabi ng pag-uwi iyon. “Nagsabi siya sa akin na bukas na siya uuwi, pinaextend sila ngayong araw. Doon muna siya matutulog kina kuya Jigo mo”. Sabi pa nito habang pinagpatuloy nito ang naudlot na pagwawalis kanina. Kinabukasan.. P.E Class ulit bakit ba ito pinaka-hate kong subject yung pisikalan. Sigurado na namang mapapagod ako nito. May hika pa naman ako pero hindi ko sinasabi sa teacher ko na si Sir tagumpay. Magcrossover na naganap sa klase ni Sir Tagumpay at Ms. Resurrecion na teacher namin sa P.E. Kalaban namin sila Bryan section nila Nadine, of all people klase pa nila paano ako magpapimpress sa kanya gayong ang lampa ko sa sports. Sa academics lang ako may ibubuga pero ditto? Di talaga ko sure. Fred was cheering for me, tamaang tao is the name of the game. Nakita ko sa kabilang court section naman nila Miya. Tumingin ito sa akin. Na para bang ang sinasabi HUWAG KANG MAGSASABI NA IKAW ANG TUTOR KO. Bago pinalupo niya ang kanyang mga kamay. May matinding bultahe ng kuryente ang lumakad sa buo kong katawan. Baka masipa ulit ako, nakakatakot. Pinaliwanag muna ni Sir Tagumpay ang mechanics ng laro at pinabunot muna ang leader sa bawat section. Si Allan Cabrera ang aming representative dati kasi itong varsity sa school niya nung elementary pero pinatigil na siya dahil pinagaral na siya ng Tita nito sa New York. Ang taya ay ang section nila Bryan at kami yung tatamaan nila. Napalunok ako sa kaba dahil obviously ako ang pinakamatangkad sa section namin. Gustuhin ko mang magtago sa likuran ni Fred ay siguradong makikita pa din ako. Mabagal akong tumakbo sa totoo lang. Gusto ko ng matapos ang oras na ito. Madami ng natamaan sa grupo naming. Pero ang pinagtataka ko ay nakatagal ako na hindi natatamaan o sinasadya lang talaga nilang huwag akong tamaan? Fred was also good at it mabilis tumakbo ito. Narinig ko sa ibang section na kinikilig sila kay Fred. Sabagay Fred is really attractive lalo na kambal niya si Nadine. Pero gaya nga ng sabi ko aware siyang gwapo siya pero wala pa siyang interes sa mga kababaihan dahil inlove siya sa computer games. Sa tingin ko pakakasalan niya ito? Then Bryan was with the ball and he directly throw the ball to me, parang may apoy ng galit yung bola at tinamaan ako sa dibdib. “Bro!”. Narinig kong sabi ni Fred bigla na lang dumilim ang paligid. Pumito si Sir Tagumpay. Pinatigil muna ang laro. Limang katao ang bumuhat kay Fred at dinala siya sa clinic. Maya-maya nagising ako at nakita ko ang putting ceiling. Napansin kong nasa clinic ako dahil na din sa amoy alcohol ang paligid. Lagi na lang ba kong suki ng clinic? “Bro”. Tawag sa akin ng isang pamilyar na tao. Mula sa Malabo hanggang sa luminaw na pangin ko rumehistro agad ang pagaalala nitong mukha sa akin. “Ano nangyari?”. Tanong ko sa kanya. “Grabe ang lakas ng bato sayo ni Bryan, mukhang pasikat na naman”. Ayon pa kay Fred. Naalala ko na tinamaan nga ko sa dibdib at nawalan ako ng malay. “Nakita ba ko ni Nadine?” Tarantang tanong ko. “Yup, bro and I tell you nagalit siya kay Bryan dahil sa nangyari sayo? Paliwanag pa ni Fred sa akin. Sumilip ang isang genuine smile sa mukha ko. Totoo? I felt I’m being recognize na ng crush ko. Ms. Claire: pagpahingahin muna natin si Al, Fred later na lang. Ayaw ko pang paalisin si Fred gusto ko pa siyang magkwento about Nadine. Ipinagpahinga ko ang sarili ko knowing na I’m exhausted. May narinig akong kaloskos at pabukas ko ng mata ko…  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD