"When you put your arms around me, Oh well, baby there's nothing in this world I can't do."
-Somebody like you by Keith Urban
Al’s POVs
Nagulat ako ng makita ko si Miya.
Umiiling iling pa siya.
“Bakit lagi mo kong nadadatnan sa ospital o clinic? Tanong ko sa kanya. Parang palagi na lang sa ospital o clinic ang venue namin. Meeting place?
“Lampa ka pala?’. Sabay tawa nito sa akin. Tawang mala demonyo, nakakaasar.
“Sige tawa ka lang, eto yung pinaka hindi ko gustong subject P.E.” I honestly told her.
“Sa tangkad mong yan?”. Tumingin siya sa akin.
“Hindi lahat ng matangkad sporty”. Rason ko sa kanya. “Tapos ka na pwede na kong magpahinga?”. Cold kong sagot sa kanya.
Hinawakan niya ang kwelyo ko at nagsabi. “I’m returning the favor”. Giit pa niya.
Di ko siya nagets. Ang lapit na ng mukha niya sa mukha ko. Saka niya binitawan ang kwelyo ko.
Saka siya naglakad na parang attorney at may nililitis.
Umupo ako mula sa pagkakahiga at pinagmasdan siya.
“Dapat hindi ka nagpapatalo sa kanila, do not let them see that you are weak.”
“E, weak.. di ko na natapos ng ilagay niya yung daliri niya sa bibig ko.
“Shhh.. tutulungan kita”
“Ha? Saan?” Minsan may pagkaweird din ang taong eto.
“I will teach you about sports huwag kang mag-alala wala yang bayad remember P.E is my favorite subject”. See me this Saturday.”Akong bahala sayo sabay akbay niya sa akin. Hindi ka na pagtatawanan dahil lampa ka. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hindi na siya nagpaalam at dire-diretsong lumabas sa clinic.
Bakit parang bumait ang isang tigre at ngayon she’s offering help?
Kahit mamaya ng coaching ko kay Sir Tibayan ay pupunta ako sa kanila upang ituloy ang session 2 namin.
Bumawi ako ng nap hindi na kinaya ng sarili ko at bumigay na ang mata ko sa kapaguran.
“Al!”. Sabi ng isang magandang dilag.
“Nadine?”. Sabi ko sa kanya.
“I love you!”. Sabi nito sa akin.
“I love you too- nagising ako bigla ng tapikin ang mukha ko. Nagising ako ng makita ko sina Fred at Allan.
“I love you, sino yan?”. Kantyaw ng dalawa.
Langya panaginip lang pala yun akala ko totoo na.
Ginising na ko ng mga ito natapos na kasi ang klase at pinapapunta na ko sa office ni Sir Tibayan for another coaching para sa science quiz.
Mabilis ang naging oras ng coaching naming ni Sir Tibayan he also advice me to self study since gets ko naman lahat. Pinasearch na din niya ko ng mga books sa library.
Kaya bago ko pumunta ulit sa tahanan ng mga Moto kumuha muna ko ng mga ilang libro para makapagself study ko pagdating ko sa bahay.
Gaya ng dati ay sinundo ulit ako sa school patungo sa bahay ng mga Moto.
Pagdating ko ay nauna na ko sa study area. Inayos ko agad ang mga learning materials na gagamitin naming. History naman ang ituturo ko sa kanya.
Bumukas ang pinto at nakita ko si Miya she’s back with her original look nakatulad sa school. Makapal na eye liner at nakataas ang buhok, Pero naka over sized jacket at jogging pants siya.
Dala nito ang notebook niya.
Mas gusto ko ang itsura niya kahapon mas simple mas maganda. Maganda ka dyan ano ba iniisip mo Al?
“Okay history tayo ngayon. Medyo madami ito. Pero spoiler alert lang baka tamarin ka kasi more of comprehension ang gagawin natin ngayon. May mga dates at words din ditto na dapat mong makabisado.” Paalala ko pa sa kanya.
Malalim ang pagbuntong-hininga nito.
“Whatever”. Sabi pa nito. Bago kinuha ang ballpen nito. Mas nagpaparticipate siya kesa nung math class namin. Hinayaan ko muna siyang magbasa habang nagnotes ako para sa paghahanda ko sa quiz bee.
Medyo tahimik kami ng mga ilang minute.
“Paano mo nagagawa yan?”. Biglang sabi ni Miya.
Iniisip ko kung ako ba ang kinakausap niya lumingon ako sa paligid. Tama ako nga kinakausap nito wala namang ibang tao sa study area kundi kaming dalawa lang.
“Ang alin?”. Balik tanong ko sa kanya.
Tumingin ito sa akin. “Yung pagiging boring”. Sabi nito.
So boring nga ako.
“Sanay na ko, kaharap ko ang mga libro sila talaga ang tunay kong mga kaibigan”. Paliwanag ko sa kanya hindi ko alam kung maniniwala siya sa sinabi ko. But it is true mas gusto ko ngang magbasa. Magsumikap mag-aral hindi pwedeng magbalewala. Para sa kinabukasan ko at ng pamilya ko.
“Naranasan mo bang pumarty?’. Tanong nito.
“Party? Anti-social akong tao, awkward siguro ramdam mo din yun”. Sabi ko sa kanya.
“Ang brutally honest mo no?”. Sabi niya sa akin.
“Totoo naman kasi”. Sabi ko pa sa kanya.
“Confidence ang kulang sayo, saka parang takot ka?”. Sabi pa ni Miya.
“Hindi kasi ako sanay na iexpress yung sarili ko”. Sabi ko sa kanya.
Tumingin ito sa akin at umiling. “Huwag kang matakot sumubok, there’s more to life than this book”. Sabi pa ni Miya.
Nagets ko siya na ang gusto lang niyang sabihin sa akin ay SPREAD YOUR WINGS LIKE A BUTTERFLY AND FLY.
Sana may confidence ako ng tulad nito ni Miya.
“Hindi ka mahilig sa sports?”. Tanong niya ulit.
Bakit parang interesado siya sa akin anong klaseng hangin ang umihip dito at bigla na lang siyang nagtatanong ng mga bagay na ayaw kong napaguusapan. Lalo pag patungkol sa sarili ko. Nasa talk show ba ko?
“Hindi talaga kami okay ni P.E”. Sabi ko sa kanya.
Napatawa siya.
“Seryoso?’. Sabi pa nito.
“Rule no. 5 concentrate on your work never talk about personal matters”. Sabi ko sa kanya. Bago nagsimula na kong magsulat ulit. “Tapos ka na ba?”. Tanong ko sa kanya.
Pinakita niya na nagsasagot pa siya.
“Pero seryoso ako sa sinabi ko sayo na magkita tayo ng sabado tutulungan kita sa problema mo sa P.E.” Sabi pa niya sa akin.
“Hindi naman kailangan- bago ko pa matapos ang sasabihin ko. Nagssalita na agad siya at mukhang kumbinsido na siya. “Pwede ba wag ka ng magmataas sabi mo di ba rule no. 4 kahit mahirap never say never”.
Napailing na lang ako.
Mas magaan ang naging klase namin ngayon compared kahapon mas maayos siya although may hint pa din ng pagdisgusto pero bearable na.
Nagawa namin ang mga assignments, projects at reaction paper sa movie na Narnia.
Hindi ko nga alam kung bakit napagtitiisan ko ito?
Pero dahil kailangan ko nga ng work para makatulong sa gastusin sa bahay. Kahit ilang araw lang itong tutor ko sa kanya.
Gaya kahapon ay inabot sa akin ang pangalawang bayad for our first session.
Masaya akong nagtungo sa aming bahay. May natitira pang ilang libo sa wallet ko last time plus itong nakuha ko. Nagiipon kasi ko pambili ng cellphone.
Pagdating ko sa bahay nakita ko si Fred nasa sala kausap nito si Hope.
Medyo nagiba ang mukha ko alam ko kasing may gusto ang kapatid ko kay Fred. Naging aktibo ang pagiging kuya ko. Hope is just 10 for goodness sake.
Nagulat si Hope ng makita ako.
“Bro, andito ka na pala? Papatulong kasi ko dito sa assignment natin”. Nakangiting sabi ni Fred sa akin.
“Ganoon ba sige, walang problema bihis lang ako. Nga pala Hope may gagawin ka pa sa taas di ba?”. Sabi ko kay Hope.
“Ha? Wala naman akong gagawin”. Sabi pa nito.
Lumapit ako sa kanya at hinila ang kanyang braso at dinala sa hagdanan “Meron, alalahanin mo”. Matigas ang tono ng boses kong sinabi sa kanya.
Wala na itong nagawa kundi sumunod sa akin.
“Bisita ka ulit kuya Fred”. Sabi ni Hope.
Aba hindi pa papaawat.
“Walang problema Hoppie”. Sabi ni Fred matamis ang ngiti nito sa kapatid ko. Tuwang tuwa naman ang bunso kong kapatid. Kilig na kilig?
Pagkatapos kong magbihis ay nagtungo na kami sa maliit naming lamesa.
Maya-maya ay dumating na ang kambal at sumama na din sa table para gumawa ng assignements.
Si mom ay nakina Ninang lumabas muna sila at namasyal.
“Kamusta na mga anak ko?”. Sabi ng taong namiss namin mula pa kahapon.
“Dad!” Sigaw ng kambal agad silang yumakap dito ako din tuwang tuwa kami na makita ulit namin ang padre de pamilya ng mga Adriatico.
“Andito ka pala Fred”. Pun ani Dad. Kilala ni Dad si Fred simula pa mga bata kami.
“Opo, Tito Manuel gumagawa po ng assignment”. Sabi pa nito pinakita ang notebook. Bago lumapit ito kay dad at nagmano.
“Tamang tama dito ka na kumain, meron akong dalang letsong manok”. Dalawang supot pa ito.
“Ayos” Sabi ni Cj.
Bumaba din si Hope at sinalubong ng mahigpit na yakap si Dad.
“May extra gravy na para sa bunso ko”. Sabi pa ni Dad.
Namula sa hiya si Hope dahil andoon ang crush niya.
“Nagdadiet na ko Dad”. Sabi ni Hope. Bago kinuha ang dalawang supot ng letsong manok.
Dahil mas majority sa bahay ang mga lalaki kulang ang isang letsong manok kaya palaging bibili ng dalawa.
Hindi kami matataba ng kambal pero malakas kaming kumain. Pati itong si Fred malakas ding kumain.
“May saing na ba?”. Tanong ni Dad.
“Nakapagsaing na po ako paluto na”. Sabi ni Hope.
Maasahan talaga sa kusina ang kapatid kong ito.
Dumating na din si Mom at sabay sabay na kaming naghapunan.
Kinabukasan…..
Sobrang sakit na ng pantog ko ang tagal kasing magdismiss ng teacher namin sa Filipino. Kaya pagkasabi pa lang niya na dismiss agad agad na kong tumakbo papuntang CR. It’s between life and death na ang drama ko niyan.
I heared someone talking, nakatayo ako sa isang urinal.
“Al! may gulay you won’t believe but of course you have to believe”. Sabi ni Miya.
Hindi ko alam kung paano ko itatago si junjun. Kaya tumalikod ako sa kanya.
“Al ayos na ang quiz ko I got a perfect score”. Tuwa pang sabi ni Miya.
“Miya, umihi ako” Hindi ko alam kung paanong pagmamadali kong maisara ang zipper ng suot kong slacks.
Nagulat siya at namula.
“Sorry. Sabay takbo niya sa labas ng makita niyang CR pala yun ng lalaki.
Hopefully hindi niya nakita si junjun, bakit ba kasi pumasok siya sa CR? Di ba siya nagbabasa?
Naiwan niya yung exam niya, galing nakaperfect score siya. Ibig sabihin effective akong tutor.
Two days pa lang improvement na agad.
3rd session na namin. Next week nalalapit na din ang competition for quiz bee. Pero bago ako magtungo kina Miya. Nagsubmit muna ko ng sinulat kong article para sa news paper namin. Every Wednesday and Friday kasi ang schedule. Para next week naman ay mapamigay na ang News paper sa school.
Pangatlong araw ng sinundo papunta sa mansion ng mga Moto.
Nauna ulit ako sa study room niya at inayos ulit ang mga learning materials. Today science naman ang ituturo ko sa kanya at sobrang excited ako dahil favorite subject ko to.
Bumukas ulit ang pinto same face like yesterday. With that thick eyeliner again.
Mukhang once in a bluemoon ko lang makita yung Lady Miya na prim and proper.
“So today, science naman ang ituturo ko sayo”. Masiglang sabi ko kay Miya.
“Okay”. Sabi pa nito na medyo walang ganang magsalita.
Napailing na naman ako sa kanya.
“Nga pala congrats sa perfect mong score kanina”. Pinakita ko sa kanyang yung test paper niya na naiwan sa banyo.
Miya’s POV
Shocks pinaalala pa ng gungong na ito ang eksena kanina na halos gusto ko ng ibaon sa limot.
Nakakahiya talaga.
“Akin na yan”. Sabi ko sa kanya.
Pero tumayo lang ito at itinaas ang kamay palibhasa matangkad siya.
Al’s POVs
Bigla niyang ibinagsak ang sarili niya sa akin at tumumba kaming dalawa. Nakadangan siya sa akin at ang lapit na ng mukha ko sa kanya. Nagkatitigan kami, biglang nagkalapat ang aming mga labi. At nakarinig na lang ako ng malakas na batok.
“oy akin na yan”. Sabi niya. I was back to reality, bakit naglaro sa isip ko yun? “Para ka kamong ewan pa dapa dapa ka pa jan, akin na yung papel.
Oo nga pala natalisod pala ako nung kinuha ko yung papel from her. Like I was dreaming, attracted na ba ko sa kanya? O malikot lang ang isip ko? Natawa ako at sinampal ko ang sarili ko. Oy, si Nadine ang gusto mo hindi si Miya huwag kang malilito.