bc

SEDUCING THE FAKE PRINCE CHARMING

book_age18+
14
FOLLOW
1K
READ
like
intro-logo
Blurb

“Gusto kong makita si Park Jimin!” naluluhang announcement ng Ate Sabrielle niya nang puntahan niya ito sa kuwarto para yayaing maghapunan.

Parang gusto na ring sabayan ni Sabbina ang pag-iyak ng ate Sabrielle niya. Magtatatlong buwan na ang ipinagbubuntis nito at nasa stage na ito ng paglilihi. Ang nakakaloka nga lang, sa dinami dami ng pagkaing puwedeng paglihian, bakit isang taong nasa Korea pa ang napagdiskitahan nito?

“Papa God, padalhan nyo naman po ako ng ka-look a like ni Park Jimin, sige na po. Promise, kahit ang bait bait ko na ngayon mas magpapakabait pa po ako. And I thank you. Amen.”

Walang kamalay-malay si Sabbina sa malaking sorpresang naghihintay sa kanya kinabukasan.

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Ang Malaking Problema ni Sabbina
"Excited na ako para sa birthday celebration mo, Ate Sabrielle! I'll make sure that this will be your best birthday ever!" masiglang bulalas ni Sabbina habang isinasara ang notebook kung saan nakalista ang mga plano para sa ino-organize niyang event para sa ika-tatlumpu't isang kaarawan ng nag-iisa niyang kapatid. "Okay." matamlay na sagot ng ate niya na kanina pa nakatunghay sa labas ng bintana. Napabuntung-hininga na lang si Sabbina. Ilang linggo nang malungkot ang ate Sabrielle niya at hindi na niya alam ang gagawin para pagaanin ang loob nito. "Kasalanan talaga to ng walang kuwentang lalaking iyon. Makarma sana siya as soon as possible!" nanggigigil na bulong niya pagkaalala sa talipandas na ex-boyfriend ng ate Sabrielle niya na parang magic na naglaho pagkatapos malamang buntis ang kapatid niya. Financially speaking, kayang kaya ng ate niya na maging single mother dahil ito ang namamahala sa lahat ng negosyong iniwan ng mga namayapa nilang magulang. Pero syempre, iba pa rin kung may katuwang ka sa pagpapalaki sa bata. Her sister has been an amazing guardian and best friend to her. Ang sakit isiping wala man lang siyang magawa para maibsan ang lungkot nito. Sabbina hugged her Ate Sabrielle. "I know, hindi madali ang pinagdadaanan mo ate pero huwag mong kakalimutang andito lang ako ha?" "Thanks sis." "At dahil love kita, ise-share ko sayo ang mga babies ko. Panoorin mo muna to para hindi ka mainip habang nagluluto ako ng lunch natin." excited na sabi ni Sabbina habang iniiwan sa kapatid ang cellphone. "Puro BTS lang ang laman ng cellphone mo eh. Di naman ako K-pop fan." reklamo ni Sabrielle. "Just try listening to them ate, okay? Trust me, you're going to love them too. Baka mamaya, sumasabay ka na rin sa aking magfanchant." Iyon lang at tatawa-tawang iniwan ni Sabbina ang kapatid. Sabbina never expected that her simple act of kindness will result into a crisis. Pagkatapos niyang pilitin ang ate Sabrielle niya na manood ng BTS videos, may pagbabago agad siyang nakita sa kapatid. She started to smile again and became more lively. She kept on listening to the songs of BTS and their conversation recently revolved around the K-pop group. In short, she managed to convert her skeptic sister into becoming an ARMY. And here lies Sabbina's dilemma. “Gusto kong makita si Park Jimin!” naluluhang announcement ng Ate Sabrielle niya nang puntahan niya ito sa kuwarto para yayaing maghapunan. Parang gusto na ring sabayan ni Sabbina ang pag-iyak ng ate Sabrielle niya. Magtatatlong buwan na ang ipinagbubuntis nito at nasa stage na ito ng paglilihi. Ang nakakaloka nga lang, sa dinami dami ng pagkaing puwedeng paglihian, bakit isang taong nasa Korea pa ang napagdiskitahan nito? Kahit naman may pamasahe siya papunta sa bansang pinagmulan ng kimchi, kpop at kdrama, suntok sa buwan pa rin ang gusto nitong maka-meet and greet ang sikat na K-pop idol. "Ano bang gagawin ko kay ate, ahjumma?" namomroblemang tanong niya sa kasambahay nilang si Manang Tere na abala sa paghuhugas ng mga pinggan. Dahil nilamon na ng sistema at saksakan ng adik sa panonood ng kdrama si Manang Tere, mas feel nito na magpatawag ng "ahjumma". "Naku, agashi! Kailangan mong mapagbigyan ang gusto ng unnie mo! Di ba may kasabihan ang matatanda, papangit daw ang baby kapag di nakuha or nakain ng buntis ang pinaglilihian niya?" Oh no! Hindi puwedeng mangyari iyon! Masisira ang pangarap niyang gawing sikat na Asian idol ang soon-to-be pamangkin niya! Hindi siya papayag na maunsiyami ang pagiging stage tita niya sa batang susunod sa yapak nina Lee Min Ho, Lee Jun Ki at Song Joong Ki! "Kasi naman, ahjumma! Paanong tumbling ang gagawin ko para makita ni ate si Jimin?!! Nasa tour ang BTS ngayon tapos di pa kasama ang Pilipinas. Wala akong balak na maging sasaeng para makita niya lang yung bias nya, no! Di bagay sa beauty ko." "Diyan ka magaling eh. Naisingit pa talaga ang pagpuri sa sarili kahit may problema ka na. Hmmm... Pagawaan mo na lang ng Jimin standee ang ate mo." Sumimangot si Sabina. "I already suggested that. Ang gusto daw po niya, makitang sumasayaw si Jimin ng Serendipity." Napailing si Ahjumma Tere. "Aigoo! Ang demanding namang buntis ng ate mo." "True. Sumasakit na nga ang brain cells ko kakaisip ng solusyon dito, ahjumma." Ilang sandali pa at dumiretso na si Sabina sa sariling kuwarto para matulog. Pero bago iyon, umusal muna siya ng mataimtim na panalangin. “Papa God, padalhan nyo naman po ako ng ka-look a like ni Park Jimin, sige na po. Promise, kahit ang bait bait ko na ngayon mas magpapakabait pa po ako. And I thank you. Amen.” Walang kamalay-malay si Sabbina sa malaking sorpresang naghihintay sa kanya kinabukasan. Naghihikab pa si Sabbina nang marinig ang pamilyar na boses mula sa labas ng kanilang bahay. "Tahoooo!" "Huh? Mas napaaga yata ng daan si manong magtataho." natatarantang bulong niya habang nagmamadaling lumabas ng bahay. Wala siyang pakialam kahit ternong pajama lang ang suot niya at hindi pa magkapares ang tsinelas niya. Ang importante, maabutan niya si manong. Nahihirapan kasing mag-function ang utak niya kapag hindi siya nakakakain ng taho sa umaga. "Manong, good morning! Dating gawi po!" masiglang bungad niya sa suking magtataho. Alam na alam na nito kung anong gusto niya pagdating sa taho kaya wala ng mahabang explanation. "Pabili nga rin po ako." Dahil sa kakamadali, ni hindi napansin ni Sabbina na may kasabay pala siya sa paglapit kay manong magtataho. Matangkad ang lalaki, maputi at halos kasing edad niya lang siguro. But it was his face that really caught her attention. Natanggal lahat ng natitirang antok sa sistema ni Sabbina nang matitigan ang kaharap. The man in front of her has an uncanny resemblance to no other than Park Jimin! "Jimin... Jimin... andito ka nga talaga.. Oh my God!" nakatulalang bulong niya. Nakasimangot na bumaling sa kanya ang binata. "My name is Rion and not Jimin. Pwede ba miss, magbayad ka muna ng taho mo bago ka matulala diyan? Nakakahiya kay manong." Iyon lang at pagkakuha ng binili, mabilis na itong tumalikod at naglakad papasok sa katapat nilang bahay. OMG! So, bagong kapitbahay pa pala nila ang doppelganger ni Park Jimin. Sabbina smiled to herself. Mukhang ito na ang solusyon sa problema niya. "You can't get rid of me this easily, Rion!" bulong niya. "Walang binatang masungit ang uubra sa isang fangirl na makulit. Tandaan mo yan."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook