Si Bryant!
Dali-dali kong hinila si Trenz papunta sa may nagtitinda ng fishballs. Agad akong kumuha ng stick at nagsimulang magtusok ng kung ano mang itinitinda ni Manong.
Bryant is here and he's with a girl!
Bryant is wearing a jersey shirt and short which means maglalaro siya. The girl on the other hand is simply wearing a plain black lettuce top paired with jeans and a white shoes.
Pinagmasdan ko ang aking suot.
Masyado akong minadali ni Trenz kanina kaya't isang simpleng puting T-shirt na pinaresan ng maong short ang suot ko. Dahil nga medyo malapit lang ang lugar na ito sa amin ay nagtsinelas nalang ako.
Agad akong nagpanggap na busy sa pagtutusok-tusok nang mapadako ang tingin ni Bryant sa amin. Hindi kami ganoon kalapit ngunit sapat na ang distansya para mamukhaan namin ang isa't isa.
"Ayaw mong lumapit?" tanong ni Trenz, nakapamulsang nakatingin sa akin.
Inabutan ko siya ng stick. Gunggong e, pinapanuod lang ako e siya 'tong nag-aya magtusok.
"Sino iyong babaeng kasama?"
Nilingon niya sila Bryant kaya't agad ko siyang binatukan.
"Huwag mong tingnan baka isipin sila pinag-uusapan natin"
"Bakit? Hindi ba?" mapang-asar niyang tanong.
Inirapan ko siya bago gigil na isinawsaw ang natusok kong fishballs.
"Kumain ka na nga lang dyan!" Ani ko bago nilantakan ang aking pagkain.
Pasimple parin akong patingin-tingin kay Bryant at sa kasama niya nang biglang tumawa ang aking kaibigan.
"Ano?!"
Ganun ba siya kasabik sa fishballs?
Itinuro niya ang stick ng pagkain na hawak ko pagkatapos ay tumawa.
Ano nanaman?
Iniabot ko ito sa kanya sa pag-aakalang gusto niya ring kainin ang pagkain ko pero tumawa lang siya ulit and this time malakas na.
Pinagmasdan ko ang aking pagkain pagkatapos ay ang aking kaibigan. Wala naman akong nakikitang mali sa pagkain ko pero kay Trenz ay meron. Bakit ba siya tumatawa?
I ignore him and continue in eating my fishballs. Titingnan ko sana ulit sila Bryant ngunit agad ko rin iyon itinigil nang mapansing papalapit sila sa pwesto namin.
I act normal samantalang si Trenz ay tumatawa parin. Baka nahanginan kaya ganun. Pinagtuonan ko ang aking pagkain. Gusto kong isipin ni Bryant na napadaan lang kami dito at hindi ko alam na nandito siya.
"Threin" ani Bryant pagkalapit palang sa amin. Ikinabigla ko iyon pero hindi ko ipinahalata. Ang kadalasang una niyang binabati ay ang kanyang kapatid.
Baka napapansin na niya ako? Maybe he see me as a woman na? Lihim akong natuwa sa isiping iyon.
Tumigil narin sa pagtawa si Trenz nang makita na lumapit ang kuya niya. I knew it! Siguro ay pagagalitan nito ang aking kaibigan dahil masyadong eskandaloso. Sa sobrang lakas ng tawa ni Trenz ay nagiging noise pollution na e.
You deserve it my friend.
Tumahimik ako at inintay na pagalitan si Trenz nang kanyang kuya ngunit humarap ulit si Bryant sa akin. Sabi na e, napapansin na niya ako! Ngumiti ako ng malaki. Sinigurado ko rin na hindi lumalabas ang aking ngidngid sa ngiting iyon. I don't plan to be the second Sasha no! Monthly akong nagpapadental check-up kaya't nasisiguro ko na maganda ang aking ngipin. Tipong pasok na iyon sa commercial ng isang sikat na toothpaste. Palagi rin akong nagpapraktis ngumiti sa harap ng salamin. Ayon nga sa isang commercial, 'smile says more'
Ngayon Bryant ay titigan mo ang aking magandang ngiti.
"Threin"
Mas ginandahan ko ang aking ngiti. Sige lang Bryant, sabihin mo lang ang gusto mong sabihin. I am always willing to listen!
I look at his eyes. Makikita rito na nagdadalawang isip siya kaya't binigyan ko siya ng tingin na nagpapahiwatig na okay lang, kung ano man ang kanyang sasabihin ay tatanggapin ko.
Sasabihin narin ba niya na gusto niya ako?
Hindi ba't ganoon naman. Sa mga romantic novels at movies na nabasa't napanuod ko ay ganun. Kinakabahan ang lalaki kapag aamin na sila sa isang babae.
This is it!
Magmula sa pagkamot niya sa batok hanggang sa pagbuka ng kanyang bibig ay pinagmasdan ko.
"Threin yung pinagsawsawan mo ay yung lubluban ng kutsara at sandok na ginamit ni manong"
Panandalian akong natigilan.
"A-ano?" ani ko, sinisigurado kung tama ba ang aking narinig.
Gaya ng ginawa ni Trenz kanina ay tinuro niya ang pinagsawsawan ko. Hindi ko iyon pinagtuonan ng pansin kanina ngunit dahil si Bryant na ang nagturo ay pinagmasdan ko talaga ito.
Tama siya. May nakalagay nga na sandok sa loob nito. Mas malabnaw ng kaunti ang kulay ng likodo nito kumpara sa mga katabi pa nitong iba na masasabi kong mga tunay na sawsawan ngunit dahil nga nakafocus ako kila Bryant kanina ay hindi ko iyon napansin. And the yucky part? May parang mga bubbles na lumulutang doon!
From plastering my big smile ay napalitan ito ng pandidiri. Gusto kong masuka ngunit mas gusto kong umiyak! Napahiya ako in front of Bryant. Hindi siya tumatawa pero ang babaeng kasama niya ay halatang kanina pa nagpipigil.
"Huwag mo ng kainin iyan" ani Bryant. Normally, magiging masaya ako dahil concern siya sa akin but not on this way! Nakakahiya.
Tumalikod ako at nagsimulang umalis ngunit agad ding napatigil nang sumisigaw akong tinawag ni Manong magpifishball.
"Wala ka pang bayad!" ani nito halatang galit.
May ilalala pa ito?
Nakayuko akong bumalik upang mag-abot ng bayad. Ayokong makita ni Bryant ang itsura ko. Matapos maglabas ng pera ay aalis na sana ulit ako ngunit hindi iyon natuloy dahil hinawakan ako Trenz sa braso.
Pinanlisikan ko siya ng tingin dahil doon. Napakasama ng ugali niya. Wala siyang ginawa kanina kundi ang tumawa tapos ngayon ay ayaw niya pa akong paalisin.
Imbis na matakot sa tinging ibinibigay ko ay presko siyang kumuha ng mga fishballs. Sinadya niyang bagalan ang pagkuha na parang may gustong ipakita sa akin. Nang matapos sa pagtusok ay dahan-dahan niyang itinapat ito sa mga sawsawan.
Tatlo ang sawsawan ni manong. Isang suka, isang matamis at isang matamis na may halong anghang ngunit dahil shunga ako ay sa pang-apat na lalagyan ko isinawsaw ang sa'kin which is lubluban ng sandok.
I knew that Trenz will go to the matamis na may halong anghang ngunit nilagpasan niya lang iyon at isinawsaw ang sariling pagkain sa lalagyan na pinagsawsawan ko rin!
Matapos iyon ay dire-diretso niyang isinubo ang fishballs sa kanyang bibig.
Dahan-dahan niya iyong nginuya bago nilunok at pagkatapos ay nakangiting tumingin sa akin.
"It's not that bad naman pala" ani niya at nagthumbs up.
Gross.