Kabanata 15

1006 Words
"I told you to wear your helmet properly" sermon niya the moment na bumaba kami sa motor. Hindi ko siya pinansin bagkus ay dumiretso ako sa tubig na aking nakikita. Hinubad ko ang aking sandalyas at parang batang nilaro ang aking mga paa sa tubig. Nararamdaman ko ang malamig na temperatura sa paligid at tubig ngunit ipinagsawalang bahala ko iyon. Nag-unat din ako ng aking katawan. Ang destinasyong aming pinuntahan ay isang dalampasigan. Isang oras ang layo nito mula sa tirahan namin pero sulit naman dahil sobrang payapa at ang ganda ng paligid. Maliwanag din ang buwan, sapat na para maging tanglaw namin. Itinaas ko ang aking kamay at dinama ang hangin. Anong oras na? Is it still my birthday? "Malamig" ani Trenz matapos isuot sa aking ulo ang hood ng jacket na suot ko. Bahagya pa nga akong nabigla dahil hindi ko naramdaman ang paglapit niya. Gusto ko sanang sabuyan siya ng tubig subalit kanina pa nakakunot ang noo niya kaya pinigilan ko ang aking sarili. Umalis ako sa tubig at walang pasubaling umupo sa buhangin. Sumunod naman siya. Akala ko'y gagayahin niya ako ngunit maingat niyang nilabas ang isang tela sa back pack na kanina pa niya dala, inilatag ito at pagkatapos ay doon humiga. Pupurihin ko sana ang pagiging boy scout niya ngunit nang hindi man lang niya ako inaya na makiupo sa telang inilatag niya ay padabog ko siyang sinipa sa likod. Hindi malakas ngunit sapat na para makuha ko ang atensyon niya.  "May mga pagkain diyan sa bag" ani niya at tinalikuran lang ako. Hindi manlang nag-effort bumangon ang loko.  Hindi pa naman ako gutom pero tiningnan ko ang bag na nasa unahan niya. Kinuha iyon at binuksan na nagpataas ng aking kilay. Inilabas ko iyon at tinitigan bago huminga ng malalim. "So feeling mo masarap kumain ng vegetable salad sa dalampasigan exactly at 12 midnight?" reklamo ko na may halong pagngiwi. Tumataba na ba ako? Kailangan ko na ba magdiet? "Hindi pa naman 12:00 am" pangangatwiran niya pa.  "O bakit anong oras na?" panghahamon ko. Tumihaya siya at binuksan ang kanyang cellphone. Pagkatapos ay iniharap ito sa akin. "11:50 pm" aniya, iniisip ata na hindi ako marunong tumingin ng oras. Sa sobrang inis ay sinabunutan ko siya. Wala naman siyang ginawa kundi ang protektahan ang sarili.  "Edi midnight na nga!" ani ko kasabay ng pagpipilit na matanggal ko ang kamay na inihaharang niya sa kanyang buhok para ito ay protektahan.  "Ang sarap mong kalbuhin e! Vegetable salad talaga Trenz? Ano? Hindi ka nausuhan ng chips? Sana sinabi mong need ko bumili ng pagkain!"  "Aray TR masakit!" reklamo niya sa pananabunot ko kaya mas lalo akong ginanahan.  Masasaktan ka talaga sa'kin!  "Bakit vegetable salad?!" Hindi ko magawa ng maayos ang pagsabunot sa kanya kaya't ibinaba ko ang aking kamay sa kanyang leeg at sinakal nalang siya. Lalo siyang nagpupumiglas sa ginawa ko kaya't lalo akong napangisi ngunit nawala rin iyon agad ng bigla niya akong hinila. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay namalayan ko nalang na ako na yung nakahiga at hawak na ng kaliwang kamay niya ang mga kamay ko.  "Para healthy" sagot niya habang hinihimas ng isa pang kamay ang sariling leeg. Ginawa ko iyong tyansa para makatakas. Ang plano ko'y sipain siya sa tiyan ngunit hindi ko rin iyon nagawa dahil mula sa pwesto ko ay bigla siyang nakatagilid na umupo sa mga binti ko. Sa sobrang bigat niya ay wala akong laban.  Pinagmumukha niya akong bench! "Pakawalan mo ako!" ani ko ngunit umiling lang siya. "Not until you behave" Pumiglas ako ng pumiglas ngunit walang laban ang lakas ko sa laki ng katawan na mayroon siya. Bakit kasi biglang lumaki 'tong gunggong na' to? Pinandilatan ko siya ng Mata.  "Tingin mo sa'kin aso?"  "Hindi pero nananakit ka" sagot niya at mahinang tumawa. Hindi siya nakatingin sa akin nang sabihin iyon.  Mukha ngang mas interesado pa siya sa buhangin.  "Paano yung masakit? Patingin" Sinalubong niya ang tingin ko. Nagpeke ng hikbi at nagpout. "Masakit" Sabay kaming natawa. Siraulo e. Pinakawalan niya na rin ako matapos niyon.  "Akala ko bad mood ka ngayon" ani ko at umupo sa tabi niya. Bahagya ko ring inayos ang telang nagusot. "Ano ng plano mo?" pag-uusisa niya na ikinalito ko. Tulad kanina ay hindi nanaman niya pinansin ang sinabi ko. Pansin ko these past few days ang moody niya. Tulad ngayon, kanina tumatawa tapos seryoso ulit. Sino nga ulit ang nagsabing mga babae ang moody? Kukutusan ko lang.  "Plano saan?" kinuha ko ang vegetable salad. Nagreklamo lang ako pero kakainin ko pa rin 'to syempre. Hindi na ako nag-abalang hatiin pa yun sa dalawa. Binigyan ko nalang ng sariling kutsara si Trenz at nagsimulang lantakin ang pagkain. "Legal age ka na" panimula niya na ikinatango ko. Akala mo naman ay hindi siya nag-eighteen noong nakaraang buwan. "Sabi nga nila tito pwede na raw ako mag-asawa e" ani ko at tumingin sa langit. Napag-usapan kanina iyon ng mga kamag-anak namin at natatawa pa rin ako kapag naaalala kung papaanong mabilis na umiling si Papa.  Nakuha ang atensyon ko ng isang bituin. Mas malaki ang liwanag na ibinibigay nito kumpara sa iba. Biglang pumasok sa isip ko si Bryant. Simula noong makita ko sila sa may park ng girlfriend niya ay itinigil ko na ang mga kalokohang ginagawa ko. Hindi na ako nagpapalate ng uwi para lang makasabay siya sa jeep. Hindi ko na rin inaalam pa kung saan siya pumupunta. Hindi ko na rin iniistorbo si Trenz para lang tulungan akong mas mapalapit sa kuya niya. Hindi ginawa ni Dei ang mga iyon ngunit nagawa niyang makuha ang atensyon ng lalaking mahal ko. Bagkus ay mas pinagtuonan ko ang aking sarili at mga taong alam kong mas may pakialam sa akin but that doesn't mean na nawala na ang nararamdaman ko sa kaniya. It's still here inside me. Parang agila na naghihintay na pakawalan. Nakabukas ang mga pakpak at sabik na lumipad.  "Kaya yung mapapangasawa ko humanda siya" Because I will make sure that this time, he will see me worthy for his love. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD