Happy birthday to you
Happy birthday to you
Happy 18th birthday Threin!
I smiled at them before blowing the candle.
3 years had passed and I am now on legal age. Instead of throwing a big party ay mas pinili ko na simpleng selebrasyon nalang ang idaos. I looked at my parents when they both kissed my cheeks. Papa's always busy in work pero hindi muna siya pumasok sa trabaho just for me. While Mama's still that caring mother. I can say that I'm lucky. Dahil nga kakaunti lang talaga ang mga kaibigan ko ay halos mga kamag-anak lang namin ang nakiselebra at ilang kaklase. I'm fine with that.
Matapos makisalamuha at makipagkwentuhan sa mga taong pumunta ay umakyat na ako sa aking kwarto. Mama and Papa can handle the visitors. Kanina pa rin umalis ang mga kaklase ko kaya't halos matatanda na ang natitira. I searched for my phone at dumiretso agad sa contacts. Nang makita ang numero ng aking kaibigan ay hindi na ako nagdalawang isip na pindutin ang call.
"Don't you dare tell me that you forgot my birthday" asik ko sa kausap the moment he picked the call. May halong pagbabanta ang tono ko and I didn't even try to hide it.
"Of course not" sagot niya agad, hindi rin nakaligtas sa pandinig ko ang mahina niyang pagtawa na nagpataas ng aking kilay.
"If you don't then why aren't you here? Just admit it Trenz, you f*****g forgot my birthday" agad kong pinatay ang tawag ngunit bago ko pa man maibaba ang aking cellphone ay tumunog na ito ulit.
"So how was that for an act?" excited kong tanong. Kinagat ko pa ang aking kuko habang hinihintay ang kanyang sagot.
"Lame" walang habas niyang sabi. Hindi manlang nagdalawang isip.
"Can't you atleast show some support?"
Basher e. Hindi ko naman siya inaano dyan.
"Labas ka, nandito ako sa tapat niyo" aniya, hindi binigyang pansin ang huli kong sinabi. I rolled my eyes because of that.
"Ba't hindi ikaw ang pumasok?"
"I'm shy" simple niyang sagot and I swear kung nagkataon na may iniinom ako ngayon ay tiyak na masasamid ako. Nakalimutan niya ata na ilang beses na niyang walang habas na pinasok ang kwarto ko nang hindi manlang nagpapaalam sa akin. Isa pa'y kanino siya mahihiya? Kilalang kilala na siya nila Mama since uhugin days till now. Well, he's Trenz and he have his reason.
"Palabas na"
I'm still wearing a simple light pink halter neck dress na hindi lampas sa tuhod ang haba. Ang kaninang 5-inch heels na suot ko ay pinalitan ko ng flat sandals. Nagkakasiyahan ang lahat. Nang bumaba ako ay nagvivideo-oke sila Mama at ang iba pa. May ilang nakapansin sa akin subalit hindi rin ako nagtagal pa doon dahil alam kong hinihintay ako ni Trenz sa labas.
Pasado alas-dyes ng gabi nang makalabas ako. Madilim man ay mabilis ko pa ring nakita si Trenz dahil literal na nasa tapat talaga siya ng bahay namin.
"Kumusta lakad mo?" ani ko nang makalapit. Pinasadahan niya ako ng tingin kaya't ganun din ang ginawa ko sa kanya. He's wearing a gray long sleeve shirt paired with cargo short and white vans. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang basa pa niyang buhok. Sumasama rin sa hangin ang amoy ng pabango niya. Mukhang naligo muna siya bago nagpakita sa akin. Pasimple kong inamoy ang sarili. Maayos pa naman ang itsura ko, hindi ko lang sigurado ang amoy dahil kanina pa ako pinagpapawisan.
"You look like a mess" pang-iinsulto niya kasabay ng pagbibigay sa akin ng dala niyang jacket.
"Dude, I'm the mess" sagot ko na ikinatawa namin pareho.
"So saan tayo?" sandali kaming natigilang dalawa sa tanong kong iyon. Tiningnan ko si Trenz. He's the one who ask me to come outside so maybe he have an idea right? Nang iwasan niya ang tingin ko at nahihiyang nagkamot ng ulo ay nanlaki ang mata ko.
"You don't have a plan?"
Hindi niya sinagot ang tanong kong iyon ngunit sapat na ang reaksyon niya para malaman ko ang sagot. Humugot ako ng hininga.
He must be really busy. After all, preparing for college is not easy.
Hindi siya nakapunta kanina dahil may inaasikaso siya for an entrance exam which I really understand kaya hindi na rin nakakapagtaka na wala siyang plano ngayon. It's not like the world is revolving around me.
"I actually just want to personally greet you a happy birthday" ani niya kasabay ng pagkamot sa sariling ulo but his action says otherwise.
So para saan yung extrang jacket na dala niya?
"Ang swerte mo naman, birthday celebrant pa ang lalapit sayo para lang batiin mo"
"What can you say? I'm special" pagyayabang niya na ikinailing ko.
"Sayang oras sayo e, balik nalang ako sa loob. Uwi ka na rin sa inyo. Goodnight" diretso kong sabi at nagsimulang tumalikod. Hindi ako galit or something. I understand him, he must be tired. At least he greet me right?
"Night roadtrip" banggit niya na ikinatigil ko. Hindi pa naman ako ganoon kalayo para hindi marinig ang sinabi niya. Puno ng kuryosidad ko siyang nilingon.
"Paalam muna tayo kila tita baka hanapin ka e. Also, change your clothes" dugsong niya na mas nauna pang maglakad papasok sa loob ng bahay namin. Nang nasa may pinto na siya at napansing hindi ako sumusunod ay tumigil siya at nakapameywang akong tiningnan. Doon lang ako natauhan kaya't dali-dali akong naglakad.
Siraulo. Iwanan ba naman ako dito.
Matapos magpaalam at magpalit ng damit ay dumiretso kaming dalawa sa bahay nila.
"Kotse o motor?" seryoso niyang tanong sa akin. Lakas ng loob magtanong palibhasa may driver's license na.
Kinuha ko ang helmet na hawak niya.
Magtatanong pa e alam naman niya kung anong trip ko.
"Siguraduhin mong gagamitin mo iyang helmet" ani niya seryoso nanaman.
"Bakit? Nakasuot na nga o" reklamo ko.
Imbis na matuwa ay naiinis pa ako sa kanya. Kanina pa siya seryoso, hindi na nakakatuwa. Still, he's not doing something bad against me kaya't nakisama pa rin ako. The moment the engine start ay sumakay na ako at humawak sa likod niya.
Pasalamat siya maraming bituin ngayon gabi kaya feel ko talaga magroadtrip.