Chapter 4.

2539 Words
4 Joy sighed, "Hindi ba pwedeng bumukas na lang mag-isa 'yung pinto?" Ani Joy na nakahiga na. "Ako na." Ani Isang bago tumayo at dumiretso sa pinto. Kinuha ko ang cellphone ko para sana mag-text kay Mei nang biglang nagsalita ni Isang, "S-Sir Bari!" Nauutal na sabi ni Isang, "A-ano pong maipaglilingkod ko aa inyo?" Nanlaki ang mga mata ko at nalaglag ang cellphone ko sa kama dahil sa gulat. Realization hit me when he talked. "Is Chaerin in here?" Anang malalim na boses ni Bari. As if on que, sabay-sabay nila akong nilingon. Para bang may kasalanan ako na kailangan kong pagbayaran. "I believe we had a deal." Aniya kaya napalunok ako. Oo nga pala. Sa kanya na nga pala ako titira, "I already talked to Samson about this." Tumango ako. Pero, tangina. Huhu. Para akong nagsanla ng kaluluwa sa demonyo at ngayon na ang tamang panahon para sa pagbaba namin sa impyerno. Huminga ako ng malalim bago tumayo at nagumpisang sinupin ang mga gamit ko. "Sir, pasok po kayo." Ani Kakay. Huwaw, girl! Talagang papapasukin mo pa ah? Demonyo 'yan, girl! Gusto mo rin bang maisanla ang kaluluwa mo? Napapikit ako nang may naisip. Wala naman siguro siyang fetish, ano? Sa pang-limahan? Ay, naku, Chaerin Margarette! Istaph! "No, thanks, I'll just wait here." He politely declined. Nakahinga naman ako ng maluwang nang tumanggi siya. Mabilis lang rin akong nakapag-sinop ng mga gamit kaya hindi rin nagtagal ang paghihintay ni sir Bari gago-siraulo-tarantado-minu-minuto sa labas. May kausap rin siya nang makalabas ako. "Girl, ingatan ang Bataan, okay?" Bilin ni Leslie. "Di porket gwapo, ibibigay mo ang watawat, okay?" Bilin naman ni Joy. "Ipagdadasal ka namin, girl. Kaya mo 'yan. Malaki daw 'yan si Sir eh." Ani naman ni Kakay. Naginit ang mukha ko sa pinagsasasabi nitong mga kaibigan ko. "Ano ba!? Tigilan niyo nga 'yang si Erin! Hindi ganong klaseng babae 'yan!" Iritado utas ni Isang bago ako tinignan, "Well... people change." Bigla niyang bawi kaya hinampas ko siya. "Hayop ka talaga!" Natatawang utas ko. Bago ko nilingon si sir Bari na kakababa lang ng cellphone niya. He looked at me, then, my friends, then back at me again, "Let's go?" Aniya kaya tumango ako, "Mauuna na kami." Aniya bago kinuha ang dalawang maleta ko. Ang isa'y binuhat niya at ang isa'y hinila niya. "S-Sir! Ako n-na po--" "Just hurry up so we could go home faster." Seryoso niyang utas kaya kaagad akong napasunod. Kumaway ako sa mga kaibigan kong nagkukunwaring naiiyak. I laughed at them before I entered the elevator. Si sir Bari na ang pumindot ng button sa tamang palapag. Tahimik kami at halos marinig ang t***k ng puso ko sa sobrang kaba. Nang makarating kami sa ground floor ay may nakita na kaagad akong isang magarang sasakyan sa tapat ng hotel. Tahimik na rin ang buong hotel at marami ring nagkalat na mga lalaking nakaitim. Kaagad na may kumuha sa maleta kong bitbit ni sir, "Bring it to my house." Aniya sa isa sa mga lalaking naka-itim bago ako nilingon, "Follow me." Aniya bago dumiretso ng lakad sa kotseng kulay itim sa tapat ng hotel. Akala ko'y didiretso na siya sa driver's seat pero nagulat ako nang pagbuksan niya ako ng pinto. Napatingin pa ako sa kanya bago tuluyang pumasok sa loob. Mabango ang loob ng kotse niya. Amoy na amoy ang mamahaling pabangong panglalaki. Sobrang unique ng amoy at ngayon ko lang yata naamoy ang ganitong klase ng pabango. "My house is a five minute away drive. Fasten your seatbelt." Aniya na hindi kaagad nagrehistro sa utak ko. Napakurap-kurap pa ako sa sinabi niya, "H-Ha?" Tanong ko na wala sa sarili, nahihilo ako sa amoy ng pabango niya. Nakakaakit. Huminga siya ng malalim bago lumapit sa akin. Kaagad naman akong nagising sa katotohanan kaya napaatras ako sa upuan at halos ipasok ko na ang sarili ko sa backrest. Kita kong kagat niya ang kanyang lower lip habang inaayos ang seatbelt ko, "Seatbelt." Aniya bago ako nilingon. Naamoy ko ang mabango niyang hininga at kaagad kong naramdaman ang pagpungay ng mga mata ko. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko at kaunting-kaunti na lang ay mahahalikan niya na ako. Pipikit na sana ako, pero, bigla siyang lumayo at inistart na ang kotse. Sinarado ko ang bibig kong nakabukas at napalunok ako. Nanunuyo ang lalamunan ko. Tangina, girl! Sana okay ka lang! "My house is big, but, I'm the only one who lives there." Aniya na nagpaalarma sa akin. "A-ano!?" Taranta kong tanong. "You heard me." Seryoso niyang utas, "Hindi ako masyadong namamalagi sa bahay kaya ang mga naglilinis doon ay every three days lang ang punta." Aniya. Kinabig niya ang manibela at kaagad kong nakita ang sobrang taas na gate na tingin ko'y gawa sa bulletproof na bakal. Luh. Bakit kaya ganito? May ginto ba sa bahay nitong si sir Bari? "I have eight rooms inside my house. Dalawa para sa first floor, lima sa second floor at isa sa third floor, which is my room in my private office. I sleep there sometimes." Pagpapaliwanag niya, "And I also have a living room on the third floor. Mini theatre, mini kitchen and mini bar." "The other rooms are under renovation, tho, kaya ang available na room lang ay ang nasa tabi ng master's bedroom. Which is my room. Doon ka magku-kwarto sa tabi kong kwarto." Seryoso niyang utas bago may nilabas na maliit na remote sa bulsa niya. May pinindot siya doon at biglang bumukas ang gate ng bahay niya at halos literal na lumuwa ang mga mata ko nang makita ko kung gaano kalaki ang bahay-- nope. Hindi 'to bahay. Palasyo 'to. PALASYO. "The kitchen is big. Kung mahilig kang magluto feel free. May infinity pool ako gym room sa first floor. May pool rin at basketball court sa likod ng bahay. May library sa first floor. May elevators kung tinatamad kang maglakad. May game room rin sa katabi ng library. Malaki ang bahay ko at marami kang pagkakaabalahan kaya hindi ka mabo-bored kapag wala kang pasok." Napanganga ako after niyang magsalita. Just... just how f*****g rich are you, Barivendus Ardel? And bahay!? BAHAY!? Nag-park siya sa isang empty slot sa parking lot niya. Yes. May parking lot po siya. Anim na sasakyan lang naman po ang naka-park sa parking lot niya. Damn! "Let's go." Aniya bago lumabas ng pinto. Lalabas na sana ako nang pinagbuksan ako ng isa sa mga lalaking nakaitim. Nang makalabas naman ako kay kaagad akong sinalubong ng malamig na hangin. Medyo nanginig ako sa lamig, pero, kaagad rin nawala nang maramdaman ko ang init ng coat na pinatong ni Sir Bari sa akin, "Malamig. Bakit ganyan kasi ang suot mo?" Tanong niya bago ako inakbayan at iginiya papasok sa loob ng palasyo niya. Meron siyang terrace sa left side ng harap ng bahay niya. May mga tables at mga upuan roon at iilang gamit para sa pagkain. Sa right side naman ay gravel walkway na patungo sa likod ng bahay. Glass wall ang halos buong first floor, pero, one way mirror lang 'yon dahil hindi naman nakikita ang loob ng bahay, pero, nakikita ko ang sarili ko. Malaki rin ang pintuan at halatang matibay ang pagkakagawa. "You can leave us. Thank you." Ani sir Bari sa mga lalaking naghatid sa amin kaya napalingon ako sa kanila. Tumango naman ang mga 'yon at mabilis na nagkanya-kanyang alis. Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya nilingon ko 'yon at halos literal na bumagsak ang panga ko sa lapag nang makita ko ang kabuoan ng tanggapan. Holy... Sobrang taas ng ceiling at may sobrang laking chandelier rin sa gitna ng napakalaking sala. Sobrang linis at aliwalas ng buong tanggapan. May malaking T. V. sa taas ng isang fireplace. Pababa ang sala. May tatlong steps pababa sa mismong sala. Sobrang gara at halatang mamahalin ang lahat ng furnitures dito sa bahay niya. Curve style ang sofa niya at may isang malaking coffee table sa gitna noon. Light grey ang kulay ng pader buong sala at marmol na black and white ang sahig na na-compliment ng black na carpet. Black rin ang sofa at may mga puting throw pillows. Katabi naman ng sala ay ang daan patungo sa tingin ko'y dining area. Sa tabi ng daan patungong dining area ay isang malaking floor to ceiling rin na glass wall at kitang-kita ang gilid ng terrace na nakita ko sa labas kanina. "Our rooms are upstairs. Your room is right next to my room. Nag-iisang kulay puting pintuan ang kwarto mo kaya hindi ka maliligaw. Pwede ka nang umakyat at magpahinga kung gusto mo. Naroon na rin ang mga gamit mo. You also have your own fridge there." Aniya bago naglakad papunta sa isang pinto sa tabi ng elevator na malapit sa enggrandeng hagdanan. Kumunot ang noo ko sa pagtatakha sa lahat ng nangyayari. Teka nga. Akala ko ba... wait. Naguguluhan ako. "Sir Bari," tawag ko sa kanya nang hindi na napigilan ang pagiisip. Natigilan naman siya at kaagad akong nilingon. Tinaasan niya ako ng kilay. Na-intimidate ako, pero, naguguluhan talaga ako eh, "H-hindi naman po sa minamasama ko or nagrereklamo ako. Pero... akala ko po ba... assistant mo ako? P-pero, b-bakit--" Kaagad ba kumunot ang noo niya, "Do you not like my generosity? Would you rather me being a rude boss to my own assistant?" Seryoso niyang tanong. Napanganga naman ako at napaisip. Oo nga naman. Kaysa naman maging malupit siya sakin. I bit my lower lip and bowed a little, "I-I'm sorry, sir." Ilang segundo bago siya huminga ng malalim at nagsalita, "Mag-gym lang ako saglit at aakyat na rin ako. You can use the elevator if you want." Imporma niya bago pumasok sa loob ng kwarto. At ako ay naiwang nakatungo lang sa tabi ng isang enggrandeng hagdanan. Nag-iisip kung tama ba ang lahat ng nangyayari. Pero, sino ba naman ako para magreklamo? Oo, Chaerin, wala kang karapatang magreklamo. Wala. Umakyat na ako habang tinignan ang kabuoan ng bahay. May mga picture sa dingding ng bawat tatlong baitang ng hagdanan. Tingin ko'y mga kapatid niya itong mga ito. Tinignan ko ang picture na katabi ko. Malapit 'yon. Halos kalahati ng katawan ko. Binasa ko ang pangalan sa baba ng picture, "Beaudean Achilles Goncalvez Diez Valero." Tinignan ko ang picture ng lalaking nasa dingding. He looks years younger than me. Bunsong kapatid yata nila 'to. Mukhang maloko eh. Naka-kindat siya sa at nakakagat sa pangibabang labi. Parang nangaakit. Dagdagan pa ng dimples sa magkabilang pisngi. Napailing-iling na lang ako. Feeling ko'y palikero ang isang 'yon. Lumipat ang tingin ko sa isang lalaking kahawig din ni Beaudean. Benjamin Arthur Goncalvez Diez Valero naman ang pangalan niya. Mukhang seryoso ang isang 'to kumpara kay Beaudean na mukhang maloko. Gwapo rin at mas malakas ng appeal kumpara kay Beaudean. Nang makita ko ang kasunod na larawan ay napalingon ako pabalik sa naunang larawan ni Benjamin. Hala! Kambal!? Benedict Argus Goncalvez Diez Valero naman ang pangalan ng isang 'to. Mag-kamukhang kamukha sila ni Benjamin. Ang pinagkaiba lang ay ang aura at ang buhok. This man has a messy-woke-up-like this hair, while the other one has a clean cut. Mas mukha ring care free ang isang 'to kumpara kay Benjamin na mukhang seryoso sa lahat ng bagay. Kagaya ng kuya niyang si sir Bari. Nilingon ko ang kasunod na larawan at nakita ko ang isang lalaking nakasalamin. Baron Archimedes Goncalvez Diez Valero ang pangalan niya. Mukhang matalino at seryoso sa buhay. Pero, kung makikita mo ang kislap ng nga mata niya ay mukhang sa loob ang kulo. Sobrang gwapo eh. He looks so dangerously gorgeous. Mukhang siya ang pinakagwapo so far sa mga nakita kong larawan. Okay, add to cart. Ay. I giggled to myself. Para akong tanga rito na pinagnanasaan ang bawat larawan sa bawat tatlong baitang. Hahaha! Umakyat pa ako at tumapat sa larawan ni sir Aris-- wait! No! This isn't sir Aris. What the hell!? Kambal ulit? Aba! Pinagpala yata ng kambal ang pamilyang 'to!? Bartholomeus Archibald Goncalvez Diez Valero is the name. Hala! Ngayon ko lang nakita ang kaibahan nila ni sir Aris. Although pareho silang mukhang seryoso, itong lalaking 'to ay mas darker ang aura kumpara kay sir Aris na palakaibigan ang aura kahit papaano. Itong isang ito ay sobrang gwapo at mukhang snobber. Hindi rin mukhang babaero. Next naman ay si sir Aris. Gwapo si sir Aris at may palakaibigang aura. Hindi mukhang palikero kahit gwapong-gwapo. Mukhang stick to one rin at seryoso sa buhay. Balita ko'y nagaaral siya ng pag-do-doctor eh. Matalino na, gwapo pa at palakaibigan pa. Napahinga ako ng malalim. I-de-describe ko pa ba 'yung huli? Well. Barivendus Ardel Goncalvez Diez Valero. 27 years old. Demonyo-siraulo-tarantado-minu-minuto. Gwapo nga, gago naman. Successful may pagka-generous, pero, demonyo pa rin siya sa paningin ko. Okay na? Akyat nako. Sa pinakataas ng hagdanan ay dalawang family portraits. Isang buong pamilya, kasama ang parents nila at ang isa'y silang magkakapatid lang. And dayum! These are fine men, I tell ya! Pwede kayang magpalahi-- HOY! ISTAPH! Sa gitna ng family portrait ay ang isang malaking portrait rin ng sa tingin ko'y parents nila. Napanganga ako sa itsura ng parents nila. Damn! Kaya naman pala sobrang gwapo ng mga nilalang na 'yon dahil sobrang ganda at gwapo rin ng parents nila! Even their grandparents! Nasa baba ng larawan ng parents nila ay dalawang urn na gawa sa ginto at mga larawang ng kanilang grandparents. Napahikab ako. Damn. Nakakadrain pala ng energy ang pagtingin-tingin ng mga pictures. Dumiretso na ako sa nag-iisang puting pintuan sa tabi ng isang kulay brown na pintuan. Kaagad na akong pumasok roon at kaagad rin akong natigilan. Soft cream walls and calm aura welcomed me as I stepped in the room. I have never been in a room or house as calm as this room. Nakakarelax. Sobrang laki ng kwarto. Tingin ko'y kasing laki ng buong first floor ng bahay namin! May T. V. rin dito. May study table. May walk-in closet sa tabi ng banyo at sa tabi ng banyo ay may veranda. Amoy bulaklak ang buong kwarto at inaantok ako sa sobrang calming ng paligid, pero, kailangan ko pang maglinis. Tinanggal ko ang coat ni sir Bari at maingat na inilagay 'yon sa rack na katabi ng pintuan. Umupo ako sa malambot na kama at tinanggal ko na kaagad ang heels ko at minasahe saglit ang paa ko bago tuluyang dumiretso sa banyo. The bathroom is big, too! May bathtub at shower rin dito. Kumpleto ang mga panligo, pero, syempre, meron akong sarili kong mga panligo. Lumabas kaagad ako para puntahan ang backpack ko kung nasaan ang mga gamit ko. Kinuha ko ang shampoo, conditioner, sabon at toothbrush ko roon. Naglabas na rin ako ng pantulog bago dumiretso sa bathroom para maligo. Sobrang gaan sa pakiramdam pagkatapos kong maligo. Lumabas ako ng banyo at kaagad ring natigilan nang makita ko sa sir Bari na nakatayo at nakahalukipkip malapit sa pintuan. Titig na titig siya sa akin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Feeling ko tuloy may x-ray vision siya at nakikita niya pati ang natatakpan ng tuwalya ko. In the end, tinignan niya ako sa mga mata at nag-iwas ng tingin bago tumikhim, "Wag kang mahiyang gumalaw dito sa loob ng bahay. And also..." aniya bago ako nilingon ulit, "Learn to lock your door." Seryoso niyang utas. Napalunok ako, "O-okay..." Tumango siya, "Walang basta-basta nakakapasok rito sa bahay ko, pero, kung ganyan ang itsura mo palagi ay baka..." aniya bago pinilig ang ulo, "Nevermind. Go to sleep, princess." Aniya bago mabilis na lumabas ng kwarto ko. Napanganga ako nang maintindihan ang sinabi niya at napapikit na lang ako ng mariin at mabilis nang nagbihis. He still calls me princess... Napasabunot ako sa sarili ko. Tama ba 'tong desisyon ko? I don't know. Di ko na alam. Ni-lock kong mabuti ang pintuan at nagdesisyon nang magpahinga. Celine Guevarra | celinedipityyyyy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD