Makalipas ang ilang araw...
"Ikaw na naman? Bakit ba ang kulit mo?" nakasimangot na bungad ni Rion pagkakita sa babaeng ilang araw na ring nagpapasakit ng ulo niya.
"Sus! Kung makapagreklamo naman to akala mo naman hindi mo inaanticipate yung pagdaan ko dito sa inyo. So, ano na? Payag ka na ba sa proposal ko?" nakangiting tanong ni Sabbina matapos iabot kay Rion ang "suhol" na puto at kutsinta. Ilang araw na rin itong nagdadala ng meryenda sabay mangungulit tungkol sa pinaka-weird na suggestion na narinig ng binata sa buong buhay niya.
'Damn! She's cute, yes, but she's so annoying at the same time.' naisip ni Rion. Sino ba naman ang matutuwa kung wala ka pang isang buwan sa bagong subdivision na nilipatan mo pero may ganito kang klaseng kapitbahay? Yung tipong nakipagkilala at nakipagkaibigan sayo para humingi ng isang nakakalokong pabor.
To pretend and act as the K-pop idol Park Jimin to satisfy her sister's wish.
Noong una, inakala ni Rion na pinagtitripan lang siya ni Sabina. Malay ba niya kung kinulang sa nutrisyon ang babaeng ito kaya kung anu- anong kalokohan ang naiisip. But after a couple of days, he discovered that the girl is dead serious in turning him into a BTS member for one day. Like what the hell?! Hindi ba nito nahahalata sa ilang beses nilang pag-uusap na halos isumpa niya ang lahat ng bagay na may kinalaman sa bansang Korea? It only reminds him of painful memories about his -----
"Uy, ano na? Natulala ka na diyan. Nagagandahan ka na naman sakin no?"
banat pa ni Sabbina sabay tawa at hampas sa braso niya.
"Gutom lang yan, Sabina. Umuwi ka na sa inyo."
"Aba, may maganda pala kaming bisita! Rion, bakit diyan pa kayo sa may gate nag-uusap? Sabbina, iha, pasensiya ka na sa binata ko at hindi iyan marunong mag-asikaso ng bisita."
Napapikit na lang si Rion nang marinig ang tinig ng amang si Conrad, ang numero unong kakampi ni Sabbina. Tuwang-tuwa ang tatay niya sa dalaga dahil nagtitiyaga daw itong makipagkaibigan sa kanya kahit saksakan siya ng suplado.
"Hindi mo lang alam, Tay, kung paano ako tino-torture ng babaeng ito. Naku.. kung alam mo lang..." bulong niya.
"Hello po, Tito! Mabuti pa po kayo, nagsasabi ng totoo. Yung anak niyo po kasi in denial pa rin na maganda ako." natatawang sumbong ni Sabbina.
"Huwag kang mag-alala iha. Ipapacheck up ko yan sa doktor, baka lumalabo na ang mata."
At nag-join forces pa ang dalawa sa pagtawa! Talaga naman!
Hinintay ni Rion na iwan sila ng ama sa sala bago siya muling nagsalita.
"Sabbina, my answer to your proposal is still a big no. Hindi ko kayang mag-cosplay o magpanggap na K-pop idol for the sake of your sister's birthday celebration. I admire your intention but I don't want to be part of that plan." determinadong pahayag niya.
"Pero bakit ayaw mo? Naikuwento na sa akin ni Tito Conrad na member ka ng dance troupe at drama club sa since high school so alam kong hindi mo poproblemahin ang pagpeperform ng Serendipity. It's just for one day, Rion. Hindi ko naman sinasabing maging Park Jimin ka for the rest of your life." binuksan nito ang dalang bag.
"See? Dinala ko pa nga itong precious ARMY bomb ko para magcheer habang nagpa-practice ka for your performance." At inumpisahan ngang igalaw ni Sabbina ang lightstick na akala mo ay nasa isang K-pop concert siya sa MOA Arena.
Tinangka ni Rion na hawakan ang kamay ni Sabina para tigilan na nito ang kaka-wagayway ng lightstick at makapagfocus sa pinag-uusapan nila. But fate decided to play a cruel joke on them. His sudden movement caused a disaster. Imbes na ang kamay ni Sabbina, ang mismong ARMY bomb ang natabig niya.
Tila huminto ang mundo nang marinig nila ang malakas na pagbagsak ng ARMY bomb sa sahig.
Dahan-dahang yumuko si Sabbina para pulutin ang lightstick. Agad nagbadya ang luha sa mga mata ng dalaga lalo na nang sabay nilang makita ang damage na tinamo ng walang kamalay-malay na ARMY bomb.
Kitang-kita ang crack sa gitnang bahagi nito!
"Sabbna, I'm sorry. Ikaw naman kasi---" hindi na natapos ni Rion ang pagpapaliwanag dahil nagmamadaling lumabas ng bahay ang dalaga.
Hindi maipaliwanag ni Rion kung bakit hindi siya mapakali sa ideyang umiiyak ngayon si Sabbina at siya ang may kasalanan. He wants to kiss those tears away and assure her that everything will be alright.
"Damn..."
He can no longer resist the urge so he ended up running after her.