Chapter 5.

4706 Words
* Pagkatapos kong bilangin ang pera ko ay nagdesisyon na akong matulog. Namamahay ako kaya hirap akong matulog, pero, pinilit ko pa rin dahil kailangan. Siguro'y alas sais na ako nakatulog at nang magmulat ako ng mata'y mataas na ang sikat ng haring araw. Alas-dose na kaya kaagad na akong tumayo. Naghilamos ako at nag-toothbrush bago bumaba. Tahimik ang buong bahay kagaya kaninang madaling araw. Sobrang laki ng bahay at aalog-alog kaming dalawa dito ni sir Bari. Halos mabingi ako sa katahimikan habang pababa ng hagdan at habang pababa ako'y itinali ko na ang mahaba kong buhok. Nag-pusod ako at nag-inat ng kaunti bago tumuloy sa pagbaba. Madilim ang bahay dahil sarado ang mga blinds kaya naman nagdesisyon akong buksan muna 'yon. Nilibot ko ang paningin ko sa bintana para mahanap kung paano ito bubuksan, "So... paano 'to?" Takhang tanong ko sa sarili ko. Hindi ito ordinary blinds kaya naghanap kaagad ako ng switch para doon. Nakita ko naman kaagad 'yon sa tabi ng switch ng mga ilaw. Unti-unting bumukas ang blinds at unti-unti ring lumaki ang ngiti ko, "Ayan! Ang liwanag na! Magandang araw!" Masiglang bati ko kahit pa nga wala naman akong kasama. Ni hindi ko nga alam kung nasaan 'yung demonyo-siraulo-tarantado-minu-minuto kong boss eh. Pero, hayaan na, matanda na 'yon! Kaya niya na sarili niya. Dumiretso na ako sa kusina nang mabuksan ko lahat ng blinds sa sala, pero, natigilan ako nang nasa hamba na ang ng kusina. "Damn..." utas ko nang makita kung gaano kalaki ang kusina niya. Parang commercial kitchen kasi 'to! Malinis at halos kuminang ang sahig ng kusina. Halatang mamahalin rin ang mga gamit. Ginaganahan tuloy akong magluto! Kita rin mula sa kitchen ang backyard. Bukas ang blinds for some reasons. Kita ko ang malaking pool, iilang sun loungers at dalawang grill. Napahinga ako ng malalim, "Tsk. Iba talaga pag mayaman. May pa-grill-grill pa, samantalang kami sa uling at kahoy lang. Pahirapan pang magpa-baga." Ani ko bago napa-iling na lang at dumiretso na lang papasok ng kusina. Nilagay ko ang daliri ko sa chin ko at ngumuso ako, "Ano kayang lulutuin ko?" Tanong ko sa sarili ko, "Ano kayang gustong pagkain nung boss kong demonyo-siraulo-tarantado-minu-minuto?" At napanguso na lang sa huli. Napakamot na lang ako sa ulo bago dumiretso sa double doors niyang ref. Double doors na nga, may freezer pa sa baba! Tapos may screen pa sa right door at ice dispenser sa left door! Huwaw! Edi siya na mayaman, ako na ang dukha. Huhu. Bago pa ako makalapit ng tuluyan sa ref ay may nakita akong maliit na kulay dilaw na papel na nakadikit doon. Kumunot ang noo ko bago iyon kinuha at binasa. Napataas ako ng kilay. Gwapo ng sulat, ah. Bagay sa itsura. Hehehe. 'Feel at home. Don't be shy to move around. I'll be in the office on the third floor for the whole day. You can call me if you need anything. Here's my number. 09xxxxxxxxx. P. S. Cook our dinner. I don't eat fish and Filipino foods. - Your Boss.' Umirap ako nang mabasa ko 'yon, "Boss." I scoffed, "Utot mo blue. Boss demonyo-siraulo-tarantado-minu-minuto kamo! Sana man lang sinabi mo kung anong pagkain ang gusto mo, diba? Ano? Manghuhula ako? Tss. Bahala ka dyan. Filipino foods lang ang alam kong lutuin. Mostly, isda!" Ani ko bago nilukot ang papel at tinapon 'yon sa basurahan. I smirked to myself before opening the fridge, "Lutuan ko kaya ng tuyo 'yong Barivendus na 'yon?" Mala-demonyong plano ko. Pero, umiling at tumawa lang ako bandang huli, "Boss daw? HMP! Bossabos!" Natawa ako sa huli kong sinabi. Atichoda ka ghorL!? May nakita akong manok sa fridge kaya napag-desisyunan kong mag prito na lang ng manok since mag-isa lang naman ako. Natigilan ako nang maalala ko si Rongelo, ang foreigner na manok. Napahagikgik ako sa sarili kong kalokohan. Pero, mamayang gabi, magsi-sinigang na manok ako. Hehe. Ihahanda ko na lang ang mga ingredients. Kumuha ako ng luya, bawang, sibuyas at pechay since wala siyang kangkong. Di niya yata kilala ang gulay na 'yon since rich kid siya at hindi siya kumakain ng isda at Filipino foods. Eh, Filipino naman siya, diba? Yata? Hehe. Nagsaing muna ako at mabilis kong inayos ang apat na manok at nilagyan ng breading mix. Binuksan ko na rin ang exhaust fan bago ko isinalang ang kawali na paglulutuan ko. Nilagyan ko na rin ng mantika. Bakit apat? Kasi, syempre, mamaya bumaba at magutom 'yong boss kong katok, baka sabihin lumamon ako tapos di ko man lang siya binigyan. Baka kung ano pang masabi. Nakakahiya naman. Habang naghihintay ay naisipan kong tawagan si Mei para mangamusta, pero, bago ko pa magawa ay nakita ko na ang pangalan ni Samorn sa screen. Napangiti naman ako at kaagad 'yong sinagot, "Sawasdeeka!" Bati ko kay Samorn na ikinatawa niya. "Ateeeee!!!! Miss ka na namin! Wala na kaming kimchi dito! Huhuhu!" Pabirong iyak ni Mei sa kabilang linya kaya natawa ako. "Oo nga eh! Wala na rin akong chinchansu dito!" Ani ko naman kaya natawa siya. "Ako! Akoooo! Pakausap kay unnie!" Narinig kong sigaw ni Cia sa likod. "Oo na! Oo na!" Sabi naman ni Samorn. "Unnie!" Bungad ni Cia sa akin, "Unnie, kailan ka po uuwi? Miss na po kita." Aniya bago ko narinig ang mumunting paghikbi niya. Kaagad naman nag-init ang gilid ng mga mata ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko at tumingala para mapigilan ang pagtulo ng luha ko, "U-uhm... H-hindi ko pa alam, C-Cia eh. P-pero, kapag palagi kang maagang matutulog, h-hindi mo mamamalayan na..." nilunok ko ang nagbabara sa lalamunan ko at huminga ng malalim, "Hindi mo mamamalayan na nandyan na ako." Pag-alu ko sa bunsong kapatid ko. Narinig ko na ang palakas niyang hikbi, "Ilang tulog? Pati sa hapon matutulog ako para mabilis kang makauwi dito, unnie." Iyak niya pa, "Hindi po ako sanay na wala ka eh. Miss na miss na po kita." Aniya kaya hindi ko na napigilan ang luha ko. Bumuhos na 'yon ng tuluyan at kaagad kong tinakpan ang bibig ko para mapigilan ang paghikbi. "Cia--" "Hindi na po ako magpapasaway, unnie. Hindi ko na po aagawin 'yung pagkain mo. Hindi na po ako manghihingi ng tablet. Uwi ka na po, unnie!" "Cia..." rinig kong pag-alu ni Ryu kay Cia. Bahagya rin lumayo ang boses niya na umiiyak. Hindi ko na napigilan at napahikbi na rin ako. Hindi ko rin gusto ang malayo sa inyo, Cia. Pero, kailangan. Mahal na mahal kayo ni ate. Maiintindihan mo rin. Uuwi rin ako pag may sapat na ipon na ako. Pero, sa ngayon, magtitiis muna tayo. "Ate..." nanghihinang utas ni Yara, "Ate, magiingat ka dyan ah? Kung saan man 'yan. Basta magiingat ka, please." "Oo. Mag-iingat ako. Kayo rin." Nagusap pa kami ng ilang minuto habang nagluluto ako. Tinapos ko ang tawag nang kumakain na ako. Natutulala ako. Napapaisip. Isang araw pa lang akong wala sa bahay ay ganon na ang reaksyon nila. Namin. Paano pa kaya kung ilang buwan ako rito? I mean, pwede naman siguro akong mag-day-off, diba? Kahit once a week? Napagdesisyunan ko na kasi kagabi na dito muna ako para magtrabaho. Maghahanap na rin ako ng unibersidad na malapit dito at dun na lang ako papasok. Working student kumbaga. Hindi ko na bibitawan 'tong trabaho na 'to. Dahil sa tip ko pa lang kagabi, sapat nang pang-tatlong linggo ng pagkain namin. Paano pa kapag nakuha ko na ang sahod ko? Ang sabi ni Isang kagabi ay weekly raw ang sahuran dito. Kaya weekly rin ako makakapagpadala. Sasama ako kung lalabas sila Isang. Patapos na akong kumain nang bigla akong nakarinig ng kaluskos kung saan kaya naman kaagad ko 'yong nilingon. Mag-isa lang ako dito sa unang palapag ng palasyong ito, girl. Tapos biglang may kakaluskos. Dafuq!? Napalunok ako nang may kumaluskos ulit. Dali-dali akong uminom ng tubig at nagligpit na rin ng pinagkainan. Hinugasan ko na ang plato at basong ginamit ko at maingat na inilagay sa lagayan para hindi mabasag. Pero, halos iwan ako ng kaluluwa ko nang pagharap ko sa likod ko ay may nakita akong pusa. "Putangina!" Malutong na mura ko. Tinititigan lang ako ng pusa kaya nakipagtitigan rin ako. Tanginang pusang 'to. Huhu. "Sino ka!?" Tanong ko na para bang sasagutin niya ako. Napailing-iling na lang ako. Feeling ko talaga mababaliw ako dito sa napakalaking bahay na 'to. "Meow." Anang pusa. "Meow?" Sabi ko naman rin bago natawa, "Pucha! Malala ka na, Chaerin!" Ani ko sabay iling. Kulay puti ang matabang pusa at kulay asul ang mga matang nakatitig sa akin ngayon. Parang may dumi siya sa mukha at ibang parte ng katawan. Saan naman kaya naglalagi itong pusang 'to at bakit ang dungis-dungis!? May collar siyang color baby pink na may parang ribbon sa leeg kaya napagtanto kong babae itong pusa. Ang cute naman! Kaso punyemas, tinakot at ginulat ako! Unti-unting lumapit sa akin ang matabang pusa at ako naman ay unti-unti ring lumuhod para mahawakan ang pusa. Malambing ang pusa at sobrang lambot! Hala! Parang cotton candy! "Hello!" Ani ko bago binuhat ang pusa. Nag-'meow' siya nang binuhat ko siya. May kabigatan ang pusa, pero, sobrang lambot at mabango kaya ayos lang, "Saan ka galing? Bakit ang dungis-dungis mo?" Ani ko bago sinubukang tanggalin ang dumi sa mukha niya, pero, hindi naman matanggal. Pintura ba 'to? Pero, hindi naman amoy pintura 'yong pusa. Hinaplos ko pa ang pusa at naramdaman ko ang pag-purr niya. Ang cute-cute! "Anong pangalan mo?" Tanong ko na alam ko namang di masasagot pero tinanong ko pa rin. Sabog, diba? "Meow." She said. "Oh, sige, Meow." Sabi ko bago natawa, "Sana okay ka lang, Chaerin Margarette." Ani ko bago umiling. Habang buhat ang pusa ay luminga-linga ako para hanapin ang kainan nitong pusang 'to. Nahanap ko rin naman agad. Nasa tabi ng sliding door na papunta sa backyard kaya lumakad nako kaagad papunta doon. May mini tent doon at may higaan rin ang pusa at mga laruan. Kulay pink lahat ng gamit ng pusa. Halatang spoiled dahil maraming pagkain at may mini fridge pa para sa gatas. Huwaw. Nilagyan ko ng pagkain ang pink na bowl niya at nilagyan naman ng gatas ang isa pang pink na bowl. May water despenser naman siya kaya di ko na siya kailangan pang bigyan ng tubig. Kumain siya ng tahimik kaya naman binalikan ko na ang lamesa para punasan 'yon. Siniguradong malinis ang paligid para walang masabi ang bossabos. Sobrang tahimik talaga. Ano kayang ginagawa nila Isang? Tinawagan ko siya habang nagpapahinga sa kwarto ko at pagkatapos ng tawag ay natulog ulit ako. Nang magising ako ay gabi na. Madilim na sa labas at nakita kong mag-a-alas-sais na pala. Dali-dali akong naghilamos at nagmumog bago bumaba para magluto ng hapunan. Maliwanag na ang bahay, so, I think, nakababa na yung magaling kong amo. Napatunayan kong bumaba na nga siya dahil wala na 'yong dalawang piniritong manok na tinira ko kaninang tanghali. So, that means, mas kailangan kong bilisan ang pagluluto. Mabilis kong inayos ang mga gagamitin ko. Nagsaing ako kaagad at isinalang na rin ang medyo malaking kaldero na may hugas bigas, para sa sinigang na manok. Napagdesisyunan ko ring lagyan ng ilang pirasong baboy. Wala lang. Gusto ko lang. Para sinigang mix. Natatawa-tawa pa ako sa sariling naiisip nang biglang may nagsalita sa likod ko. "What are you doing?" Tanong ng isang boses na halos magpalipad sa kaluluwa ko pauwi sa planetang Venus. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at kaagad akong napahawak sa garter ng panty ko. Paano!? Naka-topless lang naman si boss demonyo-siraulo-tarantado-minu-minuto! Kitang-kita ko ang well-toned pandesal ni boss at feeling ko konting-konti na lang talaga ay mag-wo-walk out na 'yung panty ko! HOY, PANTY!!! WAG KANG MARUPOK!!! PUNYETA KA!!! "What are you doing?" Ulit niyang tanong. Seryoso ang mukha niya at naka-kunot ang noo. Napalunok ako bago sumagot, "H-ha?" Hakdog. GhOrL, umayos ka nga!!! "N-nagluluto ng hapunan." Nauutal kong sagot. Tinitigan niya ako ng ilang segundo bago tumango, "Alright. Make it fast. Call me when it's ready. I'll be in the gym." Aniya bago umalis sa kusina. Napanganga naman ako sa sinabi niya. Aba! Feeling niya yata ay katulong niya ako! Kapal ah! Pasabugin ko kaya 'tong bahay mong demonyo ka!? Di porket yummy ka, may karapatan ka nang maging bossy! Hmp! Pero, kasi! Huhu! Mas napanganga ako nang tumalikod siya at nakita ko ang matambok niyang pwet. Napalunok ako. Jusmiyomiyomi! Nakaka-tempt paluin, kaya lang baka ako naman ang pasabugin niya. Huhu! Hustisya!? "Hmp!" Atichoda kong sabi bago nagpatuloy sa pagluluto. Dumating si Meow sa kusina, mukhang di pa pinakain ng demonyo niyang amo kaya naman pinakain ko muna siya. Babalik na sana ako sa pagluluto kaya lang bago pa ako makabalik ay narinig ko ang pagkalabog ng pintuan sa harap at boses ng mga lalaki pagkuwan. "We're home!!!!" Sigaw ng isang boses, "Hi, home!" Anito sabay tawa. "You're such a brat, Beaudean! You could've knocked! You know Kuya doesn't like it when you just walk in his house like it's your own." Istriktong utas ng isang pamilyar na boses. "What's the purpose of the key, then, Kuya Aris?" Katwiran noong sa tingin kong tinawag na Beaudean. "Try to stick it in your brain, dum-dum head. Baka gumana kahit ngayon lang." anang isa pang malalim na boses. "Very funny, Arthur!" Sarkastikong sagot nung Beaudean. "Kuya mo ako, gago!" Iritadong sabi nung Arthur. "Don't care." "You motherfucker!" "Let's just go. Kuya Bari will get mad." Ani Sir Aris. "Duh. He's always mad, so, what's the big deal if he gets mad again this time?" Pilosopong sagot ng isa. "Pinaglihi yata ni Mom si Kuya Bari sa kapeng barako eh. Sobrang tapang, pero, hindi niya naman kayang ipaglaban ang... ay. Hehehe." "Stop it with that thing, Beaudean! You sound so gay when you do that!" "Luh. At least ako, kaya kong ipaglaban ang pagmamahal ko, eh ikaw!? Pinaglaban mo ba si--" "Walang personalan! Tangina mo naman eh!" Iritado, pero, natatawang utas ng lalaki. "Ang ingay!" Sigaw ng isa pang boses. Just how many are they!? "Uh, oh. Ayan na si Kuya Baron. Ang ever supportive nating kapatid." Ani Beaudean bago humalaklak. "Dapat talaga KJ pangalan mo, Kuya, eh. Mas bagay 'yun sayo kaysa sa pangalan mong Baron Archimedes." Anang isang boses na hindi ko pa naririnig. "Papatayin kita pag nagkaroon ako ng pagkakataon, Benedict Argus. I swear." Seryoso at monotone na utas nung Baron. Di ko alam, pero, kinilabutan ako sa sinabi niya. "Wow. Takot ako. Huhu." Sarkastikong utas nung Benedict. "The f**k are y'all doing here!?" Narinig kong sigaw ni Sir Bari na nagpatahimik sa mga kalalakihan na nasa living room. Ako naman ay napabalik sa pagluluto. Tinikman ko 'yon at napapikit ako nang malasahan ko ang tamang asim ng sinigang, "Sarap!" Bulong ko at medyo kinilig pa sa lasa. Nilagyan ko ng konting patis at hinalo bago ko nilagay ang bokchoy. "Hey, Kuya! I heard you cancelled our pool party here tonight!? What gives!?" Reklamo ni Beaudean. "Yeah, Kuya. We've been planning for this for the whole week! Paasa ka, Kuya!" Madramang utas ng isang lalaki. "What's your reason?" Tanong pa ng isa. "Nothing! Umalis na kayo!" Iritadong utas ni Sir Bari. "Hmm. Siguro nag-uwi ka ng babae, no!?" Pang-aasar ni Beaudean. Sa sinabing 'yon ay natigilan ako. Nag-uwi ng babae? Sino? Ako? Ay, hindi, ghOrL! Baka yung kalan! Babae 'yung kalan! Jusmiyomiyomi! Pero... kaya ba na-cancel 'yung pool party nila dahil... "GET OUT! ALL OF YOU!" Mala-kulog na sigaw ni sir Bari na maski ako ay kinalabutan. "Woah. Chill, kuya! What's the matter--" "Get out!! I already told you that the party is cancelled, so, get the f**k out of my house!" Galit na galit na sigaw ni Bari. "Kuya, are you okay? Why are you this mad all of a sudden? What's wrong?" "Just get out! I'm not in the mood." "Dahil ba sa nangyari sa inyo ni Kelly?" Nanlaki ang mga mata ko. Si Kelly? 'Yung taong brocolli? "Hmm. I heard--" "MGA PRE! SORRY NA-LATE AKO!" Sigaw ng isang pamilyar rin na boses at nanlaki ang mga mata ko nang ma-bosesan ko siya. "Lagi ka naman late, Rongelo Amiel." "Nasan sila Mav?" "May pupuntahan daw sila nila Tiffanie, Kuya Art." Sagot ni Ron. "Si Tiffanie? Bakit magkasama sila ni Maverick?" Tanong nung sa tingin ko'y si Beaudean. "Ewan ko." Sagot ni itlog. "Nasan sila kung ganon?" "Aba, malay ko!? Hanapan ba ako ng nawawalang tipaklong, Beaudean!? I-text mo, aba!" Iritadong sagot ni Ron. "Siraulo ka talaga!" "Tagal na." Ani Ron na ikinatawa ko, "What's that smell!? Ang bango!" "Kapag talaga pagkain, mabilis ka, Ron!" "Eh, sa mabango eh! Nagluluto ka ba, kuya Bari? Teka, punta lang akong kusina." Mabilis na utas ni Ron at mukhang tumakbo pa. "RONGELO! DON'T YOU f*****g DARE--" banta ni Sir Bari. "I dare! Hehe." Aniya bago ko narinig ang yabag ng mga paa sa sunud-sunod na papunta ng kusina. "f**k!" Malutong na mura ni Sir Bari. Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang kaba. Hindi ko alam kung magtatago ba ako o ano, pero, bago pa ako makapag-decide ay sunud-sunod na silang pumasok sa kusina. Una si Ron at isang lalaking hindi ko kilala, pero, sigurado akong isa siya dun sa mga lalaking nakasabit sa dingding. Sumunod si Sir Bari na halos maging visible na ang usok sa ilong niya dahil sa sobra-sobrang iritasyon. "Ooohhh... that's why..." anang lalaking katabi ni Ron bago humalukipkip, "Sabi na, eh! Nag-uwi ng babae--" "SHUT THE f**k UP, BEAUDEAN ACHILLES!" Gigil na gigil na sigaw ni Sir Bari. Napanguso iyong si Beaudean, "Grabe sa full name, ah!?" Nakita ko si Sir Aris na nakasandal sa hamba ng pintuan, naka-halukipkip at minamasahe ang pagitan ng kilay niya. Para bang problemadong-problemado siya dahil sa mga nangyayari. Pero, wala na yatang mas magiging problemado pa kay Sir Bari. Kitang-kita ko ang frustration niya lalo na nang pumasok na yung iba pang mga lalaki na nakasabit sa dingding. And DAYUMMMMM! Putangina. Nasa langit na ba ako!? Shet! Ang gu-gwapo! Humayghad! "Miss Chae!? Anong ginagawa mo rito!?" Gulat na gulat na utas ni Ron bago ako nilapitan. "Chae?" Tanong nung lalaking may salamin. "Her name's Erin." Ani Sir Aris. "Eh, ano 'yung Chae?" Tanong ni Beaudean. "Her name's Chaerin. Eh tinatamad akong buoin, kaya miss Chae na lang." sagot ni Ron bago lumapit sakin. Tinignan siya ng masama ni Beaudean, "Galing." Sarkastikong utas nito. "Uyyyy!" Ani Ron nang makita ang niluluto ko. "What's that?" Kuryosong tanong ng lalaking nakasalamin. Sa sobrang gulantang ko sa nangyayari ay medyo nagloading pa ako bago nakasagot. I cleared my throat before answering, "Uh, sinigang mix." Ani ko bago tinakpan ang kaldero at pinatay ang kalan. Kumunot ang noo niya, "Sinigang... mix?" Takhang tanong nito na parang ngayon niya lang narinig ang salitang 'yon na siya naman ipinagtakha ko. "What's sinigang mix?" Tanong naman nung Beaudean kaya napalingon ako sa kanya. Nagaalangan pa akong sumagot pero ayoko namang maging rude, "Uhm, sinigang... na manok at baboy." Mahinang sagot ko. Ngumuso siya, "Never heard of it. What's in it?" Kuryosong tanong nito bago lumapit sa amin ni Ron. "Beau." Sir Bari said in a warning tone. "What? I'm not gonna steal your girl, kuya! I'm just curious of what she's cooking. 'Coz, it really smells good!" Natatawang utas ni Beaudean bago ako nilingon, "May I see what you're cooking, beautiful?" Anito sa akin na siyang nagpainit sa mga pisngi ko. Pereng tenge keshe! Enebe! Ehehehehe! Ay. "U-uhm. Ito..." I said then opened the pot. Kuryosong tinignan nila Ron at Beau ang laman ng kaldero. Napapikit si Beau nang maamoy ang sinigang, "Holy s**t! Ang bango!" He said then laughed, "What is this sorcery?" "What's that?" Tanong pa ng isa bago sila sunud-sunod na lumapit. Except kay Sir Aris na nakasandal sa hamba ng pintuan habang karga si Meow at si Sir Bari na parang any minute now ay papatay na. "Pwedeng makikain?" Tanong ni Ron at dahil sa gulantang ko ay napatango na lang ako. "Uhm, u-upo na kayo sa dining area, uhm, ako nang bahalang maghanda." Nauutal kong utas. Kaagad naman silang sumunod sa sinabi ko at maingay na dumiretso na sa dining area. "Ayos! Tulungan na kita, miss Chae--" "Ako na." Matigas na utas ni Sir Bari. Napanguso si Ron kaya nagmukha siyang itik. Muntik pa akong matawa pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka ako naman ang mabugahan ng apoy ng dragon, "Tutulong lang eh--" "I said, ako na." Matigas na utas ulit ni Sir Bari. "Sabi ko nga ikaw na, diba?" Ani Ron bago dumiretso sa dining area, "Kulit kulit mo kasi Rongelo, muntik ka tuloy mabengbang." Bulong-bulong pa nito sa sarili habang naglalakad ng mabilis palayo sa amin. Nang kami nalang ni Sir Bari sa kusina ay mabilis akong kumuha ng bowl para sa kanin. Sa peripheral vision ko ay kitang-kita ko ang paninitig ni Sir Bari sa akin. Tumikhim ako at nagpatuloy na lang sa ginagawa. He sighed heavily, "I'm sorry about my brothers. They're always like that." Seryosong utas niya. Nilingon ko siya bago umiling at ngumiti, "Wala po 'yon, Sir Bari. Ganyan rin naman po ang mga kapatid ko kapag may bisita sa bahay kaya naiintindihan ko po." Ani ko bago nagpatuloy sa ginagawa. Pero, bago ako nagiwas ng tingin ay nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon niya. Parang bigla siyang nainis na ewan. He sighed heavily again, "I told you to drop the 'po', Chaerin." Medyo iritado niyang utas. Bumuntong hininga na lang rin ako. Ayoko nang makipagaway, nade-drain ako. Nilingon ko siya at nginitian, "Sige, Sir Bari." Ani ko bago umiwas sa kanya at nilagay ang bowl ng kanin sa counter. I saw him swallowed hard when I went near him again. Kukunin ko na sana ang kaldero, pero, inunahan niya ako, "Ako na." Aniya bago kumuha ng pot holder at inangat iyon, "Let's go." He said then he lead the way. Sumunod naman kaagad ako dala ang kanin at serving spoons. May mga plates and utencils naman na nakahanda roon kaya hindi na kailangan pang kumuha. Mukha namang malinis kaya ayos na siguro 'yon. "Here comes the food!" Maingay na anunsyo ni Ron. Natawa ako ng bahagya dahil sa ingay niya. Sinaway pa siya ni Sir Aris na nasa kabisera. Maingay rin si Beaudean na kausap 'yung lalaking nakasalamin. Ten seater ang dining table. Sa kabilang kabisera ay walang nakaupo. Pati ang mga katabi nitong upuan sa kanan at kaliwa. Nilapag ko na ang kanin at napagtantong baka kulangin 'yon kaya bumalik ako sa kusina para kumuha pa ng isa pang bowl. Buti na lang at marami akong sinaing at marami rin akong niluto. At buti na lang rin ay malaki ang rice cooker. Naisip ko kasing 'yon na lang rin ang kainin bukas ng tanghali since wala rin naman 'tong si Sir Bari pag tanghali. Nagulat ako nang makitang nakasunod si Sir Bari sa akin at mabilis na kinuha ang bowl sa mga kamay ko, "Let me do it." Aniya bago nauna nang maglakad papunta sa dining area. Napakurap-kurap ako sa inasal niya, pero, hinayaan ko na lang rin. Nakakapagod rin magisip. Kumuha na lang ang ng dalawang pitsel ng tubig sa ref bago sumunod sa kanya. "Ang bango talaga!" Sabi ni Beaudean bago ako nilingon, "Pwede na bang kumain?" Nakangiting tanong niya sakin. Halatang excited na excited. Ngumiti ako at tumango. Nilapag ko ang mga pitsel sa table bago umupo. Pinaghatak pa ako ng upuan ni Sir Bari kaya napakagat ako sa pangibabang labi ko. Pereng tenge! Narinig ko ang hagikgik nila Beau at Ron kaya napalingon ako, pero, natutop na ang bibig nila nang nilingon ko siya. Nakatingin sila sa likod ko kaya nilingon ko rin si Sir Bari na kakaupo lang rin. Ramdam ko ang tingin nila sa akin. Di pa sila kumikilos para kumuha ng pagkain. Dapat ba pagsilbihan ko sila? Di ba sila sanay na sila ang kumukuha ng pagkain nila? Di ko alam! Huhuhu! Hindi nga nila alam 'yong sinigang eh! Huhu! Pero, ganon ba talaga pag sobrang yaman? Baka nga ganon kaya di pa sila kumukuha ng pagkain. Tatayo na sana ako para pagsilbihan sila kaso biglang tumikhim si Sir Bari kaya napalingon ako pabalik sa kanya, "Lady's first." Seryoso niyang utas. Napakurap-kurap ako at bahagyang nagloading, "Oh! S-sorry! S-sige." Nautal pa ako bago kumilos. Ganon pala 'yon!? O sa kanila lang? Ewan ko! Hayup! Mabilis akong kumuha ng kanin at sumunod naman sila kaagad pagkatapos. Kumuha na rin ako ng sabaw. Nilagyan ko na rin ang mangkok ni Sir Bari habang kumukuha siya ng kanin. Baka kasi di siya marunong. Di kasi siya kumakain ng Filipino foods eh. Kawawa naman. "Sana all!" Sigaw ni Ron na katabi ko. Kaagad naman siyang sinaway nung lalaking nakasalamin na kaharap ni Beaudean. "Rongelo. We're eating. Behave." Aniya bago sumubo ng kanin. Ngumuso naman si itlog, "Kuya Baron, apaka-KJ talaga." Reklamo niya, pero, di na siya pinansin. "This is so good, Erin!" Ani Beaudean, "How do you cook this?" Tanong niya na para bang manghang mangha siya. "I've tried sinigang before, but, this is more delicious. Right, Ben?" Anang lalaking katabi ni Sir Aris. "Arthur's right. This is more flavorful." Komento naman ni Ben na kaharap ni Arthur. Napangiti ako sa narinig kong komento nila. Tinago ko na lang 'yon sa pamamagitan ng paghigop ng sabaw. "Ano pang alam mong lutuin, miss Chae?" Tanong ni Ron bago sumubo ulit. "Uh, Filipino foods lang ang alam kong lutuin eh." Sagot ko naman. "Hmm. How about adobo or kare-kare?" Tanong ni Ben. Tumango ako, "Kaya ko naman." "Oh! Gusto kong tikman 'yung kare-kare!" Excited na utas ni Ron. Tinignan ko siya ng masama, "Gusto ka ba?" Ngumuso naman siya, "Arouch." Aniya, "Hindi nga eh. Sadlyf." Natawa naman ako sa sinabi niya, "Kawawa." Pang-aasar ko pa. Umirap siya, "Palibhasa ikaw..." makahulugan niyang utas. Kumunot ang noo ko sa kanya, "Ano?" Ngumiti lang siya ng creepy, "Hehehe--" "Why don't you just eat, Rongelo?" Mariing utas ni Sir Bari kaya napalingon ako sa kanya. Hindi siya nakatingin samin, pero, halata ang iritasyon niya dahil sa kunot niyang noo. Kumunot ang noo ko sa kasupladuhan niya. Why is he so rude all of a sudden? "Sabi ko nga kakain na." Ani Ron na natatawa-tawa pa bago nagpatuloy sa pagkain. Natawa si Arthur, "I remember that night, kuya." Anito bago uminom ng tubig. Nagtakha ako sa sinabi nito kaya nilingon ko si sir Bari. Masama ang tingin niya sa nagsalita, "Shut up, Arthur." Natawa lang ulit ang lalaki at umiling bago nagpatuloy sa pagkain. Napuno ng compliments ang dinner. Gustong gusto nila ang sinigang at naubos talaga! Nang matapos ang dinner ay nagkanya-kanyang ligpit sila ng pinagkainan. "A-ako nang bahala--" "Let them do it, Chaerin. Ikaw na nga ang nagluto, sila na ang nakikain tapos gusto mo pa silang ipaghugas ng pinggan." Iritadong utas ni sir Bari kaya napatingin ako sa kanya. Kanina pa 'to ah? Ano bang problema nitong ungas na 'to? "Kami nang bahala, miss Chae. Kalma ka lang dyan." Nakangiting utas ni Ron bago bumalik sa grupo ng mga lalaking nasa kusina at nagtuturuan kung sinong maghuhugas. Nakita kong umalis ng kusina sina sir Aris at 'yong si Baron. Ang natira ay sina Ben, Arthur, Beau at Ron na pare-parehong maiingay. Napakamot ako sa ulo. Pwede naman kasing ako na lang ang maghugas eh. "Mas bata kayo kaya kayo ang dapat na maghugas." Utas ni Ben na nakasandal sa counter at may hawak na baso. "Oo nga. Lalo na ikaw, Beau. Ang dami mong kinain!" Ani naman ni Arthur. "Hoy! For your f*****g information, lahat tayo maraming kinain! Lalo na 'tong si Rongelo! Akala mo naman isang linggong hindi kumain!" Bintang naman ni Beau kay Ron. "Tangina, ako na naman! Pare-pareho tayong patay gutom kaya wag na tayong magsisihan!" Sabi naman si Ron na naka-ani ng suntok galing kay Beau. "Nandamay ka pa! Ikaw lang patay gutom dito!" Ani Beau. Nagtawanan sila at nagbangayan pa, pero, kalaunan ay nagtulong-tulong na rin sila sa paghuhugas at pagliligpit. Bumalik ako sa dining area para sana magligpit rin kaso ay nakasunod na sa akin si sir Bari, "Don't you dare help them, Chaerin." He said in a warning tone. Natigilan ako at napalingon sa kanya, "Bakit?" "I don't like it when you're too close to them." Parang wala sa sarili niyang utas dahil para siyang natauhan, "I mean..." Napakurap-kurap ako, "Ha?" Naguguluhan kong tanong. Pero, umiling lang si gago, "Just let them do it, Chaerin. Ang mabuti pa ay umakyat ka na sa taas. May pasok ka pa, diba? You should rest." Aniya sa isang malumanay na boses. Napakurap-kurap ako, "P-pero--" "No 'but's'." Seryoso niya biglang utas. Ang bilis naman magpalit ng emosyon nitong damuho na 'to! Kanina malumanay tas ngayon parang mangangain naman. Ngumuso ako, "'Pero' naman ang sinabi ko. Hindi naman 'but'." Biro ko na mukhang hindi niya nagustuhan. Kumunot ang noo niya, "Pilosopo ka na niyan? Umakyat ka na nga!" Iritado niyang utas. Inirapan ko siya bago sumunod na lang sa sinabi niya, "Hmp!" Pag-a-attitude ko bago ko siyang nilampasan. "Bye, miss Chae! See you tonight!" Ani Ron habang nagpupunas ng plato. "See you!" Pahabol pa ni Beau. Sasagot pa sana ako sa kanila kaso 'yong depongal kong bossabos ay biglang sumingit! "Bilisan niyo dyan at lumayas na kayo sa pamamahay ko!" Iritadong utos ni sir Bari kaya napabalik kaagad sila sa ginagawa. Napailing na lang ako at dumiretso na sa sala. Nakakainis talaga 'tong lalaking 'to! Parang may regla palagi! Nang makarating ako sa sala ay naroon sina sir Aris na may kausap sa phone at si Baron na nanonood ng TV. "Where is she? Why is she not answering her phone?" Iritadong utas ni sir Aris sa kausap. Hindi ko na 'yon pinakinggan pa dahil wala naman akong pake kaya dumiretso na lang ako paakyat sa kwarto ko para magpahinga ng kaunti bago kumilos at magayos para sa pagpasok. Celine Guevarra | celinedipityyyyy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD