Kabanata 7

1083 Words
"Kilala mo na yung babae?"  Umiling siya at nagpatuloy sa pagtatype sa sariling laptop. "Sure ka?" pangungulit ko sa kanya. Nang hindi ako pinansin ay lumapit ako sa kanya at tinampal siya sa binti. Kasalukuyan siyang nakaupo sa sahig ng aking kwarto at busy sa paggawa ng irereport sa Science subject namin. Ang laptop na ginagamit niya ay nakapatong sa aking kama. Dahil nga nakahiga lang ako kanina ay mabilis ko siyang nalapitan para tampalin. Imbis na magreklamo ay tinitigan lang ako ni Trenz. That is one good thing about him. Mahaba ang pasensya niya. Madalas kaming mag-away ngunit kahit kailan ay hindi siya nagalit. Kung may magagalit man sa aming dalawa ay ako lang iyon. Sanay na siya sa ugali ko at ganun din ako sa kanya.  "Sure ka?" pag-ulit ko sa tanong. "Oo nga" sagot niya at ipinagpatuloy ang naudlot na ginagawa. Bumalik ako sa pagkakahiga ngunit bumangon ulit. Nang mabored ay nakigaya ako kay Trenz sa pag-upo sa sahig at pinagmasdan ang ginagawa niya. Hindi man halata ngunit matalino talaga si Trenz. Bagay na alam ko na simula pagkabata. May ibubuga rin naman ako pagdating sa usaping academic ngunit hindi kasing talino ni Trenz.  Niyapos ko ang aking tuhod habang papalit-palit ang tingin sa laptop at sa aking kaibigan. May suot pang salamin ang gunggong e hindi naman malabo ang mata. Feel na feel niya talaga mag-aral ngayon. "Tingin mo girlfriend kaya ni Bryant yun?" tanong ko ulit sa kanya.  Ang tinutukoy kong babae ay iyong kasama ni Bryant doon sa may basketball court noong isang araw. Sa dami ng nangyari noon ay hindi ko na nalaman kung naglaro siya o hindi. "Kung girlfriend niya yun, dadalhin niya yun sa bahay at ipapakilala sa amin" walang ganang sagot ni Trenz. Napanguso ako. "Paano mo nasabi iyan?"  "Kapag mahal ng isang lalaki ang isang babae ay nanaisin niya na ipakilala ito sa kanyang mga magulang" litanya niya na ikinakunot ng noo ko. "Hindi naman lahat ng lalaki ganyan ang paniniwala" I said, as a matter of fact. "Ganun ang paniniwala ko" ani niya. "Hindi ka si Bryant"  Kailangan pa bang hintayin ko na ipakilala ang babaeng iyon sa mga magulang nila para makasigurado? Pumikit ako at inalala ang hitsura noong babae. Maputi ito at mukha ring mahinhin, mga katangian na alam kong gustong gusto ni Bryant. Napahawak ako sa aking buhok. Ang buhok ng babaeng iyon ay umaabot sa beywang ang haba halos kabaligtaran ng aking buhok na kapantay lang ng aking baba. Napangisi ako. Ayon sa aking intel na si Trenz ay mas tipo ni Bryant ang mga babaeng may maiiksing buhok kaya't lamang parin ako kahit papaano. Likas akong may pagkamestisa nangangahulugan na maputi ako at syempre mahinhin din ako no! "Bakit ka nakangiti?" pag-usisa ng aking katabi. "Maiksi ang buhok ko, maputi ako at higit sa lahat ay mahinhin. Mga katangian na gusto ni Bryant" ani ko, sinisimulang isipin kung paanong magugustuhan at magtatapat sa akin si Bryant dahil sa mga katangiang nabanggit. "Hindi ka naman mahinhin" walang pagdadalawang isip na sabi ni Trenz kaya't binatukan ko siya. "Mahinhin nga!" giit ko.  "Hindi nga" ani niya, hinihimas ang parte ng ulo na binatukan ko. "Alam mo kanina ka pa dyan! Umalis ka na nga!" angil ko. Baka akala niya ay nakalimutan ko na hindi ako nakasilay kay Bryant ngayon dahil maaga niya akong inaya umuwi para samahan siyang gumawa ng report? "Report natin 'to TR" paalala niya na lalo kong ikinasimangot. Nakakaasar yung teacher namin, masyadong biglaan kung magpagawa ng report. Mabuti nalang dahil binigyan kami ng kalayaan pumili ng kapartner syempre ay lalayo pa ako? Si Trenz na! "Sa inyo nalang tayo gumawa" pag-aya ko sa kanya na agad niya rin inilingan. "Aralin mo itong ginagawa ko para may maisagot ka bukas" seryoso niyang saad. Sabagay, alam niya na kaya ko lang gustong doon gumawa ng report sa bahay nila ay para makita si Bryant. Tumingin ako sa orasan. Pasado alas-sais na ng hapon. "Isang silay lang Trenz panigurado naman na nakauwi na iyon" pangungumbinsi ko sa kanya. Huminga siya ng malalim at seryoso akong tiningnan. "Nagpaalam si Kuya kaninang umaga kila Mommy na hindi muna uuwi ngayong gabi kaya huwag ka ng umasa" Sa sinabi niyang iyon ay mas lalo akong naintriga.  "Bakit daw?" "Overnight, sabay daw silang mag-aaral ng mga kaibigan niya para sa isang quiz or exam whatever" ani Trenz. May parte sa aking nalulungkot dahil hindi ko manlang siya nasilayan ngayong araw. Kapag umaga kasi ay hindi namin siya nakakasabay dahil mas maaga ang umpisa ng klase namin kumpara sa kanya. Gayunpaman, natutuwa ako para sa kanya dahil pursigido siya sa pag-aaral niya. Hay. Hindi ako nagkamali ng lalaking minahal. Tumayo ako at kinuha ang aking laptop. Kailangan ko rin mag-aral. ....... "Ninong Bryant ang galing mo naman po may medal ka!" bungad ko sa kanya. Katatapos lang ng aking ninong na masabitan ng medalya dahil ayon kay Mama ay isa siya sa mga magagaling na estudyante sa kanilang klase ngayong taon. "Ang sabihin mo inggit ka lang" ani Trenz pagkatapos ay binelatan ako. Gaya ng kuya niya ay may medal din siyang suot. Napatingin ako sa ribbon na nasa damit ko. Nakalagay dito ang mga katagang 'Most Honest' ayon kay Mama ay dapat ko raw ipagmalaki iyon kaya't hindi ko pinansin ang sinabi ni Trenz. Masaya lang talaga ako para sa aking ninong. Graduate na siya ng grade 6, nangangahulugan na sa susunod na taon ay sa high school na siya. Kami naman ni Trenz ay maggrade 2 sa susunod na taon. Sana lang ay magkahiwalay kami ng section dahil naiinis na talaga ako sa kanya. Palagi niyang kinukuha ang bag ko, minsan naman ay sinusulatan niya ang aking notebook kahit hindi naman siya nagpapaalam. Mabilis tuloy na nauubos ang pahina nito. "Lahat tayo magaling" ani ng aking ninong at ngumiti. Mas nauna ang recognition namin ni Trenz kumpara sa graduation niya ngunit kahit ganoon ay napagdesisyunan ng aming mga magulang na sabay na itong ipagdiwang. Kakain kami sa isang fastfood chain, iniwan lang kami saglit nila Mama dahil may kinakausap silang mga teachers. Tiningala ko ang aking ninong. Mukhang nasasanay na siya kila tita Maureen. Minsan nalang siya pumupunta sa bahay at ilang beses ko na rin siyang nakita na kausap si Tito Chandler, iyong Daddy ni Trenz. Hiniling ko na sana palagi siyang nasa bahay namin pero kung mas masaya na siya sa bahay nila at nagkakaintindihan na sila ni tito ay ayos lang, masaya parin ako para sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD