Your face, in my dreams
You're nothin', but a beautiful nightmare
Don't go away, just stay, just stay
(We liv' world)- Beautiful Nightmare by LII Tracy
Malamig pa sa ice tubig ang tingin at boses ng babaeng kaharap ko. I mean mukha siyang 11 pero madaming takot sa kanya.
Sorry hindi ko sinasadya… Sagot ko sa kanya I was stuttering. Kinakabahan ako ilang taon akong nag lilow lang umiwas sa mga away tapos ngayon mukhang maiiba ang ihip ng hangin. Bakit bako nakipag eye to eye contact sa kanya? Napagat na lang ako sa aking ibabang lip.
She’s Miya R. Moto, she’s the leader of the gang sa school namin “Untamed”. Yup babae ang boss ng gang nila.
They are that typical bullies sa school na malakas ang mga loob dahil majority sa kanila ay stock holder ng F.A. actually yung mga parents nila.
Narinig ko sa mga classmates namin na ang mga magulang ni Miya ang halos malaking percent ng ambag sa school. Ang gym na ginagamit namin ay donation ng kanyang mga magulang.
Usap usapan ginawa ito upang siya ay makaalis ng freshmen dahil wala nga itong inatupag kundi magbarkada, lakwatsa dito, lakwatsa doon.
Rich kid use the money of their parents to get through.
Ang unfair ng buhay.
Wala din silang paki sa mga maliliit na tulad naming sa school. Well except Fred na pwede naming pumalag sa kanila. But me, hindi pwede gusto ko pang makatapos ng pag-aaral dito sa F.A. This school is so prestigious and high caliber talaga pagdating sa quality of education. Magagaling ang lahat ng teachers.
Miya is not a typical girl kahit galing siya sa rich family at katulad ni Fred na stockholder din ang family nila sa Faith Academy.
She’s a black belter in taekwondo, she is good at sports and no one can beat her.
Nakakatakot siyang makasagupa kahit mukha siyang 11. Baby face and even though magka sing-edad kami I never saw her smile at all. Seryoso siyang tao. Her life evolve involved with his gang.
Nakasalalay sa kanila ang buhay ng estudyante lalo na kapag mahirap o scholar lang ito sa F.A
The principal was favorable sa group dahil nga siguro sa ambag ng mga magulang ng mga ito.
Madami na din silang napatalsik sa school.
Kaya nga iniiwasan namin ang mga ito. If we truly love ourselves at gusto naming mag stay sa F.A. Dapat hindi kami makipag mess around with them.
Delikado…
I have known her since grade school, but she’s not that mean before, napaka quiet niya lang but I never thought na sa sophomore years namin mag-iiba siya ng katauhan.
I don’t know if she can still remember me, or sadyang di lang talaga ko ka reme-remember? Bukod sa tangkad kong taglay wala naming special sa akin para matandaan ako.
Tandaan mo, you should not look me in the eyes or else bilang na araw mo dito sa FA (faith academy).
Those words that I should not hear from her. Warning na ito sa nababaling araw ko sa F.A.
“Sorry”. Tugon ko at nakatungo ako sa kanya. Men I
was sweating bullets. Pangalawang sorry ko sa kanya. Sana matapos na ang confrontation naming ng oras na ito.
Fred also become silent, hindi niya din ninais na magsalita.
I mean Miya have a lot of people surrounding her she’s that influential. At kapag weak ka, para ka lang doormat sa kanya nakaya niyang paikot ikutin.
She had that power ang 60% ang share ng family nila sa school. Kaya naman lakas ng loob niyang maghasik ng takot sa mga tao sa FA.
She was that 5’6 girl wearing a messed up uniform imbes na ribbon necktie ang gamit niya hindi rin nakatuck in ang white polo niya, she had that short skirt, she also have that long black socks na abot hanggang taas ng tuhod niya and a white rubber shoes.
Nakapony tail siya ng mataas, at may band aid sa kanyang kanang cheeks.
“Come on, Miya don’t waste your time to that pathetic tree”. Sabi ng kasama nito.
“Tama si Pat Miya, let’s get going”. Sang-ayon pa ng isang babae. Mukhang freshmen ito.
Nagsign siya sa akin telling me that she will be watching me from now on.
Patay na yung silent na buhay ko ay nagbabadja ng magulo. Bakit kasi tiningnan mo pa siya?
After that tumalikod na siya at hindi na din ako tumingin sa pag alis niya.
Wow, that was intense para tayong nasa pelikula nito. Sambit ni Fred. Pinunasan niya ang kanyang pawis.
Huwag mo na lang pansinin bro, kapag andyan iwas ka na lang. Tara na baka malate pa tayo sa next class natin with Sir Tibayan, your favorite subject Science.” yaya niya sa akin, at tumakbo na kami ng mabilis papuntang room. Dahil ilang minute na lang magsisimula na ang next class at nasa labas pa kami. Strict pa naman si Sir Tibayan. Palibhasa matandang binata. May galit ata sa mundo dahil hanggang ngayon wala pa din siyang asawa. His turning 50 na din kasi.
Tapos isa din siya sa kasama sa mga grupo ng mga kalalakihan na may HIV “Hair is Vanishing”. Napapanot na siya, manipis na kasi ang kanyang buhok. Pero halimaw din itong magturo napaka galing kaya may rason kung bakit din siya strict. He doesn’t look on books parang kabisado niya lahat ng nilalaman ng libro he only bring white board marker at eraser. Kaya walang petiks sa klase niya lahat kami buhay. At nagpapanggap yung iba na interesado huwag lang matawag.
Kasi pag hindi nagpay ng attention sa kanya tatawagin niya kami at marami siyang itatanong.
A few hours later… Nag ring na ang bell ng school indication na tapos na ang klase. Isa sa pinaka hinihintay ng lahat. Uwian kasi pag bukas ng gate kanya kanya na ng punta sa kung saan saan ang mga studyante.
Mr. Adriatico maiwan ka muna saglit, sambit sa akin ni Sir Tibayan. First time akong tawagin ni Sir. Hindi kasi ako madlas magrecite sa kanya. Pero pagtinawag niya ko I can answer and nakikita kong naiimpress siya. Well I really like yung subject na tinuturo niya- Science.
Tumingin si David ang top 1 sa klase namin at tinapunan ako ng masamang tingin. Bago umalis sa classroom.
“Bro, I’ll wait for you na lang outside good luck, Bulong sa akin ni Fred. Tinapik niya ang balikat ko. Comfort siguro niya sa akin alam niyang kinakabahan ako.
“Sir, may nagawa po ba akong masama?”. Tanong ko sa kanya. Like all of a sudden pinatawag niya ko. Once in a blue moon iyon.
He smiled at me. First time kong makita ang ngiti nito. “Mr. Adriatico as I look on your grades this previous months, I have saw your potential. In fact I recommend you to represent your section to compete for Science quiz bee for the Science month. Masayang balita sa akin ni Sir Tibayan.
Naubo ako, I mean why me? Yeah I know that I excel on Science kas inga favorite ko talag ang subject na ito pero to be considered as a representative ng section naming for quiz bee. Was way unreal to me. Totoo ba talaga ang naririnig ko kay Sir. Joke bai to? O trip lang ni Sir?
Kaya pala si David iba tingin sa akin ito pala iyon.
Sir, I don’t think that I can pull it off sir, nahihiya po ako. Honest kong tugon sa kanya. Wala pa kong natandaang ginawa kong major na hakbang para mapansin ako. Quiz bee hello? Sino ka naman jan Al?
“Mr. Adriatico come out of your shell, it’s about time to discover new things, nakita ko na napaka bright mong tao. Although hindi ka madalas magrecite pero ang tataas ng mga quizzes at exam mo. Give yourself a little push. Para yan sa ikakaimprove mo J
Ginamit na ni Sir ang convincing power niya sa akin. Mukha namang tumatalab konting push pa.
I just smile a little.
Knowing na wala talaga akong tiwala sa sarili.
Aside from writing which why I became scholar dahil doon. Science has been my arena of comfort. Sir, sabi ko na may doubt sa sarili. Gusto kong tanggihan paano kapag hindi ko magawa? ayaw kong madown si Sir higit lalo ang section ko. Do I really deserve to compete?
“I’m counting on you, huwag kang mag-alala i-cocoach kita”. He proudly say this to me while tapping my shoulder. Pinakita niya sa akin na nilista na niya ko para hindi na ko pumalag pa. “ See you tomorrow after class sched natin para makapagsimula na tayong makareview. I don’t accept no as an answer, bye Mr. Adriatico.
Before I can rebut sa sinabi niya nilamon na siya ng pintuan, leaving me behind.
Bumalik ito “Before you leave anak, paki patay ang aircon at ilaw Salamat”. Sabi pa nito sa akin.bago tuluyan na siyang umalis.
Kinilabutan ako sa narinig kong balita kay Sir. Parang sumama ang pakiramdam ko.
Mabigat ang mga paa kong tinungo ang kinaroroonan ni Fred. Naka ngiti sa akin at may hawak na bananacue sa dalawang kamay niya. Ang isa ay kinakain niya.
Kahit mayaman siya gusto pa din niya ang mga pagkaing pinoy. Kakanin basta meryenda. Palagi niya kong nililibre. Minsan nakakahiya na.
“What’s up bro? ano sabi ni Sir?”. May excitement sa boses niyang tanong sa akin.sabay bigay ng Bananacue sa akin.
I explain to him everything.
“Wow, opportunity na yan bro. Ito na time mo para mapansin ka ni Nadine”. Asar pa niya sa akin.
Baka mapansin? Sabi ko na walang ka hope hope. Pero namumula na ang tenga ko sa kilig.
Yan kakanega mo, sampalin kita sa mukha para magising ka baka kailangan mo? Naiinis niyang sabi sa akin. Bago inubos na niya ang kinakain niyang bananacue.
“What if I fail Bro? hindi pa ko nakakasali ng ganitong competition for 14 years of my life”. Napaupo na lang ako sa isang bench sa hallway habang sinasabi ko yung sentiment ko kay Fred.
Umiiling siya. On disbelief kung gaano nga ko walang katiwa tiwala sa sarili ko. Edi wow, hindi lahat nabibigyan ng ganyang break if I were you do not fight against it, learn to accept it. Sabi pa sa akin ni Fred. Medyo animated niyang sabi. Pushing me to do it.
Aside sa mga parents ko si Fred lang talaga ang mahilig magpush sa akin. Siguro tiwala siyang magagawa ko. Buti pa siya may tiwalang magagawa ko pero ako hindi.
“Hindi ko alam ewan ko?”. Malalim na buntong hininga ang nailabas ko. Shaking my head off. On disbelief pa din.
Sinampal niya ko ng very light sa mukha.
“Yan duwag ka talaga Bro, pag di ka tumigil sa kakasagi mo ng nega dyan sa sarili mo yung kaliwang pisngi mo naman ang sasampalin ko.” Sabi pa nito sa akin.
Sana may confidence din ako katulad ni Fred na hindi takot sumubok. Men I was really coward and I hate it!
Natatawa akong sapo ang mukha kong sinampal niya ng very light. Medyo nagising ako.
“Ganito huwag muna tayong maglaro ng computer games ngayon uwi ka na lang muna sa inyo at magpahinga at magisip-isip. Suggestion ni Fred. And we parted ways siya na may sundo ng car ng kanyang pamilya ako na magbibike lang pauwi.
Laman pa din ng isip ko ang suggestion ni Fred.
Siguro nga dapat magstep-up na ko tigilan ko na ang pagiging duwag at ang kaalan ko ng tiwala sa sarili.
Sorry Al.. kung ang duwag natin… (I told myself)
Habang nagbibike ako may nakita akong isang imahe ng babae na pinaliligiran ng mga kabataang mukhang gangster, I was so curious kaya lumapit ako.
I mean hindi ako mahilig sa gulo as if naman makipagrambulan ako. Kahit matangkad ako I’m not good in self defense. Remember nung grade school I was saved by Fred. Never kong naipagtanggol ang sarili ko sa mga bullies. I end up backing off ayaw ko ng maging komplikado ang lahat. Mas maiging tahimik ka na lang.
I was shocked ng makita ko si mukhang 11 years old girl.
Nakita ko si Miya, of all people bakit siya pa? mga ganitong sitwasyon ko pa siya makikita. Gusto ko pang mabuhay ng mahaba haba.
Is she having a fight with random people? I mean mag-isa lang siya? Asan na yung gang niya?
I’m not afraid of you. Matapang niyang sabi sa lalaking mukhang goons.
In my mind was telling me tulungan mo, another tells me huwag na yaan mo na lang di ka naman magaling lumaban.
I don’t know pero yung adrenaline rush ko bigla na lang akong bumaba sa bike ko at sinalo ang suntok na dapat sa kanya.
Ako ay napaupo at tumulo ang dugo sa ilong ko.
The next thing I know is nawalan na ko ng malay. Is it the last day of my life? Bakit naman kasi nakialam pa ko,? nananahimik lang ako. I should step away but look at me acting so brave like tapang mo boy?
Why I’m acting like a hero pero alam ko naman di ko marunong lumaban? Bakit kasi itong babaeng ito naghahanap ng away kung saan-saan? Pwede bang mabuhay ng payak lang? Bakit kailangan pang magaangas kung pwede naman maging normal na tao?