Chapter Eight “A Moment Like This”

1194 Words
I am thinking of you In my sleepless solitude tonight If it’s wrong to love you Then my heart just won’t let me be right -       My All by Mariah Carey Al’s POVs Kinabukasan… Thursday Nakita ko si Nadine like I’m walking on sunshine. Kasama niya si Bryan at nagtatawanan pa silang dalawa. Sana ako yung katawanan ni Nadine pero yung feeling na yun yung kasama niya. Nakita ko sa gilid yung grupo ni Miya at pinagagalitan ito ni Ms. Balderama ano naman ba nagawa ng grupo nila Miya? Hindi talaga sila na pipirmis ano palagi silang nagiinvite ng gulo. Napabuntong-hininga na lang ako. Habang nakaupo sa bench sa school. Lumapit si Fred sa akin. Sa kanya ko lang nakwento na ako ang nagtutor kay Miya. Hindi naman din ito magsasabi sa iba. What I like about Fred when you tell something to him he doesn’t share it with other people. Kaya nga I can keep my secrets with him. Binigyan niya ko ng orange juice at sandwhich. “Kamusta? Handa ka ba next week para sa competition mo?”. Tanong niya sa akin at umupo sa tabi ko. “Sakto lang”. Sabi ko sa kanya na hindi tumitingin sa kanya. Sinundan niya kung saan ako nakatingin. “Ungas talaga to hindi nilulubayan ang kapatid ko”. Medyo inis nitong sabi. Tumayo ito. “Saan ka pupunta?”. Tanong ko sa kanya. May biglang humarang sa kanya isang freshmen girl. Nagulat ito. “Pwede po bang magpapicture po sa inyo?”. Sabi pa nito. Natawa ko kasi nga ang daming nagkakagusto sa kanya lalo na nung nagpasikat siya sa P.E namin. Kinawayan ko siya bago umalis saglit. Dumiretso ako sa may vendo machine gusto ko ng something maalat. Nakita ko ang potato chips kaya nagcrave ako. Bigla kong nakita si Nadine magisa lang siya at may hawak itong script. Hindi ko alam kung paanong pagtatago ang gagawin ko hiyang-hiya ako. Pero nakita niya ko. “Al!”. Tawag nito sa akin. Parang masarap sa tengang pakinggan yung pagtawag niya sa akin. It was like a sweet song in my ears. “Hi, Na-nadine”. Gosh nag stutter na naman ako bakit ganito? Nababato na naman ako sa harap ni Nadine. “Pupunta ka bas a theater mamaya?”. Tanong niya sa akin. Tumungo ako. Parang walang boses na lumalabas sa bibig ko sa mga oras na iyon. Ngumiti ito sa akin. “Pwedeng favor?”. Sabi pa niya. Anything from you babe- sabi ng isip ko. “A-ano yun?”. Tanong ko sa kanya. Panay utal ako ah? “Samahan mo nga ko sa pagrerehearse may inasikaso kasi saglit si Bry. Kung ok lang naman. Pero kung may gagawin ka. Okay lang din naman. “Wala, wala akong gagawin”. Mabilis kong sagot sa kanya. “Perfect” .Sabi nito at nagulat akong hinawakan niya ko sa kamay. Pakiramdam ko humiwalay bigla ang kaluluwa ko sa katawan ko. Tumakbo kami papuntang theater. Parang ayaw ko ng bitawan ang pagkakahawak niya sa akin. Wala na kong balak hugasan yung kamay ko sa sayang nangingibabaw sa akin ngayon. Para akong malulunod. I can’t contain this happiness I’m feeling inside. Si Nadine ang unang bumitaw sa magkahawak na kamay namin. Binigay niya sa akin ang script. Tapos nagsasalita siya I was there titig na titig sa maganda niyang mukha, manghang mangha sa ginagawa niya. “Ehem lines mo na?”. pukaw sa akin ni Nadine. Tila nananginip ako ng gising. Saka ako nagsalita. She smiled back at nagpalitan kami ng mga linyahan sa Script na binabasa namin. Mga ilang minute lang yun pero pakiramdam ko kami lang ang nandoon sa lugar nay un. Pakiramdam ko matagal na kami doon. Biglang nagring ang cellphone ni Nadine. “Teka, sagutin ko lang”. Sabi nito na tumalikod at lumayo sa akin. Nanlambot ang tuhod ko kaya napaupo ako. Huminahon ka Al, kaya mo to!! “Sorry Al, may emergency pero thank you sa time.” Sabi ni Nadine. Agad akong napatayo at napakot sa kulot kong buhok. “Ahh.. ok-okay lang yun”. Nahihiyang sabi ko pa sa kanya. Akma na itong aalis ng may naalala ito. “Ito bigay ko sayo thank you for today, for helping me out”. Sabi pa nito. Binigyan niya ko ng keychain na hugis rabbit. “Thank you”. Unang regalong nakuha ko mula sa crush ko. Totoo ba to nanaginip ba ko? Pagkaalis niya ay napasayaw ako sa saya. Yung billie jeans ni Michael Jackson, sa sobrang tuwa ko. Maya-maya ay 4th session na namin ni Miya. I’m going to teach her naman English. Medyo maalam naman itong si Miya sa English dahil englishera naman siya. I was so in the mood at kahit nagtataray itong si Miya tuloy tuloy pa din ako sa pagtuturo sa kanya. May pasipol sipol pa ko. “Mukhang masaya ka?”. Puna nito. “Ay halata ba?”. Sabi ko sa kanya. “Anong meron?”. Tanong pa nito. “Rule no. 6 focus”. Paalala ko sa kanya. Umiling ito at ginawa ang mga worksheets na binigay ko sa kanya. “Nakuha mo na ba yung school newspaper?”. Tanong ko sa kanya. “Wala namang ibang sinusulat doon kundi boring na mga stuffs”. Sabi pa ni Miya. Naubo ako bigla kasama kaya ako sa mga nagsusulat sa school newspaper. “Paano mo naman nasabing boring?”. Sabi ko sa kanya. “Puro infos dapat naglalagay sila ng mga bagay na maeexcite kahit yung hindi masyadong mahilig magbasa.” Sabi pa nito. “Like what?”. Tanong ko sa kanya. “Like poetry or something related sa mga kabataan”. Sabi pa niya. Napaisip ako. “Well point of view ko lang naman yun”. Sabi pa niya.  “Anong klaseng poetry?”. Tanong ko sa kanya. “Love? Friendship? Basta papasok sa interest ng mga kabataan”. Sabi pa niya. Nagnotes ako, baka nga pwede siyang maipropose sa next edition ng news paper next month. Samantala… Sa office ni Mr. Asahani “Ito po Boss yung mga listahan ng mga trabahador po natin”. Sabi pa ng assistant nito na si Jeremy. Nagulat ito sa pinakaunang nakalista. “Who’s this Manuel Adriatico?”.Tanong nito. “Boss siya po yung pinakamasipag at magaling po yang trumabaho”. Pagmamalaki nito. “May picture ka ba niya”. Sabi pa nito. Nagtaka ang Assitant nito. “Ito po Sir”. Pinakita nito ang phone ana kasama sa picture si Manuel. “Gusto kong malaman ang katauhan ng taong ito na si Manuel”. Sabi pa niya. “Okay po Boss, ipapainvestigate ko po siya”. Ano ang kaugnayan ni Mr. Asahani sa buhay ni Manuel at bakit niya ito biglang pinaimbestiga? Masaya si Al dahil finally napapansin na siya ni Nadine Abangan natin ang next chapter…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD