bc

His Pastime Girl [Tagalog]

book_age0+
1.8K
FOLLOW
5.2K
READ
one-night stand
escape while being pregnant
opposites attract
second chance
submissive
drama
sweet
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

His Pastime Girl new edition! Ang kwentong inyong mababasa ay ibang-iba sa original and published version. Same characters but different plot and story. Hope you'll like this story more than the previousversion.

chap-preview
Free preview
Prologue
PROLOGUE “JERIC—” Nauwi na lang sa paghagikhik ang tangka kong pagsaway kay Jeric matapos niyang pabirong kagatin ang ilalim ng tainga ko. Bahagya akong napagulong sa maliit kong kama habang tumatayo ang mga balahibo ko sa batok. Pero sandali lamang akong nakawala sa kanya dahil sa isang iglap ay nasa ibabaw ko na naman siya at ang malalakas niyang braso ay nasa magkabilang gilid ko. Napahawak ako nang mahigpit sa kumot sa bandang dibdib ko. Napatakip ako sa bibig ko at humagikhik ulit. Nagsalubong naman ang makakapal niyang kilay na bumagay sa kulay-kape niyang mga mata. Boxers lamang ang suot niya nang mga sandaling iyon at ako naman ay hubad pa sa ilalim ng kumot. “Ano nga ang gusto mong regalo?” tanong niya nang sumeryoso siya. Katatapos lang naming magsiping at tinatanong naman niya ako ngayon kung ano ang gusto kong regalo dahil monthsary namin. Napalabi ako at kunwari ay nag-isip. “Binigyan mo na `ko ng bagong cellphone kanina, `di ba?” “Hindi mo naman hiningi `yon.” “Kung materyal na bagay ang tinutukoy mo, wala talaga akong maisip. Nandito naman lahat ng kailangan ko.” Umangat ang isang kamay ko at hinaplos ang pisngi niya. “Siguro pagkatapos ng tatlong taon, kung tayo pa ring dalawa... pakasalan mo lang ako, masayang-masaya na ako.” Nakita ko ang paglambot ng ekspresyon ni Jeric. “Tatlong taon? Bakit hindi na lang ngayon?” Napahagikhik ako. “Sira. Bakit, may malaking ipon ka na ba? Nag-iisang babae ako sa `ming magkakapatid kaya gusto ng nanay ko, magarbong-magarbo ang kasal,” pabirong sabi ko. “May tatlong taon ka pa para mag-ipon.” “Pa’no kung magawan ko `yan ng paraan sa lalong madaling panahon?” Kinuha ni Jeric ang palad ko at hinalikan ito. Natawa ako. Ibang klase rin talaga ang lalaking `to. Tatlong buwan pa lang kaming magkasintahan at halos apat na buwan na magkakilala pero kung makapagsalita siya kung minsan, para bang handa siyang ibigay sa `kin basta hingin ko lang. Akala mo naman, ang yaman-yaman niya. “Oo na, naniniwala na ako na mahal mo nga ako,” sa halip ay sabi ko. “Mahal mo rin naman ako, `di ba, Sandy?” parang batang tanong niya. “Mahal na mahal,” buong puso kong tugon. Matamis siyang ngumiti. Dito talaga niya nahuli ang puso ko. “Hindi mo `ko iiwan?” “Hindi.” Bumaba ang mukha niya at maalab akong hinalikan sa mga labi na buong puso ko namang tinugon. Gustong-gusto ni Jeric na palagi ko siyang ina-assure na mahal na mahal ko siya. Takot daw kasi siyang mawala ako sa kanya. Pakiramdam ko nga, ang swerte-swerte ko kay Jeric. Ubod na ng gwapo, matalino at masipag pa. Kaso minsan, pakiramdam ko rin, parang hindi ko pa siya lubusang kilala. Oo nga at tatlong buwan pa lang naman ang relasyon namin. Pero iba kasi, e. Pakiramdam ko, meron siyang sinasadyang itago sa `kin. At aalamin ko kung ano `yon. “SEND-AN mo `ko ng picture mo mamaya, ha? Damihan mo.” Hindi ko mapigilang mapabungisngis sa sinabing iyon ni Jeric. Naglalakad na kami ngayon papunta sa commercial building. Inihatid na naman niya ako bago naman siya pumasok sa trabaho niya. “Ano’ng picture ko naman ang ise-send ko?” “Picture mo habang nagtatrabaho, kumakain, nagpapahinga, basta picture mo.” “Hindi kaya masira `tong cellphone na bigay mo?” Huminto na kami sa tapat ng entrance ng building pero hindi pa rin niya pinapakawalan ang kamay ko. “Matibay kaya `yan.” “Pagalitan naman ako ni Boss Fifi.” “Hindi naman. Itatago mo naman, e,” katwiran niya at ngumisi. Natawa na lang ulit ako. “Male-late ka na. Dito mo na lang ako ihatid. Ingat ka, ha?” sabi ko na lang. “Ingat ka rin. Tatawagan kita mamaya.” Hinaplos ni Jeric ang mukha ko, bago niya hinawakan ang baba ko at hinalikan ako sa noo. “I love you, Sandy.” Pumalakpak na naman ang mga tainga ko at lumukso-lukso sa saya ang puso ko. “I love you, too, Jeric,” sabi ko habang pinagmamasdan ang gwapo niyang mukha. “Tutuloy na `ko.” Binawi ko ang kamay ko at umatras ng isang hakbang. Kumaway pa ako sa kanya bago tumalikod. Hindi pa ako tuluyang nakakalapit sa hagdan paakyat sa ikalawang palapag nang muli akong lumingon sa pinanggalingan ni Jeric. Nakita kong katatalikod pa lang niya at naglakad na siya papunta sa sakayan ng taxi. Mabilis ang mga hakbang na sinundan ko siya. Nang makita ko siyang sumakay ay dali-dali akong pumara ng paparating na taxi. Mabuti na lang at huminto iyon. “Sa’n po tayo, Ma’am?” tanong ng driver pagkasakay ko. Napalunok ako at biglang bumundol ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam kung meron akong madidiskubre sa gagawin kong `to. Bahala na. “Manong, sundan po natin `yong taxi na `yon,” turo ko sa unahan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Billionaire's Twins

read
263.8K
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
537.5K
bc

Sexytary |SPG|

read
538.9K
bc

Just Another Bitch in Love

read
28.6K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
504.3K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
967.8K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
27.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook