*
Dilat na dilat ang kulay abo kong mga mata habang siya'y marahang nakapikit habang hinahalikan ako ng marahan. Na kalaunan ay natutunan ko rin.
I don't know if it's the alcohol or this man's lips, but, I actually gave in.
I absentmindedly kissed him back! He moaned when I did, "f**k, princess. You're making me crazy." Mariin niyang utas bago ako hinapit pa lalo at hinalikan ulit. Ngayon ay may rahas na at pagkasabik!
Nakipaglabanan ako ng halikan sa kanya. His hands were all over me and my hands are clutching his collar, pulling him closer to me. Hanggang sa iniangat niya na ako at ipinatong sa isang lamesa sa top deck. Umangat ang palda ko, pero, wala na akong pakialam roon!
"Oh!" He touched my boob and caressed it tenderly while kissing my neck. Halos sabunutan ko na siya dahil sa ginagawa niya. Napaungol ako nang kinurot niya ang aking n****e.
He kissed me to drown my moans. Naka-spaghetti strap ako kaya mabilis niyang naibaba ang damit ko. Naka-thin padding lang ako at walang bra kaya mabilis niya 'yong naangkin gamit ang kanya mainit sa bibig!
God! No one has ever touched me there! Nor kissed me there! Kaya grabe ang init na nararamdaman ko!
Is this it? Ito na ba 'yong kinababaliwan ng mga tao? Kaya ba gustong-gusto nila ng s*x dahil ganito kasarap 'yon?
Halos mabaliw na ako sa ginagawa niya sa dibdib ko. But, when his hand touch me down there, I lost my mind!
"Oh!" I moaned so hard I think I disturbed the whole ocean.
He chuckled, "You like that, hmm? Princess?"
Hindi ko na alam kung ano ang mas pagtutuonan ko ng pansin. 'Yong nga halik niya sa dibdib ko o 'yong paghaplos niya sa p********e ko?
Nababaliw na ako sa nararamdaman ko! Hindi ko na yata kaya!
Napanganga na ako at napaliyad dahil sa ginagawa niya sa akin. I moaned again ang grinded myself on his fingers. Dama ko na basang-basa na ang panty ko. Bahagya akong nahiya, pero, naitapon ko na yata ang hiya ko sa dagat nang napaungol ako ng malakas!
Iginilid niya ang panty ko at hinawakan niya ang akin habang hinahalik-halikan ang leeg ko.
"Putangina," malutong kong mura nang marahan niya akong hinaplos roon, "Ah!" Ungol ko ulit.
He chuckled sexily on my ear, "Ah... my princess likes it." Aniya, "I like your moans so much, Princess. Come for me." Aniya na hindi ko naintindihan, pero, bigla niyang binilisan ang paghaplos sa akin.
"Ah! W-wag... na... ah!" Ungol ko. Pipigilan ko sana siya dahil parang naiihi ako, pero, biglang nayanig ang buong mundo ko, "Ah!" Ungol ko at para akong nabingi.
Shet! Ano 'yon?
Hingal pa ako at nanghihinang nakahilig sa lalaking gumawa sa akin non nang tumawa siya ng bahagya, "Don't sleep on me now, Princess. I still want to taste you--" hindi niya na natapos pa ang sasabihin dahil biglang may bumukas na pintuan sa malayong gilid.
"Kuya Bari?" Anang isang boses ng lalaki na nagpagising sa akin.
Shit! Ano bang ginawa ko? Anong nangyari!? Bakit pumayag ako na gawin sa akin 'yon nitong lalaking 'to? At Bari? Si Sir Bari?
What the f**k!?
Mabilis kong itinulak ang lalaking gumawa sa akin non. Tinakpan ko ang dibdib ko at mabilis at walang pag-aalinlangang umalis sa lugar na 'yon.
Eekis-ekis ako at hingal na hingal nang makalabas ng barko. Inayos ko ang damit ko at ang panty ko. Napapikit ako nang maramdaman ang panglalagkit ng p********e ko. At bukod pa roon ay ang sobra-sobrang pagkakahilo ko.
Tangina! Napasobra yata talaga ako ng inom!
And what the f**k was that, Chaerin Margarette!? Bakit ka pumayag na gawan ka ng ganoon ng isang stranger? At talagang si Sir Bari pa na babaero, ah! My goodness! Puputi ang bulbol ko sayo, self, eh!
Sumandal ako sa dingding at hinilot ko ang sentido ko. s**t. Lasing na nga ako! Bukod sa marami akong nainom ay pumayag pa akong gawan ng kung anu-ano!
"Huy!"
"Ay bulbol!" Sigaw ko dahil sa sobrang gulat ko kay Isang na natatawa-tawa pa dahil sa pagkakagulat ko.
Sinundot niya ang tagiliran ko, "Uyyy! Di pa siya nag-she-shave! Iniisip mo 'yung makapal mong bulbol, no?" Natatawa-tawa niyang utas, "Bulbulin 'to!"
Natawa na rin ako at umirap pero kaagad ring nahilo, "For your information, wala akong bulbol! Hindi ako tinutubuan ng ganoon!" Proud kong utas. Halos nakapikit na ang isang mata.
Humagalpak naman ng tawa si Isang, "Hala! Seryoso?" Natatawa niyang tanong.
Tumango naman ako, "Oo nga!" Natatawa na rin ako.
"Sana all, pala!" Aniya sabay tawa ulit.
I faked a disgusted face, "Ewww! Bulbulin 'to!" Pangaasar ko.
Lalo lang siyang natawa. Ito ang gusto ko kay Isang eh, hindi pikon kahit pa below the belt na ang pang-aasar. Lalo ka lang niyang aasarin!
"Oy! Por yor paking impormeyshon! Ket bulbulin ako, mesherep pe ren eke!" Pabebe niyang utas.
Humagalpak ako ng tawa at tumayo ng diretso kaso bigla akong nahilo kaya napahawak ako sa kanya. Hinila niya naman ako patayo, "Naku! Lasing ka na, noh? Tara na, uwi na tayo. Pwede na daw sabi ni Samson eh. Balik na lang daw tayo bukas at magdala na raw ng maraming damit. Dahil.... Approved na daw tayo ng may-ari! Official waitresses na raw tayo rito sa resort, Chaerin!" Excited niyang sabi habang inaalog-alog ako.
Tinulak ko siya palayo sakin, "Ngina naman, Isadora Mejia! Nahihilo na nga ako, inaalog-alog mo pa ako!" Reklamo ko bago humawak sa railings ng barko. Pero, ang gaga, tinawanan pa nga daw ako!
"Tara na!" Aya ni Isang. Sumangayon na lang rin ako dahil hindi ko na rin alam ang gagawin. Hilong-hilo na ako at nanlalagkit pa!
"Ang lagkit!" I groaned at the feeling.
"Anong malagkit?" Takhang tanong ni Isang nang makapasok kami sa elevator.
Ngumisi ako, "Wala! Chismosa!" Natatawang utas ko kahit pa sa loob-loob ko at kinakabahan ako. Baka kasi pag nalaman niya, kung anu-ano na naman sasabihin niya! Chismosa pa naman 'tong si Isang--
"Hoy! Oo nga pala!" Aniya nang biglang may naalala, "Hinila ka ni Sir Bari kanina, ah! Nakita namin 'yon!!" Kilig na kilig niyang utas at nagpapapadyak padyak pa nga daw.
Napapikit ako ng mariin. Of course. Bakit pa nga ba ako nagtakha? Eh, naglalakad na chismis at issue 'tong si Isang eh!
"May nangyari, no??" Excited niyang tanong at tumili pa, "Kaya ba malagkit?! Punyemas, Chaerin Margarette! Magsalita ka! Ano???" Kating-kati niyang tanong pero umiling lang ako.
"Wala! Walang nangyari!" Mariin kong utas at pumikit. Patuloy lang siya sa pagtatanong, pero, hindi ko na lang siya pinansin.
Nang makalabas sa elevator ay inalalayan na ako ni Isang. Nakaabang na rin si Samson sa amin. Nakatayo siya sa tabi ng isang coaster at kausap ang isang matangkad at gwapong lalaki. May kamukha siya.
Naka-itim na long sleeves na tinupi hanggang siko. Bukas ang unang tatlong butones ng damit niya, nagpapakita ng ma-muscle at medyo mabalbon niyang dibdib. Naka-clean cut ang lalaki, pero, kitang-kita ang kanyang stubbles. Kumikinang rin ang kanyang diamond earring.
May kamukha talaga siya eh! Pero, hindi ko na lang pinansin. Ang naiisip ko na lang ay ang pagkakahilo ko at ang pagtibok ng ulo ko dahil sa sakit.
"Naku, maraming salamat po, Sir Aris! Makakaasa po kayong babalik silang lima bukas ng gabi!" Ngiting-ngiting utas ni Samson doon sa lalaking kausap. Nang napalingon siya sa amin ay nagliwanag ang mukha niya at pumalakpak pa nga, "Ito na pala sina Isang at Erin, eh!" Tuwang-tuwang utas niya at lumapit sa amin.
Inalalayan pa ako dahil pa-ekis na akong maglakad, "Ayos ka lang ba, Erin?" Nagaalalang tanong na ni Samson ngayon.
Umiling ako at kaagad na nagsisi dahil lalo lamang akong nahilo, "Nahihilo ako, Samson." Reklamo ko at napapikit ng mariin. Pucha! Parang may umaakyat.
"Maybe you guys should stay here." Anang lalaking kausap ni Samson kanina, "Madaling araw na at baka mapano pa ang kaibigan niyo. Marami kaming kwarto sa bahay. Doon na kayo mag-stay." Pagpapatuloy niya. Nagmulat ako at nakita kong nakalapit na siya at umaambang aalalayan ako.
Nakita ko rin ang pagsulyap niya sa mga umaalalay sa akin. May kamukha talaga siya! Hindi ako pwedeng magkamali--
Napapikit ulit ako nang maramdamang may umaangat talaga! Nilunok ko na lang ulit kahit medyo mapait. Hindi ako pwedeng magkalat dito!
May humawak sa braso ko kaya napamulat ako at kaagad kong nakita 'yong lalaking kausap ni Samson na may kamukha talaga!
"Dito na kayo magpalipas ng gabi." Ulit niya.
"Hindi na po, Sir." Ani Isang sa isang kalmadong tono na hindi niya madalas ginagamit kaya napalingon ako sa kanya, pero, kaagad rin akong napapikit. Narinig ko ang maliliit na mura ni Isang habang inaalalayan pa rin ako, "Pasok na kita sa coaster, Chaerin." Aniya bago ako inalalayang maglakad patungo kung saan.
"Naku! Hindi na po, Sir! Besides, nakapangako po sila na uuwi sa kani-kanilang mga bahay. Babalik naman po sila bukas." Paliwanag ni Samson.
"But, your friend--"
"Aris." Tawag ng isang pamilyar na boses.
"Kuya." Sagot naman ng huli.
Tumahimik ang lahat kaya medyo na-curious ako. Lilingon sana ako, pero, naramdaman kong na lalamunan ko na ang pag-angat ng kung ano.
"I told them to just stay here for the night. Besides, this lady's very drunk--" naputol ang sinasabi nung lalaki at nawala rin ang pagkakahawak niya sa braso ko. Na mabilis naman napalitan ng mainit na kamay sa beywang.
"Are you okay?" Pabulong ngunit mariing tanong ng isang lalaki malapit sa tenga ko. Naramdaman kong inayos niya pa ang palda ng dress kong umaangat.
Umiling ako at nagmulat, pero, lalo lang akong nahilo. Kumunot ang noo ko sa mukha ng lalaking nasa harap ko, "Di ba... ikaw 'yung???" Litong tanong ko, pero, naduwal ako.
Tangina, nasusuka ako! Shet!
Tinanggal ko ang pagkakahawak nung lalaki sa akin dahil nasusuka nga ako, pero, ang gagong 'to parang hindi makaintindi!
"Bitaw." Nanghihina kong utas.
"Chaerin!" Nagaalalang tawag ni Isang. Hahawakan niya sana ako kaso umiwas ako at nagpatuloy sa pagpupumiglas.
"Putangina! Bitiwan mo nga sabi ako! Ano ba!?" Iritado kong sigaw at tinulak-tulak na ang lalaki.
"Erin!" Tawag ni Samson.
"Kuya." Tawag naman nung lalaking tinatawag ni Samson na Sir Aris.
Pumiglas ulit ako pero lalo lang niya akong nilapit sa kanya, "Matutumba ka kapag binitawan kita." Mariin niyang utas kaya umiling ako na kaagad kong pinagsisihan dahil--
Tilian ang huli kong narinig bago nagdilim ang paligid.
I woke up feeling groggy as f**k. Sobrang sakit ng ulo ko at pakiramdam ko'y nasa tubig ako. Umiikot ang paningin ko nang magmulat ako kaya pumikit ulit ako.
Hinawakan ko ang kumikirot kong ulo, "Tangina..." mura ko bago dumapa at nagtalukbong.
"HOY BRUHILDA! GUMISING KA NA AT TANGHALI NA!"
I groaned when I heard Isang's voice. Tsk. Ang aga-aga, bunganga kaagad ni Isang ang naririnig ko.
"Ang ingay mo, Isadora." Reklamo ko bago nagtakip ng unan sa ulo.
"Dugyot ka naman!" Balik niya sa akin na ipinagtakha ko.
Nilingon ko siya kaagad. Nagulat pa ako dahil kulay green 'yung mukha niya. Tsk. Ano na naman kayang trip nitong isdang 'to?
Umirap ako, "Ulul. Anong dugyot?" Iritado kong utas.
Ginulo niya 'yung magulo niya nang buhok, "Sinukahan mo lang naman si Sir Bari kaninang madaling araw. Bruha ka!" Iritado niyang utas. Medyo nag-crack pa 'yung face mask niya.
Nanlaki ang mga mata ko, "Hoy, g-gago! Wag ka ngang magbiro ng ganyan!" gulat na utas ko.
"Hindi ako nagbibiro, inamoka! Legit! Oo! Nasukahan mo nga si Sir Bari kagabi! Nakakahiya ka!"
"B-Bari!?" Gulantang na tanong ko, hindi pa rin makapaniwala.
"Oo! The Barivendus Ardel Goncalvez Diez Valero! The first born of the Diez Valeros! One of the owners of Isla de Diez Valero! The owner of those two golden cruise ships! Oo! Punyemas ka! That Bari!" Gigil na gigil niyang utas.
Napatanga ako sa kawalan at napapikit nang biglang bumuhos ang ala-ala ng nangyari kahapon at kagabi!
Naparami ang inom ko. Hinila ako ni Sir Bari. Tapos... alam niyo na. Dinaliri niya ako ng bonggang-bongga. Hehehe. Tapos...
Shit.
"Buti na lang at mabait naman sila Sir Bari at hindi ka pinatulog sa selda! Bwisit kang bruha ka! Hindi ka na iinom ulit, ah!" Iritadong utas niya. Na siyang pinagtatakha ko. Hindi 'to mapipikon ng ganito kung hindi totoong nangyari.
Baliw-baliw 'tong si Isang, pero, hindi naman sinungaling ang pinsan ko.
Sobrang sakit ng ulo ko sa kakaisip ng mangyayari mamayang gabi! Babalik ako. Oo! Babalik talaga ako!
Mag-so-sorry ako... tapos, di na ako ulit magpapakita!
Shet! Tama naman, diba? Eh, kayo ba!? Anong gagawin niyo kung sa inyo mangyari 'yung nangyari sa akin!? Anong gagawin niyo!? May mukha pa ba kayong ihaharap?
Punyemas! Mag-mask kaya ako mamaya? Eh, kaso, paano naman niya ako makikila!? Bobita naman, teh! Kaya ka nga pupunta roon para mag-sorry, diba? Myghad, Chaerin Margarette! Isa kang kahihiyang tinubuan ng tao!
"Hala! Lumayas ka na at magpapaalam ka pa kay tita Marj!" Iritadong utas ni Isang bago ako hinila patayo.
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya, "Mag-papaalam?" Takha kong tanong.
She gave me this 'bobita ka, ghOrL' look, "Shungaks! Di mo ba narinig 'yung usapan kagabi?"
Lalo akong naguluhan, "Anong usapan?"
"Hala, ghOrL, may amnesia ka na?"
"Tangina kasi, di na lang sabihin!" Iritadong sabi ko.
"Wak ka kakalit." Pangaasar niya pa lalo kaya inambahan ko na ng unan. Mabilis naman siyang umilag at tumakbo palayo, "Charot lang, cyst! Ano, kasi, stay in tayo for two months sa resort, diba?" Aniya na para bang alam ko rin ang mga pinagsasasabi niya.
Natigilan ako sa sinabi niya, "S-stay... in?"
Tumaas ang kilay niya, "Oo... diba?" Medyo naguguluhan niya rin tanong.
I grimaced at her, "ANONG STAY IN!?" Gulantang kong tanong.
Napanganga si Isang at biglang napa-face palm, "Ay shet. Lumalandi ka nga pala kagabi nung nag-usap-usap kami nina Samson!" Aniya na para bang ngayon niya lang napagtanto ang lahat.
"What the f**k!?" Gulat kong utas.
Huminga niya ng malalim, "Oo, cyst! Stay-in tayo! Nakapagpaalam na rin ako kay motherbells. At syempre, ang tenga ni mudra, pumapalakpak na naman. Naku, Donya Ursula Mejia na naman siya after two months!" Aniya bago humalukipkip, "At oo nga pala! Hindi na kita natanong ng maayos kagabi dahil lasing na lasing ka na! Saan kayo nanggaling kagabi ni Sir Bari!? Bruhilda ka, ha!? Anong ginawa niyo ni Sir Bari? Bumigay ka na ba!?" Sunod-sunod niyang tanong.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, "A-ano bang p-pinagsasasabi mo!? Walang ganon na nangyari! Pwede ba! Hindi ako ganong klase ng babae!" Iritado kong utas kahit pa pinagpapawisan na 'yung kili-kili at singit ko.
"Eh, ano 'yung malagkit?" Taas kilay na tanong ni Isang.
Napalunok ako sa tanong niya, "A-anong m-malagkit?" Kinakabahan kong tanong.
Pero, ang gaga, tumawa lang, "Hay naku, Erin. Para kang constipated!" Natatawa niyang utas, "Wag mo nang pansinin ang tanong ko at umuwi ka na! Kakausapin mo pa si tita Marj about sa pag-s-stay-in!" Aniya kaya kumunot ang noo ko.
Oo nga pala!
Umismid ako, "At sinong may sabing payag ako sa stay-in!? Ha!?"
Napalunok dahil sa kaba. Nakailang buntong hininga na rin habang nag-la-labin-dalawang isip. Lampas trenta minutos nako dito sa bakery nila Ante Lolet. Naka-limang pan de coco, tatlong ensaymada at dalawang mountain dew nako at pakiramdam ko kapag hindi pa ako nagdesisyon ngayon, magiging diabetic na ako.
News flash: Babae, nagka-dyabetis nang dahil sa takot niyang magpaalam sa nanay niya.
Hay naku! Bakit ba kasi lamon ako ng lamon kapag kinakabahan eh!? Tapos, ang napagtripan ko pang lantakan ay 'yung matatamis! Hays! Kainis!
Natutulala pa ako!
Hindi ko kasi alam kung papayagan ako o hindi eh.
Alam niyo naman ang mga adventures ng ina namin, diba? Kada lalayas para mag-trabaho, pag-uwi, jontis.
Hindi ko naman sinasabing ganon din ang kalalabasan ko, pero, kasi, malamang sa malamang, 'yon ang magiging dahilan ng hindi niya pag-payag.
Pero, kasi... sayang!
Naisip ko rin si Sir Bari. Mag-so-sorry na lang ako sa kanya at gagawin ko ang lahat para hindi mag-tagpo ang landas namin!
Eh, ang kaso, ghOrL, siya may-ari nung resort, diba? Kaya pano mo maiiwasan? Ha?
Ang cute-cute mo kamo. Para kang keychain, ang sarap mong isabit!
Haysss! Bahala na nga si Pacman!
"Unnieeeeee!"
"Ay, Pacman!" Gulat kong sigaw nang biglang may sumigaw at yumakap sa tagiliran ko.
Nilingon ko ang yumakap sakin at nakangiting sumalubong sa akin ang madungis na mukha ni Cia.
Napailing ako. Hindi na naman pinaliguan 'tong bata! Si Ryuichi Angelo Koizumi naman talaga, oo! Napailing na lang ako. Kailan kaya sasapian ng kasipagan 'yung kapatid ko na 'yon!?
Masipag naman si mudrakels. Masipag din naman si papa Ryuga. Masipag nga lang mambabae!
Or kahit sina Samorn!? Sarado ang karinderya kapag linggo ah! Ibig sabihin kumpleto sila dyan sa bahay!? Di man lang mapaliguan 'yung bata! Papagalitan ko talaga sila mamaya!
Nginitian ko ang kapatid ko at hinila papunta sa harapan ko. Hinaplos ko ang pisngi niya, "Kumain ka na ba?" Kaagad na tanong ko.
Tumango-tango naman siya, "Opo, Unnie!" Tsk. Pinakain, pero, hindi pinaliguan? "Pinakain na po ako ni Dichi." Aniya sabay kuha sa ensaymadang hawak ko.
Pabiro ko siyang tinignan ng masama, "Akala ko ba kumain ka na?" Tanong habang pinaniningkitan ko siya ng mata.
Humagikgik lang siya bago kumagat sa tinapay. Umiling na lang ako at bumili pa ng sampong malalaking ensaymada, sampung pan de coco at dalawang litro ng coke.
Kinuha ni Cia ang isang supot ng ensaymada sa kamay ko, "Lika na, unnie!" Aya ni Cia sa akin kaya sumunod na lang rin ako. Bahala na talaga si Pacman!
Dichi ang tawag ni Cia kay Meilin. Dichi is second older sister in Chinese.
Hindi ko rin alam kung bakit bigla na lang naging ganoon ang tawag sa amin ni Cia. Wala namang nagturo sa kanya. Mahilig lang talaga siyang magbasa at mangalikot sa tablet niya.
Speaking of tablet... may basag na nga pala ang screen ng tablet ni Cia. Mabilhan nga siya ng bago.
Napangiti ako. May maibibigay na ako kay mama at sa mga kapatid ko kahit paano. Kung babalik ako mamaya sa resort para mag-waitress ulit, kikita ulit ako ng sandamakmak! Kaya kailangan ko talaga mapa-payag si mudrakels!
Binuksan ni Cia ang gate at tumakbo na sa loob ng bahay, dala-dala ang isang supot ng ensaymadang binili ko para sa lahat. May dala rin akong soda. Hapon na kaya pwede nang mag-meryenda.
Alas-dos na ng hapon. Mayroon na lang akong tatlong oras para makumbinsi si mother earth. Nakuuuuu! Good luck sayo, ghOrL!
Narinig ko kaagad ang pag-uusap nila mama at ng mga kapatid ko. Nasa kusina sila at nagmemeryenda. Sakto lang ang bahay namin. Dalawang palapag, may balkonahe at maliit na garden sa likod kung saan nagtatanim ng mga gulay si mama. Wala ring harang ang kusina at salas kaya kitang-kita ko silang nilalamon ang ensaymadang binili ko.
Dumiretso na ako sa kanila para ibigay ang dalawang tig-isang litrong coke na binili ko rin. Pumunta ako kay mama para mahalikan siya sa noo. Ginulo ko naman ang buhok nila Sam at Yara.
Nilingon ko si Mei na kagagaling lang sa likod-bahay. Ngumisi si Mei sa akin at yumakap, "Ang taray! Nag-overnight lang, may pa-meryenda na si Achi!" Aniya bago binuksan na kaagad ang coke.
Kumuha naman ng mga baso si Sam. Si Yara naman ay busy sa pagbabasa habang kumakain na rin ng tinapay. Si Ryu ay nasa kwarto niya. Rinig na rinig ko pa ang magandang boses ng kapatid ko habang naggigitara.
"Ryuichi! May dalang tinapay ang ate mo! Bumaba ka na rito at kumain." Sigaw ni mama.
"Opo, mama!" Sagot naman ng kapatid ko bago ko narinig ang kalabog ng mga yapak niya sa likod ko, galing siya sa kwarto niya.
Lima ang kwarto dito sa bahay. Sila Mama, Cia at Ryu ang nag-ku-kwarto rito sa baba. Kaming mga babae naman sa taas. Magkasama sina Sam at Yara sa iisang malaking kwarto. Tig-isa naman kami ng kwarto ni Mei. Pero, kapag na-tripan nila ay tumatambay sila sa kwarto ko. Palibhasa sa akin ang may terrace. Maganda nga naman ang view ng mga berdeng bundok at asul na langit.
Palagi nga akong napapaisip eh. Sobrang taas at lawak ng mga bundok, hindi mo basta-bastang maabot. Pero, hindi nila kailanman narating ang kadulu-duluhan ng langit.
Umiling ako nang mabilis na kumuha ng tinapay si Ryu at tumabi pa nga sa akin!
Piningot ko 'yung patilya niya kaya nabitin 'yung pagkagat niya, "Awts! Oneechan!" Aniya at pilit na tinanggal ang mga daliri ko sa pagkakapingot sa patilya niya.
Tinanggal ko naman, "Ayan! Dyan kayo mabilis! Pero, kapag paliliguan si Cia, nagtuturuan pa kayo!" Pagalit ko sa kanila.
"Eh, ate! Si Shopao kaya nakatoka ngayon!" Reklamo naman si Ryu habang hinihimas ang patilya niya.
Kaagad namang umalma si Samorn, "Hoy, kuya Shoke--" na kaagad ring nabitin nang nilingon ko siya.
Tinignan ko ng masama si Samorn na pasimpleng nagtatago sa likod ni Meilin. Kaagad na tinulak ni Mei si Sam pero ayaw patalo ni Sam, "Luh, walang damayan, Shopao!" Ani Mei kay Sam.
Lalo naman nagtago si Sam sa likod ni Mei, "Eh, ate Shomai! Baka mabugahan ako ng apoy eh. Iitim ako lalo! Ikaw na lang! Tutal mas maputi ka pa sa gatas eh! Eh, ako? Pa-kape na!" Ani Samorn kaya natawa kaming lahat.
Nakasanayan na naming magkakapatid ang ganoong nickname kapag kami-kami lang.
Ate/Achi/Unnie/Oneechan - Erin. (Ako)
Sho-mai - Mei.
Sho-ke - Ryū.
Sho-pao - Sam.
Sho-sho(laki kasi ng boobs) - Yara.
Shobe - Cia.
Oh, diba? Ako lang matino. Haha! Subukan lang nilang lagyan ng kalokohan.
"Mga baliw! Kumain na kayo at paliguan niyo na si Cia!" Utos na kaagad nilang sinunod.
Pinagsaluhan nila ang mga dala kong pagkain. Ako naman ay umakyat na para magpalit ng damit at magpahinga saglit. Isang oras rin akong natulog bago naligo at nag-ayos.
Nag-denim shorts lang ako, puting v-neck shirt at puting sapatos. Sinuklay ko ang buhok ko at hinayaang nakaladlad pagkatapos ay naglagay ako ng color blue na ribbon. Para cute. Mukhang regalo. HUAHUA.
Naglagay ako ng moisturizer sa mukha. Sinuklay ko ang arko at maganda kong kilay bago nag cheektint at red matte lipstick. I pursed my lips twice and pouted. Para cute ulit. Mukhang pato.
Ang makapal kong pilik mata ay in-emphasize ang kulay abo kong mga mata, kaya hindi ko na kailangan ng kahit ano para sa mga mata ko.
I squirt some perfume on my neck and I'm all done!
Pagkatapos kong mag-ayos ay nagimpake na ako ng mga damit. Halos lahat ay pang-porma at iilan lang ang pang-bahay. Kasi, diba, pwede namang ulitin ng dalawang beses ang pang-tulog at pambahay?
Oh, bakit? Tamad akong maglaba. Sayang sabon. Sayang tubig. Sayang pagod.
Nang ma-satisfy ako sa isang maletang damit, isang malaking duffle bag at isang maliit na backpack ay napahinga ako ng malalim.
"Pwede na 'to. Ready na ang lahat," i said then smiled. Pero kaagad ring bumagsak ang balikat ko nang may maalala, "Pagpapaalam na lang kay mudrakels ang kulang! Jusmiyomiyomi! Sana talaga payagan ako!" Bulong-bulong ko sa sarili ko.
Galing ko, diba? Di pa ako pinapayagan, pero, ready na mga gamit ko. Hehehe. Advance tayo dapat mga erp.
Kanina kasi, habang naliligo ako, nakapag-desisyon na ako. Kahit anong mangyari, payagan man ako o hindi ni mama, sasama ako kila Isang. Hindi ko palalampasin ang pagkakataong ito dahil lang sa hindi kaaya-ayang pangyayari kagabi. Maliit na bagay 'yon kumpara sa maitutulong sa akin ng trabahong ito.
Makakapagpatuloy ako ng pag-aaral at makakatapos ako. Mapapa-aral ko ang mga kapatid ko nang hindi ginagalaw ang pera ng karinderya. Maipapaayos ko ang bahay namin.
Habang iniisip ko ang mga 'yon ay naluluha ako. Hindi ako makapaniwala na dahil lang sa pag-we-waitress ko sa Isla de Diez Valero ay mareresolbahan ang mga problema ko.
Tumataginting na eighteen thousand pesos ang kinita ko kagabi. KAGABI LANG. Sampung libo ang sahod at walong libo ang tip na galing sa mga nakausap ko kagabi.
Hindi ko rin maintindihan kung paano nagkaganon, pero, hindi na ako magtatanong o magrereklamo pa!
Tinampal-tampal ko ang pisngi ko habang nakatingin sa salamin. Huminga ako ng malalim at nag-'fighting' sign, "Kaya mo 'to, Chaerin Margarette Min! Ahu!" Pag-cheer ko pa sa sarili ko na parang wala namang epekto.
Napalunok ako. Hindi naman mainit, pero, halos pagpawisan ang kili-kili ko sa sobrang kaba.
Nakikini-kinita ko na kasi ang magiging reaksyon ni mama. Pakiramdam ko talaga hindi ako papayagan eh. Pakiramdam world war III ang kalalabasan kung ipipilit ko ang gusto ko.
Kung hindi naman papayag si mama, pwede naman akong tumakas. Pwede akong lumabas sa bintana ng kwarto ko. Mapipilayan nga lang ako kapag tumalon ako, pero, at least nakatakas ako, diba? Atsaka--
"Anak," tawag ni mama na nagpatalsik ng kaluluwa ko palabas ng katawan ko.
"Ay atsaka nga!" Gulat kong sigaw bago napalingon kay mama. Galing siya sa labas at seryosong-seryoso ang ekspresyon niya. Napalunok ako nang makita siyang matiim na nakatitig sa akin. Lalo akong napalunok, "M-m-mama!" Nauutal kong utas saka ngumiti pero nauwi rin sa ngiwi dahil sa nararamdaman ko.
Tinignan ako ni mama mula ulo hanggang paa. Napalunok ulit ako. Tangina. Kakabagin pa yata ako sa kakalunok ko!
Tumigil ang tingin niya sa mukha ko bago tumuro sa labas, "Nandyan si Isang sa labas." Ani mama dahilan para manigas ako sa kinatatayuan ko.
Literal na nanginginig ang tuhod ko at pakiramdam ko masusuka pa ako sa sobrang kaba.
Putangina! Nasan ang dragon mo, Chaerin!?
Shet ka, Margarette! Dragon lang ako, si Mama 'yung mommy dragon! Tutustahin ako ng buhay niyang kapag nalaman niyang--
"Sinusundo ka na para daw sa trabaho niyo. Bilisan mo na't anong oras na, baka ma-late pa kayo." Ani mama na nagpatigil sa paghinga ko.
"P-po?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Ngumiti si mama, "Nasabi na ni Isang ang lahat. Napaalam ka na niya. At naiintindihan ko, anak. Para rin sayo 'yan, kaya sige at papayagan kita. Tutal, alam ko namang hindi ka gagaya sa akin eh." Nakangiting utas ni mama na halos literal na nagpahina ng tuhod ko sa sobrang relief. Medyo naluluha pa ako.
Shet! Isadora Mejia, isang kang salbabida! Bida-bida ka talaga!
"M-mama..." tawag ko kay mama, pero, hinila niya ako at niyakap.
"May tiwala ako sayo, anak." Ani mama sa nagpaluha sa akin. Hindi ko talaga in-expect na papayagan niya ako. Akala ko talaga mag-oover the bakod pa ako!
"Thank you, mama." Bulong ko at niyakap siya ng mahigpit.
Tumango siya at humiwalay sa yakap, "Basta pa pag-uwi mo, pasalubong ang dala mo para sa akinat hindi apong aalagaan ko, ah!" Biro pa ni mama kaya natawa kaming pareho.
Pagkatapos noon ay tinawag na si Ryu para sa maleta ko. Si Meilin at Samorn naman sa duffel bag at sa akin ang backpack.
Umiyak si Cia nang malaman na mawawala ako ng dalawang buwan. Inalu ko siya sa pangakong palagi akong tatawag kaya huminahon naman siya kahit papaano.
"Oy, bata ka! Wag kang tutulad sa nanay mong haliparot, ah!?" Bilin ni lola Ara bago pinalo ang pwet ko.
Natawa naman ako bago siya niyakap, "Opo, lola." Sagot ko.
May ilang kapitbahay na naki-usyoso at naki-ba-bye na rin, kaya natawa ako. Pakiramdam ko kasi mag-a-abroad ako eh! Kahit ang totoo dito lang rin naman ako sa Pinas! HAHAHA!
Hinatid nila sa kami sa coaster na naghihintay sa amin sa kanto ng street namin. Pinasok na nila ang mga gamit ko sa loob ng coaster. Tatlo lang naman kami nina Leslie at Isang kaya kasyang-kasya naman. Nasa resort na raw kasi si Samson kasama sina Joy at Kakay.
Kinausap ko si Meilin at inabot sa kanya ang envelope na may lamang sahod ko. Binigay ko sa kanila ang seventeen thousand at tinira sa akin ang isang libo para pambili ng iilang pang-hygiene ko.
"Bigay mo kay mama ang sampung libo pagkaalis ko. Yung pitong libo, paghati-hatian niyo. Bilhan mo ng bagong tablet si Cia at bigyan mo ng baon sina Ryu, Samorn at Yara, okay?" Bilin ko kay Meilin na naluluha na rin, "Magpapadala ulit ako sa Linggo. Sayo ko ipapadala, ah? Tapos ganon ulit ang gawin mo, okay?"
Lumunok siya at tumango-tango bago ako sinugod ng yakap, "Achi..." bulong niya bago humikbi.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang sarili kong wag umiyak. Umiyak na rin kasi ang mga kapatid ko, kahit si Ryu.
Ito kasi ang unang pagkakataon na magkakalayo kami ng matagal na panahon. Kahit pa dalawang buwan lang naman. Hindi kasi kami sanay na hindi magkakasama.
"Hoy, wag niyong kakalimutang paliguan si Cia, ah! Kakaltukan ko kayo!" Biro ko na natawa naman sila kahit papaano. Pero, naiiyak pa rin.
Niyakap ko ang mga kapatid ko at niyakap ko ulit ang naluluhang si mama bago ako pumasok sa coaster. Huli kong nakita si Cia na umiiyak habang karga-karga ni Ryū. Humahabol si Cia sa coaster na sinasakyan namin. Nagwawala na siya kaya naman kinuha na siya ni Yara at inalu.
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Bumuhos ang luha ko habang tinatanaw ang pamilya kong unti-unting lumiliit sa paningin ko. Tinakpan ko ang bibig ko nang napahikbi ako.
I'm sorry, ma. I'm sorry, Mei, Ryu, Sam, Yara and Cia. Para sa atin rin 'to. Sana maintindihan niyo itong gagawin ko.
Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Isang. Hinagod niya ang likod ko at nilagay ang baba niya sa balikat ko, "Cyst, kaya mo 'yan. Kayanin mo. Nandito lang ako." Aniya bago ako niyakap sa tagiliran.
Patuloy ako sa pag-iyak. Sumandal ako sa bintana habang tinatanaw ang paligid hanggang sa hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako sa biyahe. Sobrang hapdi ng mga mata ko nang magising ako at muli akong naluha nang maalala ko ang pamilya ko. Pero, huminga na lang ako ng malalim at tinatagan ko ang sarili ko.
Para sa amin rin naman ito at pakiramdam ko'y magiging worth it naman ang lahat.
Celine Guevarra | celinedipityyyyy