Baka pwede pa...
" Good morning Hon, um... I prepared you lunch" Bati ko kay Kyro at iniabot sa kanya ang lunchbox
Nakabihis na sya pangtrabaho ng bumaba sya. Malamig na titig lang ang sinikli nya sakin.
"Thanks" Malapad ang ngiti ko ng sambitin nya yon
"But no thanks...I don't need that" Walang pasintabi nyang sambit dahilan ng pagkadismaya ko at nawala ang ngiti ko.
Pagkatapos sabihin ang mga salitang yun ay iniwan nya na akong masama ang loob.
Hindi ko alam ang dahilan pero nagising na lamang akong ganun na ang trato nya sakin.
Btw, I'm Ceille and Kyro is my boyfriend for already 5 years but this time di nako sigurado kung tatagal paba kami. Nilagay ko nalang sa ref ang baon na hinanda ko para sa kanya.
"Argh"
Napadaing ako ng masagi sa ref ang braso ko. Tiningnan ko ang pasang nasa braso ko. Nanubig ang mga mata ko ng maalala ang nangyari nung nakaraang gabi. It was the first time na sinaktan nya ko.
Naalarma ako ng biglang sumakit ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga. Agad kong dinukot ang gamot na nasa bulsa ko at kumuha ng tubig at ininom ang gamot.
I have a heart failure but Kyro doesn't know it yet. How am I supposed to tell him kung ganun ang pakikitungo nya sakin? Baka isipan pa nyang nag-iinarte lang ako para makuha ang atensyon nya.
Pero...baka naman may chance pa? Susubukan kong ayusin baka pwede pa...sana nga pwede pa
Nang umayos na ang pakiramdam ko at umakyat na'ko sa kwarto ko at nagbihis dahil may meeting ako ngayon kay Dr. Mishima about sa condition ko. Hoping na maganda ang balita sakin, di pa ako handang mamatay...lalo na ngayon
Nandito na'ko ngayon sa harap ng Taemin Medical Hospital. Nagpalinga-linga ako sa paligid dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sakin pero wala naman. Tanging mga sasakyan at mga taong papasok sa hospital na may sari-sarili ring mundo ang nakikita ko.
Baka masyado lang akong nag-iisip. Diko nalang pinsansin yun at tumuloy na sa hospital. Naglakad ako hanggang sa makarating na ako sa opisina ni Dr. Mishima, kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok.
"Good morning doc" Nakangiti kong bati rito
"Good morning din sayo Ms. Kamiro, please take a seat" Bati nito pabalik at giniya ako sa upuan
May kinuha sya sa drawer nya at inabot yun sakin. Dinig ko ang buntong-hininga nya bago sya magsalita.
"I don't know if it's a good idea to tell you this now but, I think it's better na malaman mo ito ng mas maaga since it's all about you" Aniya at umayos ng upo
"Lumalala na ang condition mo to the point na... I'm sorry pero mas maganda sigurong sulitin mo na ang mga natitirang araw mo, I don't want to give you some false hope but I'm doing my best na makahanap ng donor mo but for now wala pa talaga" Mahabang paliwanag nito
Anong ibig nyang sabihin na sulitin na ang mga araw ko?