Kabanata 4

1051 Words
"Trenz saan?" "Uy Trenz saan?" "Asan na? Sabi mo nandito" Pinagmasdan ko ang paligid. Hinahanap ang isang pamilyar na mukha. "Mamaya, sigurado akong dadating iyon" aniya habang patuloy na naglalakad. Nakasunod lang naman ako sa kanya, patuloy na inililibot ang paningin sa paligid. Maraming tao dito. Asan ka ba Bryant? "TR tara dun" pag-aya ni Trenz. Hinawakan niya ang kamay ko para igiya papunta sa isang upuan but I don't mind. Pinasadahan ko pati ang kasulok-sulokan nitong basketball court. Tinampal ko sa braso si Trenz. "Sabi mo pupunta siya dito!" asik ko sa kanya. "Pupunta nga, umupo ka muna dyan" seryoso siyang nakatingin sa mga naglalaro kaya tumahimik na ako. Matapos niyang sabihin kanina na nandito si Bryant ay dali-dali akong nagbihis. Alam na alam niya talaga kung paano ako mapapasunod. Pilit kong pinahaba ang aking leeg upang maghanap. Ayoko munang kulitin si Trenz. He's a big fan of basketball samantalang ako naman ay walang maraming ideya tungkol sa laro. Ang tanging alam ko lang ay kailangan ishoot yung bola sa ring at kailangang magpataasan ng puntos. Isa pa'y nasa huling kwarter na ang laban nung dumating kami, nangangahulugan na patapos na ito so what's the point? Bahagya akong natigilan nang may marealize. Hindi kaya umuwi na si Bryant? Masyado bang matagal ang pagbibihis ko kanina? Sa isiping iyon ay nawalan ako ng gana. Hindi naman sinungaling itong si Trenz kaya naniwala talaga ako nang sinabi niyang nandito ang kanyang Kuya. Iyon nga lang ay baka nakaalis na bagay na hindi pa niya napapansin. Tiningnan ko si Trenz. Gusto ko sanang ayain na siya pauwi ngunit nang makita kong tutok siya sa panonood ay umayos nalang akong umupo. Pagkatapos nitong game ay tsaka ko nalang siya aayain. Wala rin naman akong gagawin sa bahay. Hinintay kong matapos ang game bago tumayo. "Ayan na Trenz tapos na. Umuwi na tayo" Ani ko at nakangiting nag-unat. Hindi naman halatang uwing-uwi na ako diba? "Hi Trenz!" ani ng matinis na tinig kaya sabay kaming napalingon sa pinagmulan nito. Pinasadahan ko sila ng tingin habang papalapit. Kilay on fleek, check! Nasuntok na blush on, check na check! Lips na mas plump pa sa pwet ni Jollibee, super check! Ladies and gentlemen may I present to you Sasha and friends. "Hi Trenz!" pag-uulit nila nang makalapit. "Gusto mong magmeryenda muna? After 30 minutes pa naman yung next game e" Ani Tina, ang matatawag kong kanang kamay ni Sasha. Bakit? Wala lang. Lumapit si Celine at hinawakan sa braso si Trenz. "Oo nga Trenz, libre namin" nakangiting sambit nito. Tingin ata nila ay naghihirap ang kaibigan ko. "Kayo nalang, busog pa ako" mapagpakumbabang sagot ni Trenz sa kanila na ikinataas ng aking kilay. Isa pa 'tong gunggong na 'to e. Mukhang hindi basketball ang ipinunta kundi yung mga babae niya na palagi atang aattend ng sagala. "Naku ikaw talaga. For sure magugutom ka rin pagdating na'tin dun" ani Sasha sabay lingkis kay Trenz at ngumiting lumalabas pati ngidngid. Eww. "Hindi talaga. Isa pa'y may pupuntahan pa kami ni TR" pagkasabi ni Trenz niyon ay mukhang tsaka lang nila napansin na may kasama ito. Nahuli kong pinagtaasan nila ako ng kilay at dahil nga isa akong mahinhing babae na may mahabang pasensya ay tinampal ko ang maduming kamay ni Celine sa braso ng aking kaibigan. Nakangiti ko ring inalis ang pagkakalingkis ni Sasha. Sa sobrang mature ko rin ay nagawa kong kumuha ng alcohol at ipinahid ito sa nahawakang braso ni Trenz in front of them bago ko siya hilahin paalis sa kanila. Why did I do that? The answer is simple, gusto ko lang silang inisin. "Are you in the mood or not?" ani Trenz matapos naming makalayo. Halatang pinipigilan ang pagtawa. I glare at him to show my annoyance. Sasha likes Trenz. Alam ko iyon, matagal na. Wala naman sanang problema iyon sa akin dahil wala naman akong kinalaman dun not until they do shitty things on me. Christmas party namin iyon last year. Umalis lang si Trenz saglit para kamustahin yung tropa niya sa kabilang section. Lumapit silang tatlo sa'kin tapos ay tinapunan ako ng spaghetti. Eksaktong white dress ang suot ko kaya't halatang halata talaga. Sa sobrang pagkabigla ay natigilan ako ngunit nang matauhan ay malumanay ko silang tinanong kung anong problema dahil buong akala ko talaga ay kinikilala nila ako bilang kaibigan. Noong nalaman ko kasi na may gusto kay Trenz si Sasha ay tumulong pa ako para mapalapit ito sa kaibigan ko tapos ay tatapunan lang nila ako ng spaghetti? I don't get it. They told me that they hate me. Tinawag pa nila akong linta na palaging nakadikit kay Trenz na alam kong hindi totoo. Binuhusan din nila ako ng juice. Mama taught me not to let others belittle you kaya't lumaban ako pero syempre tatlo sila at mag-isa ako nun kaya dehado talaga ngunit okay lang. At least alam na nila na hindi ako iiyak nalang kapag sinaktan. Ang ending, pinatawag kami sa guidance. Trenz didn't know na he's the reason kung bakit ako nakipag-away noon. Ang alam lang niya ay naiinis ako sa tatlong iyon. I don't intend to tell him the real reason behind that hate. Ayokong sisihin niya ang sarili. "Kanina nakangiti ka tapos ngayon nakasimangot. Ano ba talaga?" kumakamot siya sa ulo nang sabihin iyon pero hindi parin nawawala ang ngiti sa labi. Ganyan 'yan e. Tuwang tuwa kapag nagmamaldita ako. Hindi ko alam kung aware siya sa nararamdaman ni Sasha tulad ng hindi ko rin alam kung papaanong patay na patay ang isang iyon sa kaibigan ko. Pinasadahan ko ng tingin si Trenz. Mula ulo hanggang paa niya ay sinuyod ng aking mga mata. He's in grade 8 just like me pero ngayon pa lang ay marami na ang nagpapakita ng interes sa kanya bagay na hindi ko talaga maintindihan. I mean, he looks simple compared to Bryant. "Magtusok-tusok muna tayo" pag-aya niya sa'kin kaya't agad akong umiling. "Umuwi na tayo" Wala na rito si Bryant so wala rin silbi ang pagstay ko. "Akala ko ba ay gusto mong makita si Kuya?" "Baka umuwi na yun" Ani ko, nawalan na ng pag-asa. Kasalukuyan akong nakatingin sa daan pauwi nang hinawakan ni Trenz ang ulo ko sabay turo sa hindi kalayuang side ng court. "Edi sino yun?" tanong niya kasabay ng mahinang pagtulak sa'kin. Si Bryant!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD