Kabanata 16

1012 Words
Today's the day. Wearing my white dress that is above the knee paired with a 3 inch heels ay pumasok ako sa kainang iyon. Isang linggo na ang lumipas matapos ang aking kaarawan and all I can say is I love the freedom my age gave me. Pakiramdam ko'y isa na talaga akong ganap na babae. Inilibot ko ang tingin hanggang sa magtama ang aming mga mata. Nakangiti akong lumapit sa kinaroroonan niya. "Congrats Bryant!" huminto ako saglit at pineke ang pag-ubo. "I mean, congratulations Engr. Vida" Yup, natupad na ang pangarap ng lalaking mahal ko. "Salamat, umupo ka na" nakangiti niyang sambit na lalo kong ikinatuwa. Bago umupo ay hinalikan ko muna si Mama maging sila Tita Maureen at Dei na nanduon na rin bilang tanda ng aking pagbati. Iisang bangko nalang ang wala pang laman at iyon ay ang pwesto sa tabi ni Trenz na ang katapat ay si Bryant kaya't walang pagdududang doon ang pwesto ko.  Tulad ng nakasanayan ay nandito kami para magselebra dahil kalalabas lang ng list ng mga passers sa Engineering board exam at isa si Bryant sa nasa listahan. He never fails to amaze me. Sobrang nakakaproud. "Bakit ngayon ka lang? Saan ka ba nanggaling?" tanong ni Tita Maureen na agad namang sinagot ni Mama para sa akin. "May dinaanan pa kasi iyan kanina. May inaasikaso sa eskwelahan" tumango ito sa narinig. "Oo nga pala, kayo naman nitong si Trenz ang magkokolehiyo" ani nito at tiningnan si Trenz na ngumiti lang. Mukhang wala sa mood ang loko ngunit hindi ko muna iyon binigyan ng pansin. I already told him everything that I am planning to do. Wala naman siyang reaksyon so I take that as a yes. Kung nagkataon naman na hindi siya sumang-ayon ay wala pa rin siyang magagawa. Gagawin ko pa rin ang gusto. Minsan lang mabuhay so why not take the risk? Ayokong tumandang puro what ifs. "Kayong dalawa" biglang nagsalita si tito Chandler kaya nakuha niya ang atensyon namin. "Kapag magboboyfriend o girlfriend ay humanap kayo nitong kagaya ni Dei" payo nito sa amin na obviously ay hindi ko susundin. Bakit pa ako maghahanap ng isang Dei kung pwede naman akong maghanap ng tulad ko? Pero syempre ay mas gusto ko iyong mga tulad ni Bryant. "Dei, napakaswerte ng anak kong si Bryant sa'yo" dugsong pa nito na muntik ko ng ikangiwi. Mas magiging swerte 'yan tito kung sa akin mapupunta. "Swerte rin naman po ako kay Bryant" sagot ni Dei habang nakatingin sa lalaking mahal ko at ganun din ito sa kanya. Gusto kong mainis dahil maging si Mama ay nakisang-ayon sa sinabing iyon ni tito Chandler. Lahat sila ay natutuwa sa dalawa dahil simula raw kolehiyo ay sila ng dalawa ang magkasintahan. "Naku! Pasasaan ba't sa kasalan din ang bagsak niyan!" masiglang ani ni tita Maureen na naging dahilan ng biglaan kong pag-inom ng tubig. Nasa kalagitnaan na sila ng pagkukwentuhan nang dumating ako. Hindi ko naman inaasahan na ganito pala ang pinag-uusapan nila. Nasasaktan ako. Tumayo ako at nagpaalam muna para magbanyo bagama't hindi maiiihi. Wala akong ginawa kundi ang titigan lamang ang sarili ko sa salamin. Kung dati ay iiyak ako dahil sa ganoong bagay ngayon ay wala iyon sa plano ko. I already made up my mind. Gusto kong malaman ni Bryant ang nararamdaman ko sa kanya. At si Dei? Wala akong pakialam kung matagal na sila or what. I just want Bryant to see me. Now that I'm on the right age ay mawawalan pa ba ako ng lakas? Matapos ng ilang minutong pagkumbinsi sa sarili ay lumabas na ako doon. "You okay?" tanong agad ng lalaking palaging nasa tabi ko.  Ngumisi ako at tumango. "Mapapagkamalan kang manyak dyan sa pwesto mo" siraulo e. Eksaktong paglabas ko ng C.R ay mukha agad ni Trenz ang bumungad sa akin. Ikinibit niya lang ang balikat at sumunod sa akin pabalik sa lamesa. Masaya pa rin ang kwentuhan nang dumating kami. Sa unahang bahagi ng lamesa nakapwesto si tito Chandler, nasa kanan naman niya si tita Maureen na ang katabi ay si Mama sunod ako tapos si Trenz. Katapat ko si Bryant na katabi naman si Dei. Hindi ko alam kung anong nangyare basta nagising nalang ako isang araw na ayos na sila ni tito Chandler and I'm happy for him on that. Wala si Papa dahil busy siya sa trabaho. Tiningnan ko ng mabuti si Bryant. Nakikipagkwentuhan siya sa mga magulang namin at ganoon din si Dei. They actually looks good together. I rolled my eyes, pero syempre ay mas gaganda iyon kung ako at si Bryant ang magkasama. Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang paper bag na nasa tabi nila kanina. Sigurado akong congratulatory gift iyon. Syempre ay may regalo rin ako kay Bryant. Pasimple kong hinubad ang heels na suot. Last time ay may napanood akong YouTube video gusto ko lang malaman kung anong magiging resulta kapag ginawa ko. Dahan dahan kong itinapat ang kanan kong paa sa sapatos ni Bryant. Paano ko nalaman na kay Bryant iyon? Silang dalawa lang ni Dei ang nasa harapan namin and Dei is also wearing a heels right now. Dahan-dahan ko iyong iniakyat sa kanang paa ni Bryant. I look at him while doing that. I want to see his reaction. Natigilan siya. Neverminding the sudden volt it gives me, my feet touch his legs in the lightest sense I could do. I want to make him feel like there's a feather touching him underneath. Tulad kanina ay nagtama ang aming tingin. Ang inosenteng tingin na ibinibigay niya sa akin kanina ay napalitan ng pagkalito. Now, do you still see me as a kid? Bahagya niyang iniwas ang kanyang paa. Hindi ko na iyon ikinagulat. The Bryant I know is a gentleman mas magugulat ako kung hahayaan niyang ipagpatuloy ko ang aking ginagawa. Bad for him, the Threin I know knows not to give up. Sumubo ako ng ilang beses at nakipagtawanan. Ilang beses ko rin nahuli na nakatingin siya sa akin pagkatapos ay iiwas. Hindi ko mapigilan ang ngumisi. This is just the start Bryant.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD