Kabanata 6

1016 Words
"TR paabot ng tissue" Nanghihina kong iniabot ang ilang piraso ng tissue sa kanya. I'm busy doing my thing here! "Dude that s**t tastes bad" reklamo niya na mas ikinasuka ko. "It's not the taste, it's the appearance!" ani ko matapos ilabas ang mga dapat ilabas. Damn that sawsawan! Eww! Kumuha ako ng tissue para sa sarili at pinunasan ang aking bibig. Gaano karaming bacteria ang nakain ko kanina? Napahawak ako sa aking tiyan. Ayokong magtae, mahirap. Matapos ang ginawa kanina ni Trenz ay parehas kaming tumakbo upang humanap ng lugar kung saan kami pwedeng sumuka. Maraming nakapila sa mga public comfort room kaya't ang ending ay sa gilid ng isang puno kami sumukang dalawa. We have no choice. Sorry mother earth. "We need candy" ani ko nang matapos na kaming dalawa. "Meron ako" dumukot siya sa bulsa at iniabot sa akin ang isang chocolate flavor candy. Kumuha rin siya para sa sarili. Naglakad-lakad kami at tumigil lang nang may makita ang isang public playground. Maraming mga bata ang nanduon. Umupo kami sa isang bench doon. Ilang minuto kaming natahimik pagkatapos ay sabay na natawa. "That was embarrassing!" ani ko. Ang gusto ko ay magreklamo sa sobrang lakas ng aking tawa ay parang wala lang ito. "Nakita mo yung mukha ni Manong? HAHAHAHAHA nakakatawa" nang sabihin ni Trenz iyon ay mas lalo akong natawa. Nakita nung tindero ang ginawa ni Trenz, dahil doon ay napanganga siya sa nangyari. Bilog na bilog ang dilat niyang mata. "What you did was crazy" ani ko habang inaalala ang nangyari. Alam niyang hindi talaga sawsawan iyon pero doon parin niya isinawsaw ang kanyang pagkain. Hindi niya man lang ba inisip na madumi na iyon? Siraulo talaga e. "Bakit mo iyon ginawa?" seryoso kong sambit. Hinawakan niya ang kanyang baba at tumingala bago sumagot. "Trip ko lang" Napangiwi ako. Well, thanks for that trip dahil hindi ko gaanong nararamdaman ang pagkapahiya ko kanina. ......... "Ninong Bryant how old are you?" pag-uusisa ng pitong taong gulang kong sarili sa aking ninong na nitong nakaraang buwan ko lang nakilala. Ang sabi ni Mama ay kila Tita Maureen na siya titira dahil anak siya nito ngunit nang dumating siya ay mas nakikita ko siya dito palagi sa bahay namin. Mas mukha pa ngang anak siya ni Mama kesa ni Tita Maureen e. "I'm twelve years old" simple niyang sagot at hinimas ang aking buhok. Binitiwan ko ang aking manika. Tiningnan ang daliri sa aking mga kamay at sa isa kong paa. "What are you doing?" tanong niya nang mapansin ang ginagawa ko. I told him what my Mama taught me. Ang sabi kasi ni Mama ay pwede ko raw gamitin ang aking mga daliri para magbilang. Gusto kong malaman kung ilang taon ang pagitan niya sa akin kaya ko iyon ginagawa. " You can already do Math?" mangha niyang sabi. I don't get kung bakit parang manghang-mangha siya ngunit tumango parin ako. What I'm doing is Math right? Sinimulan kong bilangin ang daliri sa aking mga kamay pagkatapos ay isinama ko ang dalawa ko pang daliri sa paa para maging eksaktong labin-dalawa ito. Nang masigurong tama ang aking ginawa ay nagbilang ulit ako hanggang pito mula doon pagkatapos ay ibinawas ito. Five? He's five years older than me. I look at him at ngumuso. "You are five years older than me" ani ako na ikinangiti niya. "You are smart Threin" pagpuri niya na ikingiti ko. I don't know. I just feel like I want to impress him. Napanguso ulit ako nang may maalala. "Your brother is smarter" ani ko, tinutukoy si Trenz. Mukhang alam na niya iyon kaya't tumawa lang siya. Siguro ay matalino rin siya, nagmana siguro sa kanya si Trenz. Tiningnan ko siya sa mata. He's smiling but it looks like iiyak na siya anytime. I don't want to see him crying. Is he in pain? Wala naman siyang sugat ngunit pakiramdam ko ay meron. I smile at him as I plan to ask something. Nang tinanong ko iyon kila Tita Maureen at Mama ay natawa sila kaya't baka matawa rin siya kapag itinanong ko iyon sa kanya. "Ninong Bryant, bakit po Maureen Donio (Donyo) ang pangalan ni Tita Maureen e babae po siya? Diba po dapat Donia (Donya)?" I expect him to laugh hard after hearing that just like what Tita and Mama did pero ngumiti lang siya at alam kong hindi totoo ang ngiting iyon. "Kasi Donio ang surname ng asawa niya" he said, a matter of fact. "Then you're name is Bryant Donio" I said cheerfully. I'm trying to lit up some unknown mood here and I hope I'm doing it right but he scoffed when he heard what I've said. "My name is Bryant Vida" pagtatama niya. But he's the son of Tita Maureen right? Inisip kong mabuti ang sinabi niya hanggang sa maintindihan ito. Trenz surname is Donio. Ganun din si Tita Maureen. I get it. Maybe I'm really not good in lifting a mood. Kinuha ko ulit ang aking manika at pilit itinuwid ang gusot sa damit nito. "Hayaan mo na ninong mas pogi ka naman po kay Trenz e" ani ko na tinawanan niya. May halong sakit pero at least totoo. "At dahil sinabi mo iyan ililibre kita ng ice cream" sambit niya bago tumayo. Talaga? He's the best ninong ever! Tumayo rin ako at hinawakan siya sa kamay. May kung anong kumiliti sa akin nang gawin ko iyon. It must be the ice cream. "Ninong, hindi ka lang po pogi mabait ka rin!" tumawa siya ulit dahil doon. Sinabi ko iyon dahil iyon talaga ang nakikita ko. Naglakad na kami palabas ng bahay. I wonder kung saan kami bibili. Tiningnan ko siya at ang aming mga kamay. Hindi naman siguro masama kung hindi ko sasabihin sa kanya na may ice cream sa refrigerator namin diba? Nakangiti kong kinumbinsi ang aking sarili. Ganito pala ang feeling kapag makakatanggap ka ng libre. Masaya pala kapag close kayo ng ninong mo. I hummed my favorite song. I hope ninong and I can live on the same house. I hope we can live together. That will be fun!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD