Tinitigan ko ang sarili sa salamin. Mula sa isang flat white sandals, floral pink dress, hanggang sa itim na itim kong mga mata. Nag-apply din ako ng kaunting lipstick at blush on. Matapos mapagmasdan ang sarili ay napasimangot ako.
Kanina ko pa pinipilit na lagyan ng iba't ibang klase ng makeup ang aking mukha because I want to look mature ngunit sa huli ay isang baby pink lipstick at blush on lang ang aking ginamit. Kahit anong pilit ay mukha parin akong bata, a fourteen-year-old kid. Sinabunutan ko ang sarili sa isiping iyon.
Gusto ko ng tumanda! I want to look more mature, more feminine! Para kay Bryant! Gusto kong kapag nakita niya ako mamaya ay lilingunin niya talaga ako and he will se me as someone enough to be his girl! Agad kong dinampot ang aking cellphone ng tumunog ito. Hindi na ako nag-abalang tingnan kong sino ang caller dahil ang totoo'y kanina pa siya tumatawag.
"I still look s**t" reklamo ko bago pa man magsalita ang tumawag kaya't nakarinig ako ng mahinang tawa sa kabilang linya.
"Susunduin kita"
Agad akong napairap nang sabihin niya iyon.
"Pwede ba Trenz. Magkalapit-bahay lang tayo. Para namang maliligaw ako pagpunta dyan sa inyo"
"Kanina pa nagsimula itong celebration TR, kelan mo balak pumunta rito kapag tapos na?" sarkastiko niyang tanong.
Tama naman siya, kanina pa sila nagsimula.
"Galit ka na niyan birthday boy?" pang-aasar ko sa kanya.
Yup. Today is Trenz Donio Day!
Dahil nga may pasok kami kanina ay napagkasunduang idaos ang birthday ng gunggong kong kaibigan ngayong gabi. Hindi ako nahirapang magpaalam kila Mama dahil sa kalapitbahay lang naman.
"Hindi pero kapag hindi ka pa pumunta rito, susunduin na kita"
napangiwi ako matapos marinig iyon.
Kapag sinundo ako ng mismong may birthday ay nakakahiya. Magmumukha akong masyadong paespesyal.
Inayos ko ng bahagya ang nagulo kong buhok.
"Papunta na"
"Finally, after almost two hours of waiting, you're already here! Should I say thank you?" bungad sa akin ni Trenz pagkapasok ko palang sa bahay nila.
"San sila Tita?"
Sa sobrang dami ng inimbita ni Trenz ay nagmukhang club itong bahay nila. Kalahati ata ng estudyante sa school ay nandito. I wonder kung anong reaksyon nila tita Maureen.
"Pinaalis ko muna, nandun kila lola"
Agad ko siyang binatukan dahil sa narinig. Siraulo, paalisin ba naman daw sariling mga magulang sa sarili nilang bahay.
"Hindi nila trip ang ganitong kasiyahan TR. Isa pa'y sila mismo ang nag-offer nito" paliwanag niya na pinagdududahan ko parin. May kulang, pakiramdam ko may hindi siya sinasabi. Pinagtaasan ko siya ng kilay dahil doon. I see him as someone who sincerely love his parents tapos biglang ganito?
"Fine. Gusto nilang doon magcelebrate ng birthday ko sa Batangas. Ang problema, alam kong hindi ka papayagan ni Mama mo kaya sabi ko dito nalang. I told them that I will throw a party. We both know na ayaw ni Daddy ng sobrang ingay, ipinaliwanag ko lahat ng cons at kung bakit mas mabuting umalis muna sila. Isa pa, miss na talaga ni Mommy si lola. They both agreed on this, wala akong ginagawang masama" ani niya matapos makita ang seryoso kong tingin.
Natatawa ako sa reaksyon niya habang nagpapaliwanag. But knowing the fact na mas pinili niyang dito magcelebrate para lang makasama ako flatters me. Isinukbit ko ang aking braso sa leeg niya at parang sirang lumambitin sa kanya.
"Eyyy I'm really that important to you huh" sambit ko na sinuklian niya ng ngiti.
"Happy 15th birthday bestfriend kong gunggong" dugsong ko kaya't mabilis na napalitan ang ngiti niya ng isang simangot.
"Birthday boy tagay!" sigaw ng isang lalaki kaya't napatigil ako sa ginagawa. Pagewang gewang na ito habang papalapit sa direksiyon namin. Maging ang ilang malapit sa pwesto namin ay napapatingin dito at natatawang umiiling nalang. Alas-nwebe palang ng gabi ngunit bakas na ang kalasingan sa kanyang sistema.
"Oy tagay" sambit nito, hawak ang dalawang can ng beer, ibinibigay kay Trenz ang isa.
"Ikaw Miss? Gusto mo rin?" alok nito at sa akin naman ibinibigay iyong isa pa.
"Kuya Jez, hindi pa pwede sa'min iyan. Minors pa kami" mahinahong pagtanggi ni Trenz na pinapangalwahan ko. Kaunting lapat lang ng alak sa lalamunan ko ay tiyak na malilintikan ako sa aking mga magulang.
Bakit kasi may alak dito? Alam ba ito nila Tita?
"Naku naman Trenz! Parang di lalaki. Minsan lang mabuhay kaya enjoyin niyo!" ani nito. Hindi ko alam kung matatakot ako o matatawa dahil lasing na lasing na ito.
"Sinong nagpasok ng alak?" tanong ko kay Trenz pagkatapos niyang tulungan iyong mga kaibigan ng lasing na lalaki kanina na dalhin ito sa guest room para doon magpahinga. Matapos kasi kaming payuhan na minsan lang daw mabuhay ay bigla nalang itong natumba, humiga sa sahig at nakatulog.
"Iyong mga kaibigan kong nasa kolehiyo na" sa sinabi niyang iyon ay isang pangalan ang lumabas sa bibig ko.
"Si Bryant? Nasaan?"
Ang totoo ay kanina ko pa iniisip si Bryant, halos araw-araw naman ata. Kanina ko parin sinusuyod ang paligid upang hanapin siya. Birthday ito ng nag-iisa niyang kapatid kaya't nararapat lang na nandito siya. Nang sabihin ni Trenz na pumunta sila Tita Maureen sa magulang nito ay pumasok sa isip ko na kasama nila si Bryant ngunit nang makita ko iyong lalaking lasing kanina ay nabuhayan ako. Kaibigan iyon ni Bryant na naging malapit narin kay Trenz.
Imbis na sumagot ay hinila niya ako sa kusina. Doon nakalagay lahat ng handa para sa selebrasyon at kung sino man na gustong kumain ay malayang pumunta doon ngunit mas gusto ata ng mga bisita na makipagkwentuhan sa salas. May nakita rin akong naglalaro ng baraha at kung ano-ano pa kanina. Hindi rin nakalampas sa paningin ko ang grupo nila Sasha na pagpasok ko palang ay matalim na ang tingin sa akin.
"Kumain ka muna" ani Trenz at nagsimulang maglagay ng mga pagkain sa plato ko. Pinagmasdan ko siya habang ginagawa iyon. Magkaibigan na kami simula pagkabata and the by way he acts right now, alam ko na kaagad na may iniiwasan siya. It's like he's protecting me from something.
Pero ano yun?