Pagkababa pa lang namin ng coaster ay may kaba na akong naramdaman. Hindi ko alam kung bakit, pero, biglang kumabog ang dibdib ko.
"Mga p**e!" Bati ni Samson na siyang ikinatawa namin. Medyo nawala ang kabang nararamdaman ko. Bineso niya kami at sinabihan na magbihis na para sa gabing 'to.
Kaagad kaming sumunod. Dinala kami sa isang villa sa likod lang ng resort, malapit sa restaurant at sa napakalaking barko. Nakakasilaw ang kinang ng barko na halos mag-shades ako dahil hindi ko matagalan ang liwanag nito. Parang may araw sa gabi. Ganon kaliwanag!
Shet. Magkano kaya bayad nila sa kuryente dito?
Napanguso ako nang hinagod ko ng tingin ang suot kong damit. Naka-burgundy halter top velvet romper ako. Pinahiram sa akin ni Joy. Mabuti na lang at medyo magka-size kami. Medyo masikip nga lang sa hinaharap. Low V neck ang damit at kitang-kita ang cleavage ko, pero, okay lang naman. Hindi naman masyadong malaswang tignan. Hapit na hapit nga lang sa katawan ko.
Velvet kasi ang theme namin ngayon gabi. Ganon na daw kasi ngayong official na waitress na kami, kailangan daw may theme or dress code kami. Napag-usapan na rin namin ang mga susuotion namin para sa buong linggo.
"Alright, girls. Let's do our best tonight, again, okay?" Simpleng bilin ni Samson sa amin. Um-oo kami at isa-isa nang lumabas, pero, nahinto nang may humarang sa aming isang kalbong kasing katawan at kamukhang-kamukha ni Samson. Naka-suit siyang kulay itim ay may parang ear-piece.
"O, Goliath, my twin brother! Anong kailangan mo sa iyong twin sister?" Malanding tanong ni Samson sa kakambal niya pala!
Umismid si Goliath kay Samson at inilibot ang tingin sa amin, isa-isa hanggang sa huminto siya sa akin, "Sumama ka sa akin. Pinapatawag ka ni Sir Bari." Matigas na utas nito.
Napanganga ako sa sinabi niya.
PUTANGINAAAAA!
ITO NA NGA BA ANG SINASABI KO EH!!!!
"Hala ka, Erin!" Pananakot ni Joy. Natakot naman ako. Kinilabutan ako. Hindi naman ako natatae.
"Naku! Ayan na nga ba sinasabi ko eh!" Natatarantang utas naman si Leslie kaya napalunok ako.
"Baka paglalabahin lang naman siya nung nasukahan niya?" Ani Kakay.
"Alam mo, Kakay, ang cute mo. Sarap mong gawing keychain." Iritadong utas ni Isang bago ako nilingon, "Baka kakausapin ka lang naman, cyst. Sige na. Punta ka na." Ani Isang na lalong nagpakaba sa akin.
Tangina naman eh!
Huminga ako ng malalim at naglakad na papalapit kay Goliath. Agad naman siya tumalikod at naglakad palayo.
"Good luck sayo, ghOrL!" Pag-cheer pa ng mga bruha! "Sana kayanin mo! Malaki raw 'yun eh!"
Nilingon ko sila at pinakyuhan kaya nagtawanan sila.
Tahimik kaming dalawa ni Goliath sa loob ng elevator. Nanliliit ako habang nakatingin ako sa likod niya. Mas malaki siya kumpara kay Samson. Si Samson kasi mataba at ma-muscle, itong si Goliath naman, malaki at ma-muscle. Pati mukha, mukhang matigas, mukha hindi kaagad tutumba kahit mga sampung sapak at tadyak pa 'yan!
"Nandito na tayo."
"Ay sampung sapak!" Gulat na utas ko nang biglang nagsalita si Goliath, "Kakagulat ka naman, kuya!" Ani ko.
Yumukod siya ng bahagya, "Pasensya na." Hingi niya ng tawad, "Pumasok ka na. Kanina ka pa hinihintay si Sir Bari." Aniya na walang emosyong tono at nilahad sa akin ang pinto ng elevator para makalabas na ako.
Napanguso ako at bumalik ang kaba ako. Jusmiyomiyomi! Ano ba 'tong pinasok ko!?
Tumango na lang ako at lumabas na. Napanganga ako sa nakita kong mga palamuti at isang malaking glass door. Kitang-kita ko ang repleksyon ko. Kitang-kita ko rin kung gaano ka-hapit ang damit ni Joy sa akin.
Nilingon ko si Goliath para sana magtanong kaso kaagad siyang may pinindot para sumara ang elevator. Pinagmasdan ko munang bumaba ang elevator ng ilang segundo bago ko nilingon ang isang malaking pinto sa harapan ko.
Huminga ako ng malalim bago kumatok ng dalawang beses at binuksan ang pinto.
"Akala ko tatanga ka na lang dyan sa labas hanggang bukas eh." Anang boses na pamilyar na pamilyar sa akin, "Ang tagal mo. Sayang oras ko." Aniya kaya kaagad kong hinanap kung saan naggagaling ang boses. Pumasok na ako ng tuluyan at sinara na ang pinto.
Nahanap ko siyang nakaharap sa floor to ceiling na glass wall at tinatanaw ang makinang sa gintong barkong pag-aari niya raw.
Napanganga ako at halos pasukan ng langaw ang bibig ko nang bigla siyang lumingon sa gawi ko.
The light gave his image a heavenly scenery. It's like the heaven's gate opened and an angel is welcoming me with arms wide open. It's like I'm staring at a Greek God from Mount Olympus. He is Adonis personified. A gift for women indeed.
He looks obscenely gorgeous! Well toned body. Long legs. Halos pumutok na 'yung puting dress shirt niya dahil sa laki ng braso niya. And his face... Shet! Kanin na lang ang kulang!
Tutulo na yata 'yung laway ko kaya sinarado ko na 'yung bibig ko at lumunok na lang.
If I were to describe him, he looks like the young Leonardo diCaprio. With the stubbles and man bun. With hazelnut eyes and devilish snob face. Parang kapag nginitian niya ako, malalaglag 'yung panty ko. His aura screams danger and looks like I have no plans on retrieving. Sobrang gwapo niya at ang sarap titigan.
Nakita kong bumuntong hininga siya kaya bumalik ako sa ulirat, "I guess masasayang ang oras natin pareho kung tutunga tayong dalawa sa isa't isa," aniya bago binaba sa lamesang malapit ang isang pandak na basong dala-dala niya pala.
Dahan- dahan siyang lumapit sa akin at kaagad akong nanigas sa kinatatayuan ko. Gusto kong tumakbo palayo, pero, hanggang sa nakalapit na siya ay naninigas pa rin ako sa kaba.
"I want us to talk." Seryoso niyang utas bago tuluyang humarap sa akin.
Napalunok ako, "T-tungkol saan po?" Nanginginig na tanong ko.
He smirked at me, "About what happened last night. I want to take full responsibility of what I did to you last night." Aniya sa isang mapanuyang tono na siyang tuluyang nagpabaliw sa akin.
Napa-kurap-kurap ako sa sinabi niya, "Ha?" Pabalang kong tanong dahil sa gulat.
Huminga siya ng malalim ulit at pumikit ng mariin, parang nagpipigil ng inis, "I don't even know why I'm doing this." Bulong-bulong niya na hindi ko masyadong naintindihan kaya napakunot ang noo ko.
"Anong pinagsasasabi mo?" Nalilito kong utas.
Nagmulat siya ng mata at tinignan ako ng mariin, "Last night. 'Yung nangyari. I want to take full responsibility of it. Of you." Seryoso niyang utas.
Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Kaagad bumuhos ang mga alaala ng kahapon. Napapikit ako at umiling bago ko siya nilingon ulit. Ngumiti ako, "Sir, wala po kayong pananagutan sa akin." Mahinahon kong utas kahit pa gustong gusto ko nang magwala dahil sa kahihiyan, "Kalimutan na lang po natin ang nangyari--"
"No. I want to take full responsibility of it." Pamimilit niya.
"Sir--"
"And besides, you still owe me." Aniya bago mala-demonyong ngumiti.
Hindi ko alam, pero, kaagad na pumutok ang pasensya ko dahil sa sinabi niya. Nakakairita! Ang kulit-kulit!
Huminga ako ng malalim at halos umusok ang ilong ko sa inis. Tinignan ko siya ng masama, "SIR BARI," in-emphasize ko pa ang pangalan niya, "Wala naman pong nangyari sa atin. Dinaliri mo lang naman po 'yung akin. 'Yun lang po at wala nang iba pa!" Iritado kong utas. Kung maka-react kasi 'to akala mo naman nabuntis niya ako! Jusmiyomiyomi! "At kung 'yung damit niyo naman po ang iniisip niyo, ibigay niyo po sa akin para malabhan ko na. Nakakahiya naman po." Gigil na gigil kong utas, pero, kalmado pa rin ang tono.
Tumaas ang isang kilay niya at ngumuso siya. May multo ng ngiti sa labi, "Dinaliri?" Aniya na parang 'yon lang ang naintindihan niya sa lahat ng sinabi ko at hindi na rin napigilan ang pagtawa, "Such word coming from that sweet mouth of yours. What do you mean by 'dinaliri', princess?" Nanguuyam niyang tanong.
Princess.
'Yan 'yung tinawag niya sa akin kagabi. Pumikit ako ng mariin, "Sir, wag niyo po akong--"
"Drop the 'po', Chaerin. It's not like I'm that older than you." Iritado niyang utas.
Huminga ako ng malalim. Chill ka lang, ghOrL. Keri mo 'to!
Huminga ulit ako ng malalim bago nagmulat, "Sir, boss po kita--"
"I said drop the f*****g 'po', dammit!" Iritado niyang sigaw.
Parang naupos na kandila ang pasensya ko nang sinigawan niya ako. Iritado ko siyang nilingon, "Oh, edi, putangina!" Galit kong mura, "Boss kita kaya kita ginagalang, pero, mukhang mas gusto mo yatang binabastos ka eh! Ano!? Atsaka, pwede ba? Wag mo nga akong tawaging princess! Wala tayo sa fairytale! Gago!" Iritado kong sigaw sa kanya.
Nakita kong natigilan siya sa mga pinagsasabi ko, pero, kaagad rin siyang natawa ng mahina.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya, "Cazzo, principessa. Sei cosi esuberante." Aniya sa isang lenggwaheng hindi ko maintindihan.
Kumunot ang noo ko, "Ano? Minumura mo ba ako?" Iritado kong tanong.
Pero, si gago, tumawa lang ng mahina at umiling, "Well, you're still my princess." Aniya na nagpakulo na naman ng dugo ko.
"Nyeta naman talaga, oo!" Iritado kong utas at napakamot nalang sa ulo. Magsasalita pa sana ako, pero, nagulat ako nang inisang hakbang niya ang pagitan namin at hinawakan ang baba ko. He crouched for a soft and fast kiss that shocked my whole body.
He gave me a devilish smirk after the kiss, "You're right. Boss mo ako. That means, I have a power over you. I can do whatever I want. I can get whatever I want." Bulong niya na nagpalamig sa buong katawan ko, "I knew I was your first kiss. It's very easy to tell. Your kiss was lame." He smirked more, "I can teach you if you'd let me--"
"No, thanks." Matapang kong utas kahit pa nga nanginginig ang buong pagkatao ko dahil sa nararamdaman.
Shet. Masama 'to. Masamang-masama! Bakit ako kinikilig!? Shet talaga, Chaerin Margarette!
Tinaasan niya ako ng kilay kaya nginisian ko siya, "I have other men to learn from--"
"Subukan mo..." mariin niyang utas.
Kitang-kita ko kung paano nagbago ng awra niya. From playful to devilish. Hindi ko alam kung bakit, pero, kinilabutan ako sa sinabi niya. Napalunok ako.
"I've tasted your lips. I've tasted your sweetness, your juices on my fingers, which I bet was your first orgasm. And so, I claim that you're mine and mine alone." Seryosong-seryoso niyang utas, walang halong pang-aasar o ano, "And I want you to know that I don't share, princess." He said like a curse. Like I can't do anything about it.
Tinatagan ko ang nanginginig kong kalamnan para matitigan ko siya sa mata, "You don't own me. I own myself." Matapang kong utas na nginisian lang ni Hudas.
I stiffened when he leaned in and kissed me again. Hindi ko naiwas ang mukha ko dahil hinawakan niya 'yon ng pirmi. His tongue entered my mouth and I moaned at his minty taste! Mas nakakalasing 'yung halik niya kaysa sa lasa ng alak sa dila niya! Tangina!
Di ba dapat mag-so-sorry ka lang, Chaerin!? Di ba dapat umiiwas ka na sa kanya, Chaerin!? Pero, punyeta! Paano na ako makakaiwas kung naaadik na ako sa mga pa-halik halik niya!?
Tumigil siya sa paghalik at halos habulin ko ang labi niya kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Nalalasing ako sa mga halik niya. Namumungay ang mga mata kong nakatingin sa labi niyang namumula dahil sa lipstick ko. He smirked at me before biting his lower lip.
He leaned again and looked at my eyes, "What Bari wants, Bari gets. Keep that in mind, princess." Aniya bago lumayo sa akin ng bahagya, "As your boss, I'll be requesting you to be my personal... assistant. Waitress or whatever personal things I want. Which means, you'll be serving me. Just me." Mariin niyang utang, "Start packing again, 'coz, by tomorrow, you'll be staying at my house."
Celine Guevarra | celinedipityyyyy