"O bakit ka umiiyak?" I stare at him as he kneel down infront of me.
Dapat ko bang sabihin sa kanya?
Umiling ako kasabay ng pagpahid ng aking mga luha. Maybe I'm just being too dramatic.
"Tell me, ano yun?"
Umiling ulit ako. Sinubukan niyang mas lumapit sa'kin pero lumayo ako. I don't know him. Mama told me not to talk to strangers.
Buong akala ko ay aalis na siya ngunit nanatili parin siya sa tabi ko. Hindi nagtagal at tinawag narin siya ng kasama niya. Sumenyas muna siya rito kaya umalis din agad ito. Pagkaalis nung isa pang lalaki ay inilahad niya ang kanyang kamay sa akin.
"Ako si Bryant. It is nice meeting you Threin"
Paano niya nalaman ang pangalan ko?
"Threin anak"
Si Mama!
Dali-dali kong pinunasan ang aking mukha. Ayokong malaman niya na umiyak ako.
"O nagkita na pala kayo iho" Ani Mama sa lalaki.
Naguguluhan akong lumapit kay Mama.
He's not a bad guy but who's he?
"Threin nagmano ka na ba kay ninong mo?" tanong ni Mama sa akin.
Ninong?
Pinagmasdan ko siya. Bakit ngayon ko lang siya nakita?
"Panganay na anak si Bryant ni Tita Maureen mo. Ngayon mo lang siya nakita dahil sa lola niya siya tumira pero ngayon ay kila Tita Maureen mo na siya ulit." paliwanag ni Mama.
Tita Maureen is my Mom's bestfriend. So ibig sabihin ay kapatid siya ni Trenz?
Nang maunawaan ang lahat ay dali-dali akong lumapit upang magmano although I find him a bit younger than my other godparents.
Alam kaya ni Trenz na nandito ang kuya niya?
"Ayan magmano ka. Alam mo bang itong si Bryant ang kadalasang kasama ko noong ipinagbubuntis kita? Limang taong gulang palang siya nun pero nagagawa niya akong tulungan sa maliliit na bagay kapag wala ang Papa mo" Ani Mama na nakangiti. Mukhang tuwang-tuwa siya sa aking ninong.
"Naku Tita kayo nga po yung nag-aalaga sa'kin nun e" mapagpakumbaba niyang sagot.
Unlike Trenz mukhang mabait siya.
Geeez just thinking of that Trenz kid makes me sick.
"Naku iho ikaw talaga" nakangiting sagot ni Mama.
"Kumain ka na ba? Magkusa ka ng kumuha ng pagkain doon sa loob. Nanduon din ang Mommy mo. Aalis lang ako saglit. May kailangan lang akong bilhin" ani Mama pagkatapos ay tumingin sa'kin.
"Ikaw naman Threin pumasok ka narin sa loob. Kanina ka pa hinahanap ng mga tita mo. Ikaw itong birthday celebrant kaya marapat lang na nandun ka. Samahan mo ang ninong mo sa loob" ani Mama bago umalis.
Naiwan tuloy kami ng aking ninong dito sa labas.
Ano nga ulit pangalan niya? Bryant?
"Kung ayaw mo pang pumasok sa loob ay ayos lang" panimula niya.
Tiningnan ko siya.
"Umiiyak ka kanina. Pwede ko bang malaman kung bakit?"
Napanguso ako.
Tapos na akong umiyak bakit kailangan niya pang ipaalala?
"Oh so hindi pwede" sambit niya nang makita ang ekspresyon ko.
Bumalik ako sa pagkakaupo sa damuhan pagkatapos ay niyakap ang aking tuhod. Likas na maraming hardin dito sa harapan ng aming bahay dahil hilig ni Mama ang mga halaman kaya't gumulong man ako ay ayos lang dahil natatakluban ng d**o ang lupa. Lumabas ako ng bahay para walang makakita sa pag-iyak ko pero may nakakita parin.
"Happy 7th birthday" napatingin ako sa kanya. Gaya ko ay nakaupo rin siya sa damuhan.
Kinuha niya ang kamay ko at iniabot sa akin ang kanyang regalo kasabay ng isang strawberry flavored lollipop. Napadukdok ako sa aking tuhod pagkatapos niyon.
"Trenz, I hate Trenz. Inagaw niya chocolates ko" sumbong ko.
Maybe he will scold his brother?
"That's why I'm giving you that. Don't worry pagsasabihan ko si Trenz"
Alam niya?
I see. Nakita niya rin siguro yung pag-aaway namin kanina ni Trenz.
"Isa pa hindi ba't mas masarap naman ang strawberry flavored lollipop kumpara sa chocolates?" aniya bago ngumiti.
Binuksan ko ng lollipop na binigay niya.
Ngumiti ako sa kanya. Mas masarap nga.
And that's how I first met him.
........
"TR gising"
"TR!"
"Kababaeng tao batugan" binato ko siya ng unan. Umaga umaga panira ng araw. Judgemental din!
"Kelan ka pa inampon ni Mama ha? Umalis ka nga palagi ka nalang nandito!" bulyaw ko sa kanya pero hindi manlang siya naapektuhan.
Binato ko ulit siya.
"Trenz naman umagang umaga umalis ka nga sa kwarto ko" reklamo ko ngunit nakihiga lang siya sa kama ko. Tumabi pa sa akin ang kupal.
"Alas dos na ng hapon TR. Hindi na umaga kaya gumising ka na dyan" ani niya habang nakapikit. Mukhang plano pa niyang makitulog.
Itinulak ko siya paalis ng kama.
"Wala ka bang sariling bahay? Umuwi ka nga sa inyo"
"Beside you feels like home" Ani niya na nagpangiwi sa'kin.
Kahit kelan talaga siraulo e.
"Ano ba Trenz umalis ka nga!"
Halos lahat na ata ng lakas na meron ako ay inilabas ko na pero hindi parin siya naalis sa kama. Masyado siyang malakas bwisit.
"Trenz ano ba!"
Sa sobrang inis ay tumayo ako at tinapakan siya sa tiyan kaso hinila niya rin ako kaya parehas kaming nahulog. Mabuti nalang at carpeted iyong sahig, idagdag pang sinalo ng braso ni Trenz ang ulo ko kaya hindi gaanong masakit ang pagkabagsak ko.
Agad akong bumangon upang hilahin siya patayo.
"Hindi ako aalis hangga't hindi ka pumapayag" ani niya, hindi parin bumabangon mula sa pagkakahiga sa sahig.
"Ayoko nga e. Natutulog ako" sagot ko sa kanya.
Noong isang araw niya pa ako kinukulit tungkol dyan pero ayoko talaga.
"Tss manunuod lang naman tayo . Pumunta ka na" pangungulit niya.
"Ayoko nga"
Tumigil na ako sa pagpipilit na itayo siya. Sinasadya niyang magpabigat kaya't umupo nalang ako sa kama at bahagyang sinisipa ang tagiliran niya. Mahina lang iyon at hindi naman siya nagrereklamo kaya itinutuloy ko parin.
"Wala ka namang ginagawa ngayon"
Ngumuso ako.
"Ayokong lumabas, nagpapaputi ako" paliwanag ko na tinawanan niya.
"Para saan ba 'yan? Maputi ka naman a" pag-uusisa niya.
Ngayon ay nakaupo na siya. Itinukod niya ang mga braso sa sahig at paharap na tumingin sa akin.
"Mahilig si Bryant sa mga mapuputing babae" pagkasabi ko palang nun ay napahugot na siya ng hininga.
Can't blame him.
Matapos ang ilang minutong katahimikan ay tumayo siya at nag-unat.
"Andun din si Kuya"