"Ano ba Trenz huwag ka ngang malikot" reklamo ko bago bahagyang itinulak ang gunggong kong kasama.
Kasalukuyan kaming nakaupo sa isang bench dito malapit sa may Engineering building. Alas syete na ng gabi ngunit hindi ko parin nakikita ang lalaking kanina ko pa hinihintay dumating. Nag-aalala na ako. Kadalasan ay alas singko palang ay lumalabas na siya sa building nila para umuwi ngunit dalawang oras na kami dito pero wala parin akong nakikitang Bryant!
"TR nilalamok na ako"
"TR namimiss ko na kama ko"
"TR nagugutom na ako"
"TR umuwi na tayo"
Pinanlisikan ko siya ng mata.
"Pwede ba Trenz huwag kang reklamador! Kung gusto mong umuwi umalis ka na!"
Nakakapikon e. Kitang nag-aalala na nga ako dito para sa Kuya niya tapos kung ano-ano pa sinasabi.
Binalik ko ang tingin sa building. Bryant asan ka na ba? Sigurado akong hindi pa siya nakakauwi dahil hanggang ngayon ay bukas parin ang room na alam kong doon ginaganap ang huling klase niya. Room 101, I'm sure of it.
"Kapag nakita tayo ng school guard ay malilintikan tayo. Panigurado rin na magtataka iyon kapag may nakitang junior high school student dito sa may college department " ani Trenz.
I hate to admit it pero tama siya. Kanina pa tapos ang klase namin at isa pa'y magtataka talaga yun kapag nakita pa kami dito. Sobrang layo ng high school department sa college department nitong school.
"Kapag nakita tayo ng guard sasabihin natin na hinihintay natin kuya mo" sambit ko kasabay ng pilit na pagpapahaba ng leeg. May ilan ng lumalabas sa mga kaklase niya. In any moment ay lalabas narin siya.
"Hinihintay natin? Baka hinihintay mo" imbis na sumagot ay dali-dali kong hinila si Trenz papunta sa kuya niya.
"Trenz? Kanina pa tapos ang klase mo a" ani niya kasabay ng pagtingin sa akin.
"Anong ginagawa niyo rito?" dugsong niya.
Gosh tiningnan niya ako!
What should I do?
What should I do?
Damn. Hindi ko maiwasang titigan siya! Bryant ang gwapo mo!
"May dinaanan lang kami ni TR. Actually, uuwi narin kami" dinig kong sambit ni Trenz.
Ako?
Heto tahimik. Naubusan nanaman ng lakas. Ganito kalakas ang epekto niya sa'kin.
"Sumabay na kayo sa'min" ani Bryant.
Sa kanila?
"Oy Bryant tara na!"
Kung kanina ay sobrang saya ko, ngayon naman ay nabawasan iyon at napalitan ng inis matapos marinig ang boses na iyon. Nakita kong kumaway muna ito sa mga kasama bago lumapit sa'min. Si Bryant naman ay tinanguan lang mula sa malayo ang mga iyon.
"Ate Miles" pagbati ni Trenz sa bagong dating.
Sasabay siya sa'min? Nakakainis naman!
"Ohoy Trenz at—" bahagya siyang tumigil, tinitigan ako at ngumiti ng nakakaloko bago muling nagsalita.
"Inaanak ni Bryant"
I really hate her.
She's always addressing me in that way and I hate her for that. Kailangan ba talagang ipangalandakan na ninong ko si Bryant? Asar.
At the same time, hindi ko rin maiwasang mainis kay Mama. Sa dinami-rami ng pwede kong maging ninong ay si Bryant pa talaga ang kinuha niya.
But that may mean na meant to be talaga kami diba?
Na destined talaga kaming maging malapit sa isa't-isa!
"Oy Bryant libre mo kong pamasahe. Taghirap ako ngayon e" ani Miles na sinang-ayunan naman ni Bryant.
Napangiti ako.
Kaya hulog na hulog ako kay Bryant e. Gwapo na mabait pa!
Tiningnan ko si Miles.
Isang sakay lang ng jeep ang bahay namin mula sa school. Gayunpaman ay mas malapit ang bahay nila Miles kaya't mauuna siyang bababa. Sisiguraduhin ko lang na ako ang makakatabi ni Bryant! Isa pa'y magkalapit bahay lang kami kaya masusulit ko talaga na makatabi ko siya!
Pero syempre hindi lahat ng gusto natin ay nangyayari.
"Oy ngumiti ka naman dyan. Natatakot na yung bata sa tapat mo" bulong ni Trenz sa'kin.
Tiningnan ko naman ang bata sa tapat ko. Kung tatantyahin ay mukhang limang taong gulang na ito at malapit ng umiyak habang nakatingin sa'kin.
Inaano ko siya dyan? Nananahimik ako dito e.
Siya nga itong may kasalanan sa'kin. Kung sana ay kumandong nalang siya sa nanay niya kanina edi sana ay katabi ko si Bryant. Nagdidikit sana ang mga braso namin ngayon! Ang ending tuloy ay ako ang nag-adjust. Wala akong choice kundi ang umupo sa tapat nila.
Oo! Sila ni Miles ang magkatabi ngayon. Bali si Miles, si Bryant at yung bata ang magkatabi ngayon.
Dahil nga kailangan ko munang malaman kung saan uupo si Bryant ay sinadya kong magpahuli sa pagsakay sa jeep. Si Miles ang naunang sumakay kasunod si Bryant. Nang nakitang tumabi si Bryant kay Miles ay sasakay narin sana ako para pumwesto sa kanang tabi ni Bryant pero bago pa man makaupo ay naunahan na ako nung bata.
"Sige ka, baka biglang makita ka ni Kuya na nakasimangot tapos mapapangitan siya sayo mas lalo kang mawawalan ng chance sa kanya niyan" ani ulit ni Trenz kaya bigla akong ngumiti.
Dapat palagi akong maganda sa paningin ni Bryant no!
Bahagya kong hinawi ang aking buhok pagkatapos ay malumanay na inilabas ang aking wallet.
Bakit malumanay? Kasi baka nga nakatingin si Bryant!
Malapit ng bumaba si Miles kaya sigurado akong mag-aabot ng bayad si Bryant. Ang plano ko ay isabay ang aking bayad sa kanya. Sa kanya ko iaabot ang aking bayad. Hindi ko man siya nakatabi, tiyak na mahahawakan ko ang kanyang kamay kapag kinuha na niya ang bayad.
"Ako na Threin" ani Bryant nang inaabot ko na sa kanya ang aking bayad.
Mission Failed.
I like him because he's kind so yeah.
"Hindi na po, ako na" nahihiya kong sabi.
"Ano ba Threin leave it to ninong okay?" sambit ni Miles na tinawanan ni Bryant.
Yeah, I hate her.
"Oo nga Threin. Ako na bahala" dugsong ni Bryant.
Okay lang naman kung ililibre niya ako kaso bilang inaanak talaga?
Nakakasakit naman.
Aapila pa sana ako nang narealize ko para saan pa?
"Okay po" ani ko at hilaw na ngumiti.
"You okay?" bulong ni Trenz na tinanguan ko.
Someday, pangako, Bryant will see me as a woman and not as his godchild.